Chapter 22

1.2K 55 21
                                    

"So you like Donny huh?"

I turned around.

Si Jameson iyon.

Ngayon ko na lang ulit sya napansin.

"Wag ka maingay." Bulong ko dito at hinampas ito sa braso ng pabiro.

Ang iba naman na nasa loob ay nagkanya kanya na ding handa para umuwi na.

Ako ay palabas na sana at kinuha ko lang ng bag ko sa upuan.

"Sayang." He whispered pero umabot iyon sa pandinig ko.

"Anong sayang.?" Tanong ko naman sa kanya.

"Nothing."

"Hatid na kita?" He offered.

"Naku hindi na!" Tanggi ko.

Balak kong kay Donny na sumabay at ito nga bigla na lang nawala.

"Tara labas na tayo." Yaya ko dito.

Magkapanabay nman kaming lumabas nun.

Si Donny ay naabutan naming nakasandal sa labas ng pader na tila may hinihintay.

Nagseryoso ang mukha naman nito nung makita kami.

"Hey, Don." Bati dito ni Jameson.

"Let's go." Maikling sabi naman ni Donny na sa akin nakatingin.

Hindi nito pinansin ang pagbati ni Jameson at basta na lang tumalikod at naglakad.

Napatingin naman sakin si Jameson nun na nagtataka.

"Next time na lang Jameson ha." Saad ko dito.

Para kasing wala sa mood na si Donny.

Iniwan ko na din ang nagtatakang si Jameson at sumunod kay Donny.

Kaso ay nakahabol sa amin si Jameson sa elevator.

Sakto din namang wala ng ibang sumabay at tanging kaming tatlo lang ang nasa elevator.

Wala ni isa mang nagsalita sa amin hanggang nakarating na kaming basement at lumabas na.

Ang bilis pa rin maglakad ni Donny papunta sa sasakyan nito.

"M-mauuna na kmi ha." Paalam ko kay Jameson at dali daling sinundan si Donny.

Alam ko namang nagtataka si Jameson kung ba't magkasabay kami ni Donny pero hindi nman din ito nagtanong.

Sa halip ay ngumiti na lang ito na tila nakakaintindi at kinawayan ako.

Ito din ay pumunta na sa sariling kotse nito.

*****
"Galit ka?" Tanong ko kay Donny dahil hanggang sa nakalabas na kmi ng campus ay di pa rin ako nito kinikibo.

Wala naman akong maisip na dahilan kung bakit.

Galit nga yata at hindi sinasagot yung tanong ko.

Kaya nanahimik na lang din ako sa byahe.

"Do you like Jameson?" Anito na nasa daan ang konsentrasyon.

"Oo. Magaan ang loob ko dun." Sagot ko dito at dudugtungan ko pa sana iyon kaso ay biglang pumreno ito at muntik na akong sumubsob sa sasakyan.

"Damn!" He hissed.

"Anong nangyari?" Kinakabahan kong tanong dito.

Agad agad itong lumabas ng sasakyan.

Pinagsisipa pa nito ang gulong na tila dun binubunton ang inis.

ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon