Chapter Twenty-one

2.5K 88 30
                                    

Chapter Twenty-one


NANG MAGISING si Calia kinabukasan ay wala na sa kanyang tabi si Philip kaya napabalikwas siya ng bangon, ngunit, napadaing siya nang maramdaman ang hapdi at sakit sa kanyang kaselanan.

Damn, tinotoo nga niya ang kanyang sinabi. Anang isip niya pero hindi niya naman makapa sa sarili ang pagtutol.

Himdi rin naman magtatagal ang nararamdaman niyang iyon. At talagang handa siya sa anumang laban. May mga gamot siyang dala para sa mga ganitong sitwasyon. She's a doctor after all.

Dahan-dahan siyang tumayo sa kanyang kama. Ni hindi na siya nag-abala pa'ng magsuot ng tsinelas. Ang suot niya ngayon ay ang polo shirt na suot ni Philip kahapon. Nanunuot pa nga ang mabangong amoy ng binata.

Tinungo niya kaagad ang kusina dahil naaamoy niya ang niluluto nito para sa kanilang almusal.

Nakita niya ang binatang nagsasangag ng kanin at kaagad niya itong niyakap mula sa likuran.

"Good morning..." Anas niya.

Nilingon siya ng binata at hinalikan sa noo. "Good morning baby. Kumusta ang tulog ng baby ko, hmm?"

Napasimangot siya dahilan para tumawa nang bahagya si Philip sa kanya.

"Oopps, sorry. I just can't resist you." Hindi sinserong paghingi ng tawad nito dahil nakita niyang may nakakalokong ngisi ito habang patuloy pa rin sa pagluluto.

"You're not sincere darling. I can see that."

Philip sheepishly chuckled. "My bad."

"Hmmp!" Kunwari ay irap niya.

Tinungo niya na ang island counter at nagtimpla ng gatas habang hinihintay niyang matapos si Philip sa niluluto nito.

Ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa island counter at nang akmang mangangalumbaba siya ay nadako ang paningin niya sa kanyang daliri kung saan naroon ang kanyang white diamond engagement ring. Di niya tuloy mapigilang mapangiti nang dahil sa pagtingin niya lamang doon.

Yes. She's now Philip's fiancee!

Nang alukin siya nito kahapon na gusto nitong magpakasal sila ay hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at sinagot niya ito ng oo.

Nakakaloka lang dahil hindi niya namalayan na nasuot na nito sa kanya ang engagement ring. At ang mas nakakaloka do'n ay nasa loob pa niya ang kahabaaan nito.

Pagkatapos niyang umu-o ay hindi na siya tinigilan pa ng binata at inangkin siya nito nang paulit-ulit hanggang sa mapagod silang dalawa at makatulog siya.

"Earth to my beautiful and hot fiancee. Hello?"

She smiled at him. Ni hindi niya namalayang nasa tabi niya na pala ang binata at nagsasandok ng pagkain para sa kanya.

Napangiwi siya nang makitang marami itong inilagay sa kanyang plato na tiyak niyang hindi niya mauubos.

"Philip, ang dami nito." Bahagyang reklamo niya.

Philip just smirked at her. "Eat up baby. You need strength later on." The winked at her.

Calia rolled her eyes because of what he said. Hindi na siya nagsalita pa at nagsimula nang kainin ang mga pagkaing nakalagay sa plato niya.

PAGKATAPOS NILANG kumain ay napagpasyahan nilang maligo sa dagat. Ngunit naudlot iyon nang marinig niyang may kausap si Philip sa cellphone nito.

"What?! Anong kalokohan ang ginawa mo McGregor?! - gago!- yes, may kilala ako, she's actually with me-" saka ito tumingin sa gawi niya at ngumiti. "Oo na. Oo na! We'll come. Teka- gaano ba kalala?- fuck, nilalagnat? Ano ka ba naman?" Napatampal pa ito sa noo. "Oo, maya-maya lang makakarating na kami dyan- alangan! Ano lilipad kami? Normal, maglalakad kami. Tsaka kumalma ka nga. Walang mangyayaring masama sa 'asawa' mo." Diniin pa nito ang salitang asawa bago pinatay ang tawag.

ℳ𝒾𝓃ℯ 𝓉ℴ 𝒟ℯ𝓈𝒾𝓇ℯ♡Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu