CHAPTER 34

3.3K 77 3
                                    

Chapter 34

"Mama, maganda ba yung pupuntahan natin?" tanong ni Zvezda habang binibihisan ko ito. Ngayon ang araw na mamamasyal kami. Isang puting sleeveless dress lang ang suot nito at dinalawang tirintas ang buhok nito. I put a pink hairclip on her hair and kiss er lips. I heard his giggled. "Oo, maganda doon at mag-eenjoy kayo nina kuya." sabi ko habang hinahaplos ang mukha nya.

Napatingin kami sa pinto nang bumukas iyon at iniluwa sina Elio at Ciel. Nakabihis na din sila, Ciel is wearing a grey shirt and a black pants, while Elio is wearing a black shirt and grey pants. Lumapit ito sa pwesto namin.

"Mama, may nag hahanap sayo sa labas." sabi ni Ciel. Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nito. Nauna akong lumabas sakanila habang nanatili silang nasa likod ko. Nang makalabas kami ng kwarto ay bumungad saamin si nanay habang kausap si Permian na nakaupo ngayon sa sala. 

"Permian" tawag ko dito dahilan kung bakit ito napatingin sa pwesto ko. Naramdaman ko ang pag hawak ni Zvezda sa laylayan ng damit ko dahilan kung bakit napatingin din doon si Permian. Nakita ko ang pamumula ng mata nito, hindi ko alam kung bakit. "Andito pala ang boss mo, Bella" sabi ni nanay. Ngumiti ako sakanya bago lumapit sa pwesto nila.

Umalis muna si nanay para mamalengke, hindi din ito sasama saamin dahil wala daw sya sa mood mamamasyal. Bumalik ang tingin ko kay Permian na ngayon ay hindi inaalis ang tingin sa tatalo na nasa tabi ko. "Babies, this is T-tito Permian, kapatid sya ni mama." medyo nag dalawang isip pa ako kung tito ba talaga at kapatid ang gagamitin ko sa pag pakilala kay Permian.

"Mama, may family ka po?" gulat na tanong ni Zvezda habang nakatingin kay Permian. "Lahat naman anak may family." sagot ko. Lumapit si Zvezda kay Permian at hinawakan ang mukha nito. Nakita ko ang pag kabigla sa mukha ni Permian dahil sa pag-awang ng labi nito pero hinayaan nya pa din si Zvezda sa ginagawa nya.

Ngumiti si Zvezda kay Permian. "Mama, parehas sila ng mata ni kuya Ciel." excited na sabi nito habang nakatingin kay Permian. Napatingin din ako sa mga mata ni Permian, Yeah, kaya pala medyo pamilyar saakin ang mata ni Permian noong una naming pag kikita dahil pareho sila ng mata ni Ciel.

"Hi po! Ato po si Zvezda Arra Assuncion. Two na po ako" sabi nito habang pinapakita ang dalawa nitong daliri. Napangiti si Permian sa sinabi ni Zvezda, binuhat nito ang anak ko at pinaupo sa kandungan nito. Hindi ko maintindihan pero nakarmdaman ako ng saya habang nakatingin sakanila. I felt contented while looking at them.

Lumapit din ang dalawa kina Permian. Ciel looked at Permian's eyes. Mukhang namangha din ito dahil pareho sila ng kulay ng mata. "You have beautiful eyes." sabi ni Permian habang hawak ang pisngi ni Ciel. 

Kasama namin ngayon si Permian sa pamamasyal, sa mall lang ang naiisip kong magandang punatahan ngayon dahil hindi ko pa alam ang ibang magandang puntahan dito sa Manila. Napatingin ako sa tatalo na nasa back seat ng kotse ni Permian. Nasa gitna si Zvezda habang nasa mag kabilang side nito ang mga kuya nya.

"Where do you plan to go?" napabalik ang tingin ko kay Permian nang itanong nya iyon. Seryoso itong nakatingin sa daan habang ang dalawang kamay ay nasa steering wheel. He's manly scent invaded may nose. I can't help but to admire his face, he's long natural eye lashes, pointed nose, pinkish lips. Napahawak ang kamay ko sa dibdib ko nang biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Why am I feeling this way?

"Eritrea.." napabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang pag tawag ni Permian sa pangalan ko. Napakurap ako dahil doon. "U-uh, sa mall lang ang naiisp ko." sagot ko sa tanong nya. Napatango naman ito. Nang makarating kami sa parking lot ng mall ay agad kong binaba ang tatlo.

Hawak ni Permian ang kamay ni Elio at sa kabila naman ay si Ciel, habang ako ay si Zvezda ang hawak. Nag libot muna kami sa mall, nang magyaya na sila na gutom na ay kumain kami sa isang restaurant. "Where is your father?" tanong ni Permian sa tatlo na busy sa pag kain. Maging ako ay napahinto sa pag subo dahil sa tanong nito.

Occupation Series #4: The EngineerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon