Chapter 1

10.8K 117 46
                                    

"I warned you not to do it."Sisi sa akin ni Sue.

Kasulukuyan kong inuuntog ang noo sa sarili kong desk.

Isang linggo na ang nakalipas at hanggang ngayon parang bangungot ang pangyayaring iyon. Sa twing naaalala ko ang pagkapahiya ko ay gusto ko na lang mawala sa mundo. Ang siste, gsto ko man kalimutan, madaming saksi at lagi nagpapaalala sakin nun.

What a shame.

"Wag mo ng ipaalala please." Nagmamakaawang turan ko

"May?! Naaalala mo na naman ba? Wohooo! Iba ang fighting spirit!" Nang aalaskang sigaw sa akin ng kaklase kong lalaki na malamang nakita ang boung pangyayari.

Lagi na lang pang aalaska ang inabot ko sa mga alaskador kong mga kaklase, at pag naglalakad ako sa campus ay ramdam ko ang mga matang nakatitig sa akin..

Btw. I am Marydale Entrata o mas kilala sa palayaw na May o Mayang.

3rd year in college taking up BS Tourism. Actually, I am a nobody in this campus.

"Shut up!" Nanlilisik ang matang sigaw ko.

"Bakit kasi 'Y-O-U-R'?" Narinig ko pa sabay tawa.

"Bilib din ako sayo girl. Kinaya mo." Nakaismid na segunda ni Kisses.

"Si Donny Pangilinan? Ang campus hearthrob ng Adamsom University? Sa dami ng magaganda sa campus natin papatusin ka kaya?" Dagdag pa sa mapanuyang tono.

"Hoy Kisses, tumigil ka. Kung makapagsalita ka ah." Tanggol saken naman ni Sue.

"Eh sa totoo naman" Anito na matalim ang tingin sa akin sabay irap na naman.

Sa halip na patulan eh pinili ko na lang manahimik at muling iniuntog ang noo sa desk.

"Di ka din kasi nadala mahal, ako na lang kasi. Andami na ngang umiyak dun dahil laging basted. Sumunod ka pa!" Biglang sulpot ni Edward Barber at umupo dun sa harapan ko.

Simula't sapol eh wala ng ginawa ang isang to kundi ang bumuntot sa akin.

First year college pa lang eh very vocal na si Edward sa pagsasabing crush na crush nya daw ako na lagi ko namang di seneseryoso.

Yes. He's very fun to be with. Pogi din naman dahil half German ito. At hindi ako sanay na walang isang Edward ang gagambala sa araw ko.

Yun nga lang, kapatid at kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya.

"Hay naku Edward! Pagsabihan mo yan. Nababaliw na yan!" Lintaya na naman ni Sue.

Si Sue na maputi at matangkad.

"Pwede bang suportahan nyo na lang ako?" Nagpapaawang wika ko.

"Eh kasalanan mo yan eh" Bulalas ni Sue ulit, bago pa man ako makasagot eh tumunog naman yong cellphone ko nun.

Si Tatay ang caller.

Ba't kaya napatawag to?

Di pa tapos ang klase ko ah.

Ang nakakapagtaka eh may sampung miscalls na ako sa kanya na marahil eh di ko napansin kanina pa.

"Tay?" Saad ko matapos pindutin ang answer button.

"Mayang a-nak."

"Ok lang kayo Tay?" Tanong ko ng marinig kong umuubo ito sa kabilang linya.

"A-anak?"

"Tay po? Anong nangyari?" Kabado kong saad.

"W-wala n-na tayong b-bahay anak. N-nasunugan tayo."


ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon