CHAPTER 10:RICHKID NERD

124 5 0
                                    

ANDY POV.

Habang naglalakad ako papasok ng mansion ramdam na ramdam kong tumatayo ang mga balihibo ko.Nakakalula sa sobrang laki ng mansion nato. Napapaisip tuloy ako kung nagkikita pa ba sila dito sa sobrang laki talaga.

Ang gaganda ng mga furniture at mga kagamitan nila sa loob di ko maiwasang manliliit sa mga nakikita ko dito,sino ba naman ang hindi manliliit?

Hello?!

From skwaters area lang naman ako,ang lugar kung saan tagpi-tagpi ang mga bahay maswerte na kung may electricfan na appliances dahil karamihan talaga wala. Matuturing ng nakakaangat sa buhay ang taong may ganun sa bahay nila.

O diba? napakababaw lang pero samin malaking bagay na kung maituturing.

Anyway back to reality, eto pa rin kami naglalakad sa pasikot sikot na pasilyo di ko na nga matandaan ang mga dinaanan namin eh.
Wala kong magawa kaya nagmasid masid na lang ako sa mga painting sa dingding ng pasilyo. Malamang mga sikat na pintor ang mga gumawa non,sobrang realistic kasi.

*blagg*

'Aray.'- kamot kamot ko yung ilong kong bumanga sa likod ni tito Benjamin. Grabe masisira nose ko sa sobrang tigas ng likod nya parang pader. phew!

'Oh? sorry hija, by the way andito na tayo sa living room,halika at ipapakila na kita sa daddy mo. Mrs.Ignacio sabay ka na rin. '- gulat na paghingi ng paumanhin ni tito Benjamin sakin di nya siguro inaasahan na mabubunggo ko sya.

'S-sige.'- utal na sagot ni mudra, nag alala tuloy ako bigla baka mapanu sya at yun ang pinakaayaw kong mangyari.

'Nay,natatakot po ako baka saktan ka nila.'- puno ng pag-aalalang sabi ko kay nanay.

'No hija no one will harm your mother,everyone here are kind and joyful. Trust me hija.'- malumanay na sabi ni tito Benjamin samin. Gusto kong magduda sa sinasabi nya kasi di ko naman sila kilala eh.

'Basta po di nila sasaktan ang nanay ko Tito Benjamin.'- mahina pero klaro kong sagot kay Tito Benjamin.

'Noted hija, come they all waiting for the both of you.'- nakangiting sabi nya at may pakindat pa. Kung iba sigurong tao yun baka kinilabutan ako. Phew!
..
..
....

Habang papalapit kami sa mga taong nakatayo sa may living room di ko maiwasang kabahan at pagmasdan sila ng maigi bawat isa. Lahat sila nakangiti maliban dun sa gwapong lalaki sa tabi ng may edad na lalaki.
..

'Nanay ko po!'

..

Sa mga tingin kasi sakin non para akong iihawin ng buhay.Parang gusto ko ng tumakbo pabalik samin kaya napahinto ako maglakad pero naramdaman ko ang masuyong pagpisil ni mudra sa kamay ko saka tinitigan ako na parang nagsasabing wag akong mag-alala.Kahit papanu napanatag ako,kaya naglakad ako ulit.

Nang makarating kami ay agad na nakipag-kamay si Tito Benjamin dun sa may edad na lalaki at nakipagbeso dun sa tatlong nakangiting babae habang yung gwapong lalaki nakatingin pa rin sakin at sa mudra ko.

'Glad to see you again Benjamin,is that her?'- bati ng medyo may edad na lalaki,na medyo kamukha ko. Naku baka sya na.

'Yes,Sir Alfred.'- sagot ni Tito Benjamin dito sabay tingin nilang dalawa sakin.

'Hija,come here please.'- nabigla pa ako ng magsalita ulit si Tito Benjamin.

'Hija,this is Don Alfred Motemayor your daddy,and this is Donya Rica Hermes Motemayor your daddy's wife and your step mother.'- pagpapakilala samin ni Tito Benjamin.

Tiningnan ko silang pareho na kapwa nakangiti sakin,sabay tingin sa iba pa naming mga kasama.

Yung dalawang babae masasabi kong mabait talaga base sa ngiti nila sakin,pero yung lalaki sagwa talaga eh.Sus!

'Kalma Andy' - bulong ko na lang sa sarili ko.

'And this three young goodlooking here are your siblings,Shiela,Victor and Victoria Motemayor.'- sambit ulit ni Tito Benjamin. Like seriously lagi na lang akong nagugulat sa mga biglaang pagsasalita nya.

Tiningnan ko muna si nanay para humingi ng permiso.
Nakita ko namang nahihiya rin sya pero tumango parin.

Dahan dahan akong lumapit dahil kanina diko maigalaw ang sarili kong mga paa.

'H-hello po sa I-inyo.'- utal utal kong salita. Masisi nyo ba ako ? Mga bigtime tong mga nasa harapan ko no? Mga damit pa lang walastik na.

'Arggggg!I can't take this anymore Dad.'- galit na sambit nung Victor ang pangalan.

'Watch your mouth young man.'- babala ni tatay Alfred.Yes tatay po ang tawag ko sa kanya.

'What?! I can't stand this ,seing my Mom being humiliated like this? Dad? Does Mom deserve this? '- halata ang galit sa tono nung Mamang Victor sa tatay ko.
Nakatingin lang ako sa kanila habang ganun ang nangyayari sa harapan ko.

'Vic.Hijo i am fine your dad never humiliated me, stop being arrogant,we have guest so behave young man.'-
paunawang sagot ng stepmother ko. Infairness mabait talaga sya. Pero takot pa rin ako sa kanya kung tanggap nya ko.

'Can you see this Dad? Mom still understand you and forgives you but this is too much! Bringing that Bitch and her trash to our-----' -napatayo na si Mamang Victor sa galit habang nakaturo kay Nanay. T-teka? ano daw?
Bitch?!! abat..

' Hoy!!!Wag na wag mong tatawaging bitch ang nanay ko!'- napatayo na rin ako habang nakatangin sa Mamang yo.
Wala syang karapatang ganunin ang nanay ko sa harapan ko.

'Sorry T-tito Benjamin ,aalis na kami,baka may masapak pa ako ulit kapag may nambastos ulit sa Nanay ko!'- pigil ang galit na sabi ko kay Tito Benjamin.
Sabay irap sa Mamang Vicyor na to!.

'At ikaw Mister,kung ayaw mo samin mas ayaw namin sayo!. asik na sabi ko sa kanya. Buti nga sa kanya no?!.

Tiningnan ko si Tatay.  Alam ng dyos kung gaanu ko hinitay na makita ko sya at mayakap pero ganito pala mangyayari,nakakasama ng loob tong Mamang Victor nato.

'Pasensya na po,pero kung magiging dahilan lang kami para magkaganito kayo mabuti pa pong kalimutan nalang po nating nangyari ang lahat ng ito,masaya po ako at nakilala ko kayo tatay pwera lang sa isang kabayo dyan.Aalis na po kami.'-  hinging paumanhin ko kay tatay Alfred. Grabe kabadtrip naman naiiyak nako.

Sabay sila kay nanay di na sila nakasagot,baka nagulat sa ugali ko.

'Salmat anak,pero di mo dapat ginawa yon,baka sabihin di kita pinalaki ng maayos eh.'- narinig kong sambit ni mama saken pagkalabas namin.

'Sus,kilala nyo po ako Nay,maganda lang ako pero matapang pagdating sa inyo'- kaasar to si nanay pinapaiyak pa talaga ako.

'Dun sa matapang naniniwala ako,pero dun sa maganda anak,halika uwi na tayo bibili kita ng isaw sa kanto natin gutom lang yan eh.'- pang aasar pa ni nanay saken.
Kung diko lang to nanay baka nasapak ko to.

'Lokong kabayo yun kala ko pa naman makakakain nako sa wakas ng Hamon, susubo pa lang ako Nay eh,kaasar talaga yun. panghihimutok kong sagot kay nanay, dedma nalang sa pang aasar.

'Hahahaha lugi ka nak,ako nakatikim ng salad'.- natatawang sabi ni nanay.

'Ho? talaga?! iba rin talaga tong mudra ko nakasalisi ka pa rin po palang sumubo kahit nagngangawa na yung kabayo don'- akalain mo nga naman si nanay talaga oh..



Parang walang nangyari kung mang asar si nanay.

'Wait lang'.-  humahangos na tawag samen ni Manong Victor.





ABANGAN..

Nerd Makeover                               (Motemayor Series 1)Where stories live. Discover now