Chapter 21

1.1K 47 2
                                    

"And you belong to..."

Imaginary Drum rolls.

Nabuksan na nito ang maliit na papel na nabunot ko.

"You Belong to The Ump Yours!"

Nagsiungulan ang lahat sa di ko malamang kadahilanan.

Siguro ay baka gusto din nila akong maka team?

Hehe. Assuming lang.

Ako naman ay pabirong itinulak ni Joric papunta sa grupong kinabibilangan ko.

Napalakas yata ang tulak nito dahilan para maout of balance ako.

Buti na lang at may mabilis ang kamay na umalalay sa kin.

Magpapasalamat na sana ako ng maghiyawan ang lahat na tila kinikilig.

Pag angat ko ng tingin ay alam ko na agad ang dahilan.

Si Donny ba naman kasi ang sumalo sakin.

Biglang parang umakyat lahat ng dugo ko sa mukha.

"Careful." Saad naman ng lalaki at di nagpaapekto sa hiyawan nila.

"Wow another set of love team!" Panunukso naman ni Joric.

Gusto kong magsalita.

Nakakahiya sa girlfriend ni Donny.

Ang alam ko yun yung sabi ni Iñigo sa akin na may girlfriend ito.

Di kaya si Belle yun?

Sya lang naman yung madalas makita kong kasama nito noon pa man.

"Let the Riff off begin!" Anunsyo ni Joric na umalingawngaw ang tinig nito sa kabuuan ng kwarto dahil sa hawak na wireless mic.

Ang lahat naman ay excited. Lalo na ako.

Pumwesto na si Joric sa isang Spinning wheel sa tabi nito.

Ito pala yung napapanood ko sa page ng TV. Ngayon ko lang narealize.

Minsan lang din sila nakakapag upload ng ganito dahil ginagawa lang nila ito pag may new member.

Para syang inspired by Pitch Perfect. Kung napapanood nyo yung musical movie na yun.

Kaso ay kung acapella yun. Ito naman ay may kanya kanyang intruments.

Nakakatuwa at saksi na ako ngayon.

"Let's spin the wheel!." Joric yelled again sabay pinaikot nya na ito ng malakas.

Kung sa pitch perfect ay Spin the Wheel na may category na na napapatapat sa arrow . Sa kanila naman ay sa pangalan ng team tatapat yung arrow.

Ang matatapatan na team  ay syang magdedecide ng category. You must sing a song base on their given category. If it doesn't match, then the team is out and can no longer compete. Pag ang isang team naman ay mag iinterrupt, they must start their song with the same word that the other team's  song has landed on.

"Blue Diamonds! You may choose your category!" Sigaw ni Joric ng tumapat sa grupo ang arrow.

Agad nag usap ang mga ito.

"Filipino TV theme songs!" Sigaw ng isang member nila.

Nagmamasid lang ako nun.

Habang tinitingnan ko ang kateammates ko ay halata din na excited sila.

Si Donny ng mga sandaling yun ay nakamasid lang din at may bitbit na gitara.

Ang gwapo talaga nya.

ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon