Chapter Thirteen

2.3K 93 74
                                    

Chapter Thirteen

CALIA BURST into laughter with what she just heard from Philip. Sapo-sapo niya ang kanyang tiyan dahil tawang-tawa talaga siya sa binata. At nang makita niya ang pagkunot ng noo ni Philip at ang pagsalubong ng makakapal na kilay nito ay mas lalo pa siyang natawa rito.

Nang maramdaman niyang maayos na siya ay saka pa lang siya huminto sa pagtawa.

"My, my. That was an intense joke you got there kuya. So funny." She laughed again.

Bumuntong-hininga naman si Philip at ngumiti. Isang ngiti na nagsasabing umayos siya sa kanyang isasagot. "Natawa ka dahil nahuli kita?"

Huminto naman na siya sa pagtawa at nakangiting tumingin kay Philip. "No. It's just so funny kasi. I mean— what made you think that I was the one who kidnapped you? Do you have a single evidence, huh?"

Philip didn't reply to her. He went silent, and heaved a desperate sighed. But after a few seconds, he looked up to her, "I felt it." Napatikom ng bibig si Calia at naririnig niya ang malakas na pagpintig ng kanyang puso. "I don't have any evidence. And even though your voice was different to hers. My mind and my heart, tells me, that it's you. It's you Calia..."

Napasabunot tuloy ang binata sa buhok nito. Her heart ached at that scene. Parang gusto niya tuloy sabihin sa binata ang katotohanan. Gusto niyang umamin. Akmang hahawakan niya ito ay saka naman nila narinig ang pagtunog ng doorbell. She knows that it's not Dana. Maybe Tadd.

Alam niyang mahihirapan siyang tumayo at baka mabuking siya ni Philip ng tuluyan ngunit kailangan niyang pagbuksan ang kung sinumang nasa labas lang ng pintuan.

Tatayo na sana siya nang pigilan siya ni Philip sa kamay. "Ako na. Just stay still." She nod her head at him. Hinayaan niyang ang binata ang magbukas ng pintuan.

Hindi niya tiyak kung sino ang nasa labas. And she's hoping that it's not his arrogant cousin Tadd. I'm doomed. At natitiyak niya na sa oras na ma-diskurbre ni Tadd na siya ang suspect sa pagkidnap kay Philip, hinding-hindi siya makakawala. Para sa binatang imbestigador ay walang kamag-a-kamag-anak, basta ang batas ang kinalaban. But I didn't hurt Philip. Kabaliktaran ang nangyari dahil sa imbes na ito ang masaktan, ay siya pa itong di makalakad ngayon.

"Calia, you have a visitor." Naantala ni Philip ang mga iniisip niya.

Nilingon niya ang sinasabi nitong bisita at napatda siya saglit dahil hindi niya inaasahang dadalaw ito sa kanya.

"Mr. Kim. Ikaw pala. What brought you here?" Magiliw niyang bati sa binata.

Mr. Kim smiled at her. Mas umaaliwalas at lumitaw masyado ang kagwapohan nito dahil sa pagngiti sa kanya. And Calia can't deny the fact that Lee Stephen Kim is one of a hell hot and handsome guy in the world. Walang duda na agaw-pansin ang kagwapohan nito lalo na kapag ngingiti na ang binata. Hmm.. Lucky is the woman who can have him.

But she's a faithful and loyal woman. Para sa kanya, si Philip lang ang pinakagwapong nilalang na nakita at nakilala niya. No one can defeat Philip in her heart. Gano'n siya kabaliw sa binata. Nah, this 'thing' is called love.

Years had passed but Philip is still the man that she wants. That she desires. And yes, that desires turned into love. A part of her put the blame on him. Pa'no ba naman niya kasi makakalimutan ito kung halos linggo-linggo ay palagi itong may pa-rosas at pa-prutas sa kanya. May kasama pang card. Ang problema lang, ay hindi niya ito mapaamin kahit na halatang-halata naman na ito ang lalaking nakita niya noon sa condo unit nila ni Dana sa Boston.

"We have the same place. Yon lang ay nasa pinakatuktok ng building na 'to ang unit ko. And here," inabot nito sa kanya ang isang pouch. Kaagad niya rin iyong nakilala dahil naka-engraved sa pouch na 'yon ang pangalan niya. It's her make-up pouch kaya naman napangiti siya. "naiwan mo sa Baguio no'ng ginaganap ang convention natin."

ℳ𝒾𝓃ℯ 𝓉ℴ 𝒟ℯ𝓈𝒾𝓇ℯ♡Where stories live. Discover now