Chapter 14

1.1K 49 3
                                    

"Can we watch horror movies in the living room?" Yuki asked.

Katatapos lang namin kumain ng dinner, at this time si Manang Lagring na ang nagluto.

"I'm bored to death." Reklamo ni Yuki.

Nangiti naman ako sa sarili habang hinuhugasan yung nga pinggan.

Minsan si Yuki maldito na mabait na ewan. Bipolar ang tukmol.

"What do you think Ate May?" Yuki asked again.

"Hindi ako mahilig sa horror movies e." Nakangiwing tugon ko.

"Boring."

"Bro?"

Ako naman ay nagulat na nasa kusina pa pala si Donny.

Kumukuha ito ng gamot sa ref.

"Sure, if you can convinced your Ate May." May kondisyon naman  na sagot ni Donny sa pagitan ng pag inom ng gamot.

Yuki came forward at mas lalong nagpapaawa ang itsurang nakatingin sa akin.

"Ate May?"

Alangan namang humindi ako di ba?

****
Andito kami sa living room ngayon.

Ang lakas ng trip ng dalawang to.

Kung kelan tatatlo lang kami ay saka nagkakayayaan.

Bahala na.

Pinoproblema ko ay mamaya pagtulog ko. Masyado akong matatakutin pag nakanood ng horror kaya akoy iwas na iwas manood para hindi maging matatakutin.

Dahil wala din naman akong alam sa horror ay hinayaan ko na yung dalawa magbangayan sa gustong palabas nila.

"Fine, but after that let's watch that." Sumusukong sabi na ni Yuki.

Maya maya pa ay nagsimula na ang palabas.

Naglatag kami ng comforter sa sahig na may carpet sa living room.

Ang mga unan na ginamit naman namin ay ung mga soft pillows sa sofa.

Si Yuki ay napapagitnaan namin at lahat kami nakahiga.

Bago pa kanina ay nagsalang si Donny ng pop corn.

May alam din naman pala sa kusina kahit paano.

Meron ding mga tsiseryang kasama at coke in can na nasa mini table ng salas. Kumuha ang gustong kumuha ika nga.

"Can we turn off the lights?" Malakas ang loob na sabi ni Yuki.

Jusko po.

Mukhanh babangungutin ako nito.

Kahit wala namang sumagot sa amin ni Donny ay tumayo na si Yuki at pinatay yung lahat ng ilaw.

Tanging tv na lang ang nakikitang may ilaw.

Bigla nanindig balahibo ko sa braso.

Sa unang labas ng movie ay medyo kinakaya ko pa kaso nung nasa kalagitnaan na ay panay na ang sigaw ko samantalang yung dalawa ay pinagtatawanan lang ako.

Hindi na ako makapanood ng maayos at tinakpan na lang ng unan ang mga mata.

Si Yuki ay panay hila naman sa unan ko at talagang gusto akong mamatay sa takot.

"Ayan na! Ayan na sya. Hindi! Hindi wag ka jan pumunta!" Nagsisigaw na ako at wala ng pakialam sa dalawa.

Paano'y papatayin na yung babae sa palabas.

ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon