Chapter 18

1K 47 1
                                    

"Donny, dito na ako." Lingong sabi ko sa lalaki. Tanaw ko na kasi yung 7/11.

Sa halip na tumigil ay ideneretso lang nito ang sasakyan.

"Huy." Awat ko dito pero parang wala itong narinig at nagpatuloy pa rin.

Alam ko namang naririnig nya.

Anong trip nito?.

Gusto nya bang may makakita sa amin?

Hanggang sa pumasok na ito sa loob ng campus at dumeretso sa parking lot.

Di makapaniwalang napatingin ako dito ng tumigil na ang sasakyan.

"What?" Kunyari ay di nito alam ang ginawa.

"Papahirapan mo pa yata ako sa pagtatago eh." Angal ko dito at kinalas na ang seatbelt sa katawan.

"And who told you to hide?"

Ano daw?

Di ba sya ang may ayaw nun?

Teka.

Sya nga ba?

"You just assumed." Dagdag pa nito at napa 'tsk'.

Inoff naman nito ang makina ng sasakyan.

Kinuha nito ang bag sa likod ng sasakyan.

At ako naman ay dali daling bumaba na din.

"Mauuna na ako." Paalam ko naman sa kanya na bahagyang nagpalinga linga at baka may makakita sa aming magkasama.

Maging issue pa.

Di nyo alam maraming fangirls to.

Baka bigla akong kuyugin.

Nakafollow nga ako sa page na yun.

Hindi ko na din inantay na magsalita ito.

****
"Makeupan kita" Presentang sabi ni Sue.

Ilang oras na lang kasi at mag gagather na ang mga members ng TV.

May three subject ako for the whole day. 8am, 10am and 1pm. After ng last subject namin sinamahan ako ni Sue sa pinakalapit mall para tumambay.

Ganun sya ka supportive sa akin.

Sasama nga din sana si Edward kaso ay may lakad dw sila ng pamilya kaya di namin kasama ngayon.

Lungkot lungkutan pa nga ito at talagang ako daw ay miss na miss na.

Nagdala na din ako ng damit pamalit mamaya.

Wala nmang nakasaad na dress code kaya kung ano nakita ko sa closet ko na maayos ay yun na lang dinala ko.

Dala ko yung Denim romper na di ko pa nasusuot. Regalo ng Tatay nung birthday ko pa.

Sinukat ko naman kagabi at mukha namang ayos yun sakin. Yung ikli ng short nya ay di naman super ikli. Saktong above the knee lang yun.

May inner na black croptop shirt iyon.

Nakapagsine pa kami ni Sue dahil 6pm pa naman ang gathering.

Kaya nung makalabas na kami ay naisuggest ni Sue na ayusan ako kahit di ko naman hilig ang pag aayos.

Ayos na sa akin ang konting lip tint at pulbo.

Pagkalabas ng sinehan ay dumeretso na kami sa comfort room. Nagpalit na agad ako ng damit.

"Whoaaaaa." Gulat na gulat ang reaksyon na nakatingin sa akin si Sue.

"Pangit ba?" Nag aalala kong tanong. Wala pa man din akong pamalit.

"Of course not! Ang bagay sayo ng get up mong iyan bruha. Mas lalo kang sumeksi at tumangkad. Ang ganda ng legs mo. Nakakainggit"

Napatawa naman ako sa tinuran ni Sue.

Paanoy nakaheels dn ako na may shoe lace. Basta hirap akong edescribe.

"Halika aayusin ko yang buhok mo." Saad pa ni Sue.

Lumapit ako dito at hinayaan ito sa gustong gawin.

Mga ilang minuto ang nakalipas ay natapos din nito ang pag aayos.

Napanganga ako sa salamin ng makita ang buhok ko.

Naka hair bun iyon na may kaunting alpas ng buhok sa magkabilaan na halata namang sinadya.

Ang ganda.

Ng buhok ko.

Si Sue naman ay inilabas ang make up kit nito.

Syempre eh wala ako nun.

Ang sabi ko ay wag kapalan at ayoko ng mga foundation foundation na yan. Makati sa mukha.

Ang ginawa lang nito ay nilagyan ng eyeliner ung gilid ng mata ko.

Kinilayan nya din ako kahit may korte naman na yung kilay ko pero mas nagkakorte iyon ng ginawa ni Sue.

Ayun dito ay nagagandahan daw talaga sya sa mata ko na mala almond shape. Para daw akong si Mulan.

Nilagyan nya din ng kaunting cream yung mukha ko at sinapawan ng pulbo pagkatapos ay sinunod nito ang  labi ko para sa lipstick.

Tulad ng sabi ko ay di makapal iyon.

"Nakakainggit. Ang ganda mo. Kung andito si Edward mas mababaliw sayo yun bruha." Tuwang tuwang saad pa ni Sue.

"Bolera ka talaga" Nakatawa kong balik dito.

"Maiinlove na sayo jan si Donny. Pramis." Panguuto pa ni Sue.

Bago pa umalis ay kinuhanan muna ako nito ng litrato.

Pose naman ako ng pose.

Buti na lng ay kami lang ang tao sa comfort room.

***
"Magtaxi ka na." Suhestyon ni Sue.

Nasa labas na kami ng mall ng mga sandaling yun.

"Bakit naman?" Tanong ko naman dito. Eh ang lapit na lng naman ng campus. Pupwede ngang tricycle na lang.

"Mag taxi ka at baka ikay pagkaguluhan diyan. Para kang nasa Asia's Top Model."

"Ewan ko sayo." Tatawatawa kong sagot dito at inayos ang sling bag na pinahiram pa sakin ni Sue.

Yung gamit gamit ko namang bag ay iniwanan ko na sa locker ko.

Kala ko nga ay nagbibiro lang ito kaso ay ito na mismo ang tumawag ng Taxi.

"Hoy." Pigil ko pa kaso ay huminto na sa tapat namin yong taxi.

"Manong driver. Pakihatid po itong kaibigan ko sa Adamson University."

At ito pa nga kumausap sa driver.

Wala na din akong nagawa kundi ang sumakay na lang. Bago pa yun ay pabirong sinamaan ko ng tingin ang kaibigan.

"Goodluck and enjoy!" Sa halip ay saad nito sakin bago kumaway.








ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon