Chapter 10

1.1K 45 3
                                    

Jusmiyo.

Wala akong tulog magdamag.

Paano'y di maalis sa isip ko yung nangyari.

First kiss ko yun e.

Hindi na dn kami nagkita ni Donny sa loob ng kabahayan dahil naiwas ako.

Maagang gumigising si Donny sa umaga at may pasok ito ngayong araw pero mas inagahan ko pa. Nag commute na ako.

Wala akong mukhang ihaharap.

Ang sama nga eh.

Sa mga nababasa kong novel at napapanood na teleserye o movie ay babae lagi ang nakapaimbabaw sa lalaki.

Bakit baliktad?

Ngayon ko lang pati naramdaman ang sakit ng pagkabagsak ko, halos di ako makabangon sa sakit. Para akong sinuntok ng sampung demonyo.

Walang hiya.

Napatingin naman ako nun sa relo.

Sobrang aga pa talaga. Alas sais pa lng.

San kaya makatambay?

Nagpalinga linga naman ako nun.

May nakita akong bench sa loob ng campus.

Sa tantiya ko ay makakaidlip pa ako dun.

So ayun dun ako dumeretso.

Kinuha ko ang phone at headset ko sabay pinatugtog ung playlist sa music  ng phone ko.

Ipinikit ko mga mata at sumandal sa upuan.

Talagang balak kong umidlip.

Kaso ay napamulat ako ng biglang may narinig akong click ng camera.

Si Jameson Blake.

Dalawang metro ang layo sa kinaroroonan ko at nakatingin sa camera nito.

Hindi ko alam kung ako ang pinicturan nito. Hindi ko naman naaktuhan ang pagkuha nito ng litrato.

"Good morning." He greeted.

Bahagya pa akong nagpalinga linga at baka hindi naman ako yun.

Nang makitang walang ibang tao dun ay tinuro ko na ang sarili.

He smiled at me showing his two dimples.

Pogi din.

"Good morning din." Ganting bati ko at ngumiti ng alanganin.

"You're early." He added at itinutok sa akin ang camera nito.

Kinukuhanan nya ako ng litrato.

Kahit naiilang ay ngumiti din naman ako.

"Oo nga eh." Napakamot sa ulong sagot ko.

Si Jameson naman ay mas lalong lumapit sa akin.

"I'm Jameson Blake." Pagpapakilala nito sabay lahad ng kanang palad nya.

"I know." Sagot ko.

Sino di makakakilala sa lalaking to.

Sikat sya sa Departamento nila.

"Marydale Entrata." Saad ko at tinanggap ang palad nito.

"I know." He smiled. Ginaya lang din nya sagot ko.

Lihim akong napangiti.

Bakit nya ako kilala?

"So goodluck on your last phase of audition tomorrow."

ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon