Episode 11

48 7 0
                                    

Title: WITH YOU
Author: Jenryl de Jesus
Wattpad: @jenryl04
Dreame: @Moonlight04

EPISODE 11


TUM

 

            Pagkatapos kong magpaalam kina Mom at Dad ay nagpahatid na lang din ako kay Uncle Thor sa bahay nina Tian. Gaya nang ipinangako ko sa kaniya, doon ako ngayon matutulog sa kanila. Tumawag din ako kanina kay Farm para batiin siya sa kaniyang kaarawan.

            “Khaawp khun khrap.” sabi ko kay Uncle Thor pagbaba ko ng sasakyan.

            “Text niyo na lang ako sir kung magpapasundo na kayo.” sabi naman ni Uncle Thor nang buksan nito ang bintana ng kotse.

            “Khrap.”

            Mayamaya ay lumabas si Tian at binuksan nito ang gate. Sakto rin namang paalis si Uncle Thor paglabas niya.

            “Tum…” masayang sambit nito sa aking pangalan.

            Kinuha niya ang dala kong bag na naglalaman ng mga gamit ko. Bukod kasi sa manonood kami ng movie at maglalaro ng dice, ay i-tututor din niya ako sa asignaturang matematika.

            Pumasok kami sa loob kung saan abala namang nagluluto si Aunty ng paborito kong ulam.

            “Sawatdee khrap, Ma.” bati ko kay Aunty pagpasok namin ng kusina.

            “Sawatdee.” nakangiting tugon sa akin ni Aunty. “Malapit na itong maluto.” wika pa nito na ang nais tukuyin ay ang niluluto nitong Gaeng Daeng.

           

            Bahagya ko itong inamoy at napapapikit pa ako ng mga mata dahil sa napakabango at nakakatakam na amoy nito.

            “Oh siya, ihatid mo muna 'yang mga gamit ni Tum sa kuwarto mo.” utos ni Aunty kay Tian.

            “Khrap, Ma.” agap din namang tugon ni Tian.

            Pagkakuwa’y tumungo kami sa kuwarto nito para ilagay ang mga dala kong gamit. Matapos nitong ilapag ang aking bag ay sabay kaming lumapit sa kaniyang kama at patapon naming inihiga pareho ang aming mga katawan.

            “Hayyyy…..” sabay naming sambit at huminga kami ng malalim.

            “Khaawp khun na, Tum.” mahina ngunit nakangiting sabi ni Tian nang tumingin ito sa akin.

            “Para saan?”

            “Dahil tinupad mo ang promise mo na dito ka matutulog ngayon.”

            Ngumiti ako.

            “Mai bpen rai. Matagal na ring hindi ako nakakatulog dito.” pagkuwa’y wika ko.

            Ipinikit ko ang aking mga mata dahil nais kong namnamin ang mga sandaling ito. Namiss ko ang moment na ito gaya ngayon.

            (Sa kabilang banda, habang nakapikit ang mga mata ni Tum ay napapatitig naman sa kaniya si Tian. Halos hindi siya kumurap na pinagmasdan ang mukha ng kaibigan. Mayamaya ay gumuhit ang manipis na ngiti sa kaniyang mga labi.)

            Pagdilat ko ng aking mata ay nahuli ko ang pagtitig sa akin ni Tian.

           

With You (BL)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora