Chapter Twenty-two

2.2K 87 18
                                    

Chapter Twenty-two

SHE'S SWEATING bullets right now. Kanina pa siya hindi mapakali habang tinatahak ng kotseng sinasakyan nila patungo sa ospital na sinasabi ng kanyang ina.

"Hey, everything's gonna be alright baby. Okay?" Masuyong usal sa kanya ni Philip na may ngiti sa mga labi.

Napangiti siya nang dalhin nito ang hawak-hawak niyang kamay at dinala iyon sa mga labi ng binata at masuyong hinalikan. Such a sweet man. My man... Bulong ng isipan niya.

Lumingon saglit sa kanya ang binata kasabay nang pagpatak pa rin nito ng mga halik sa kanyang kamay.

"Still nervous?"

Ngumiti siya ng matamis, "hindi na masyado. Nandiyan ka eh." Kinindatan niya na ito.

Hindi niya namalayang nakarating na sila sa lobby ng Martinez Hospital. Kaagad na naka-park ng kotse si Philip at magkahawak-kamay nilang tinahak ang daan papunta sa loob ng ospital.

Calia knows that her parents will questioned them but before living Isla Amore, she and her fiance already talked about it. Hindi nila ililihim ang relasyon nilang dalawa, at nakahanda siya sa anumang laban na pwede nilang kaharaping dalawa.

Nang makarating sila sa ikatlong palapag kung saan naroon ang pribadong silid daw ng kanyang tunay na ama ay mas lalo siyang kinain ng kaba. I thought I'm ready for this. But damn Calia, everything will be alright. You can do this!

She let out a deep breath but her forehead knotted as she saw two police men standing side by side outside the door.

Nilingon niya si Philip na nakakunot-noo rin dahil sa nakikita.

Akmang papasok na sila nang pigilan sila ng isang pulis. At walang emosyong mababanaag sa mukha ito habang nakaharap na ito ngayon sa kanila.

"Sino kayo? Bawal ang hindi kamag-anak sa silid na ito." Mariin ang pagkakabigkas ng bawat salita nito.

Sasagot na sana sila ng sakto namang bumukas ang silid at iniluwa niyon ang isa sa taong hindi niya inaasahang makikita sa mga sandaling iyon.

"Tita Diane?" Tawag niya sa pangalan ng ina ni Dana. "Bakit po kayo nandito?"

Imbes na sagutin siya ay kaagad itong lumapit sa kanya at mahigpit siyang niyakap. "Oh god, Calia. I'm sorry. I'm so sorry..." Hindi niya maintindihan kung bakit umiiyak na ngayon ang ginang habang yakap siya.

Kahit nagtataka man ay niyakap niya pabalik ang ginang. "T-tumahan na po kayo Tita." Pag-aalo niya rito.

Patuloy lang ito sa pag-iyak at paghingi ng tawad sa kanya. Nang kumalma na ang ginang ay sinapo nito ang kanyang mukha at nakita niya ang pait at sakit sa mga mata nitong namumugto na dahil sa kaiiyak.

"I didn't know. I didn't know iha. Oh, I'm so sorry..." usal nito sa kanya.

"Tita, what do you mean po? Okay lang po kayo?"

"Yes. Yes. Now, I'm okay. And I'm happy that you're here now. Come on, let's go inside. Your father is awake now." Her Tita Diane informed her.

Biglang bumalik na naman ang kaba na kanina lang ay nakaligtaan niya nang yakapin siya ng ina ni Dana.

Magkasunod silang pumasok sa silid at nang tuluyan na silang makapasok ay rinig na rinig niya ang boses ng kanyang ina at may kausap ito na isang lalaki.

"H-hindi niyo na sana sinabi sa kanya Camille. A-ayokong kamuhian ako n-ng a-anak ko." Anang isang lalaki sa kanyang ina.

"Calixto, karapatan ng anak mong malaman ang lahat-lahat. Hindi naman kami maramot ni Paul para ipagkait kay Calia ang karapatan niyang malaman ang katotohanan." Anang Mommy niya.

ℳ𝒾𝓃ℯ 𝓉ℴ 𝒟ℯ𝓈𝒾𝓇ℯ♡Where stories live. Discover now