Chapter 15:

108 13 14
                                    

Andy's Point Of View

Malayo-layo din ang byinahe namin.
Nakatulog na ako kasi busy naman si Mudra at si Tito Benjamin.
Bago ako makatulog kanina nagtatawanan pa sila eh.Diko na kinaya energy nila kahit anung pilit kong sumabay diko talaga kaya nakaka-out of place lang eh.

Yung kilos ngayon ni Mudra daig pa ako parang teenager lang eh. Hays!

Diko sya masisi kasi naman ganun din si Tito Benjamin.
Parang mga first timer lang eh.
Nung una nag-kakahiyaan pa sila then papasulyap-sulyap na tapos nag-bibiruan na sila,tapos ngayun naman mukhang seryoso na.

Ay ewan.
Mag-isip ka na nga lang ng ibang bagay Andy.
Kung may android cellphone lang sana ako.

Natigil lang ako sa kakaisip nung maramdaman kong huminto ang sasakyan.

Sa wakas!

Nagmadali na akong makababa para makaunat-unat,ngawit na tong wetpaks ko eh.

Pagkababa ko diko na natapos pag-iinat ko nang makita ko kung nasaan kami ngayon.

Resort ba ito? Paraiso?
o nasa porgatoryo na ako?
Nadisgrasya ba kami habang tulog ako?
Tegi na ako.

Sa sobrang stress ko sa kakaisip napaiyak na ako na kinagulat naman nila mudra at Tito benjamin.

'Anong nangyari sayong bata ka?.'- hampas ni mudra sabay pilit ang ngiti at pasensyas senyas pa.

'Nay naman nanghahampas pa kayo. Di man lang kayo nalulungkot na patay na tayo.? Jusko Nay di pa ako ready.'- pahiyaw kong sabi kay Mudra palakas na din ng palakas ang iyak ko.

Walang ano-ano ng may naramdaman akong lumagatok sa ulo ko.
Kasabay ng kusot ni mudra sa tagiliran ko.

'Ano ka ba naman Andya umayos ka nga napapahiya na ako sa pinag-gagawa mo,hindi pa tayo patay ano bang pinagsasabi mo.'- gigil na pabulong ni mudra sakin pasimple pala nya akong kinukorot.

'Is she ok?.'- samtala nag-aalala namang tanong sakin ni Tito benjamin na tipong di malaman ang gagawin.

'Ah eh,okay lang sya ahehehehe kwan ano nahilo lang sa byahe natin,yun tama nahilo lang sya,Diba Andy?.'- nauutal pa si mudrang nagpapaliwanag samantala mas diniin pa pag kakapisil sa tagiliran ko.

'A-ahhh o-po n-nahilo po ako s-sorryyy.'- sabi ko na pigil na pigil mapangiwi sa sakin ng pagkakakutlrot ni mudra.Pasimpleng tinggal ko ang kamay ni Mudra nung una pahirapan pa kaya pinwersa kona.

'Are you sure? parang di kayo okay?.'- di pa din kumbinsidong tanong ni tito benjamin.

'Ah hehehehe oo naman.'- sabay na sagot namin ni mudra sabay kamot din ng ulo.
Sinamaan ako ng tingin ni mudra bilang babala na wag na akong gagawa ng kalokohan.

'sorry na.'- pabulong kong sabi kay mudra sabay peace sign.
Inirapan lang ako eh.

'Kung ganun okay tara pasok na tayo sa loob.'-
anyaya ni tito benjamin samon papasok ng sa napakalaking gate sa harapan namin.

Halos maluwa ang mga mata namin ni mudra sa sobrang ganda ng nasa loob.
May pool, private pool yata to.
May dagat din may iilang mga tao din mga nakaswimsuit.
May building,may jacuzzi,may sauna, may hot spring.
Hala ano to? batis ba yong nasa likod ng napakagandang garden?

Kung maganda sa labas mas doble ay hindi triple ay hindi din 100 beses na mas maganda sa loob.

Namamangha pa din ako sa nakikita ko habang ina-assist kami ng mga staff papunta sa private lagoon kung saan andun may lamesang nakadisplay na punong puno ng pagkain.

Nerd Makeover                               (Motemayor Series 1)Where stories live. Discover now