Chapter 14:

87 6 0
                                    

Andy's Point of View

Sana naman tantanan na ako ng kamalasan.
Di ko din alam bat ako ang napapagtripan nung tatlong yon.
Hala sige isipin mo nga?
Ako na parang laging dadayo ng away sa laki ng braso ko,daig ko pang mga bouncer sa mga club eh. Idagdag pa tong mga pimple ko na pinagkakamalan laging mukha ang ilong ko. Tong bilbil kong nakalitaw kahit di nakaupo,kilay kong makapal dahil mabalbon ako. Oo na mukha nga akong baboy ramo,mabalbon na mataba pa. Sana ka pa?

Kaha diko talaga maimagine na ako nilalapitan ng mga yon.Di naman sa nagrereklamo ako,aner ba?!
Hot fafa kaya mga yon,naiinis lang ako pag-kinukulit nila ako pag may ibang tao. Yung mga bibig sarap sangalan ng sili.

Actually crush ko silang lahat pero hanggang doon lang. Iniiwasan kong mapalapit lalo sa kanila lalo na kay Zack.
Ewan ko ba of all people kasi sya lang yung nag-offer sakin na maging kaibigan ko.

Like hello?!
Bulag ata ang fafa na to.
Sa school kasi na yon di nag-eexist yung ugali kesa pisikal na hitsura.
Ang mahalaga doon itsura,pera,Family background,at pera ulit.
Pag wala kang kahit na ano dyan alam mo na ang magiging role ng buhay mo during school year.

Kung di ka kasing tatag at kapal ng mukha ko malamang dika magtatagal doon.

Anyway mabalik tayo sa topic.Kararating ko lang dito sa looban namin,pauwi nako gaya ng sabi ni mudra uwi ako agad.

Uuwi at uuwi naman talaga ako wala naman akong friends doon.

Nilakad ko yung bato-batong daanan papunta sa mansyon namin.Barong-barong na mansyon.

'Oy Melly tong si Andy may saltik na ata!! Abay ngumingiti mag-isa!.'-

'Ay sos! tigilan moko Mang Temyong ha? ke aga aga pa alak nanaman yang kaharap nyo.'-

'Wala naman kasi akong asawa Andy kaya eto kasama ko lagi.'-

'Sows,Mang Temyong andito naman ako,may asim pa kahit mukhasim na.'- sabat ni Aling Budang sabay posed ng pangmodel ba o ewan diko masabi eh.

Sakyo namang painom na si Mang Temyong ng alak nung ginawa yon ni Aling Budang kaya nabugahan tuloy ni Mang Temyong si Tonyo na kakaupo palang sa pwesto nila.

' Ai nako Budang,wag sanang sasama ang loob mo kung sumasama na ang sikmura ko sa mga sinasabi mo Hahahaha.'-
biro ni Mang Temyong saka dali-daling umeskapo dala-dala ang KwatroKantong Gin na lagi nyang iniinom.

Sabay-sabay na nagtawanan ang mga taong nakarinig ng kanyawan nila Aling Budang at Mang Temyong. Nabansagan na ngang Love team tong dalawang to dahil sa madalas na pagkakantyawan. Samantala si Temyong naman ayun walang nagawa kundi sundan si Mang Temyong dala-dala na kasi ang alak.

Napapailing nalang ako sa mga kantyawan dito sa lugar namin. Totoong magulo nga dito pero di kasing gulo ng naiisip nyo.Magulong masaya kala mo di nakakaranas ng isang kahig isang tuka eh.

' Nay!! where na you?! dito na me.'- pasigaw kong tawag kay mudra nung nasa hagan na ako paakyat ng bahay.

'Pusang gala naman Andy!! Muntikan ko ng mabitawan tong takure yawa ka!.'- inis na sita sakin ni mudra.
Di pa nakuntento hinampas pa ako ng tsinelas nya sa ulo.

'Aray ko naman Nay!sakit non ah?'- reklamo ko habang hinihimas yung part na nahampas ni mudra.
Pero okay na din worth it naman.

'Pfft.'- pagpipigil ko ng tawa.Sobrang epic ng expression ni Mudra eh.

Nerd Makeover                               (Motemayor Series 1)Where stories live. Discover now