CHAPTER 38

3.4K 76 1
                                    

Chapter 38

Papunta kami ngayon sa bahay ng magulang ko dahil birthday daw ngayon ni mommy, bigla akong nakaramdam ng lungkot dahil maging ang birthday ng sarili kong ina ay nakalimutan ko. May mga alaal na din akong nakikita pero hindi ito sunod-sunod at minsan ay putol-putol. 

Nang makarating kami sa tapat ng malaking bahay ay bigla akong kinabahan at nakaramdam ng takot. Naramdaman ko ang pag hawak ni Permian sa kamay ko. HIs hands are warm. "Relax, I'm here" nakaramdam naman ako ng ginhwa dahil sa lambing ng boses nito.

Hawak pa din ni Permian kamay ko habang nasa unahan namin ang tatlo na excited dahil makikilala nila ang lola nila. Sinalubong kami ng dalawang maid sa pag pasok namin. BInati nila si Permian. Napalibot ang tingin ko sa buong paligid, maganda at malinis ang buong bahay na parang laging nililinisan.

"Nasa dining area na po sina Madam." magalang na sabi ng maid, tumango lang si Permian at hinila ako papasok sa dining area. Nakatalikod sa pwesto namin ang isang may katandaang babae at lalaki. Nang humarap ito sa amin ay nakita ko ang pag tulo ng luha sa mga mata ng babae.

Agad itong pumunta saakin at sinalubong ako ng yakap, nakaramdam naman ako ng hindi maipaliwanag na feeling pero masaya ako dahil nakayakap ko sya. Narinig ko ang pag iyak nito kaya niyakap ko din sya pabalik.

"I'm so happy that you're alive and I'm sorry, sweetheart" umiiyak na sabi nito. Inalalayan naman si mommy ng lalaki na katabi nito. "I'm glad you're back, Eri" napangiti ako dahil sa sinabi ng lalaki. Halata sa mga mata nila na masaya sila na makita ako.

"Sorry po, kung wala akong regalo." agad naman umiling si mommy at niyakap ulit ako. "Masaya ako na nandito ka na." 

Napatingin sila sa tatlo na nasa gilid namin at nakatingin lang saamin. Humawak sa laylayan ng damit ni Permian si Zvezda habang tumatago at ang dalawa naman ay nanatili sa gilid ko. Napa-awang ang bibig ni mommy nang makita ang tatlo.

"Anak mo ba ito, Eri?" tanong ni TIto Lucho. "A-ah opo. Mag pakilala kayo." sabi ko at lumabas naman sila sa pag kakatago. Zvezda gave them a sweet smile before introducing herself sunod ang dalawa naman. Mommy gave them a tight hug and kisses their cheeks. Niyaya na nila kami sa table para kumain.

Kalong ulit ni Permian si Zvezda at sinusubuan nito. Nakita ko din ang tingin nina mommy kay Permian na busy sa pag pakain kay Zvezda. "Kumain ka na muna, ako na kay Zvcezda" kukunin ko sana si Zvezda pero hinawakan nit ang kamay ko. "No, you eat your food." seryosong sabi nito kaya wala akong ginawa kundi kumain nalang.

"Do you remember who's the father of your children, Eri?" napa-angat ako nang tingin ng itanong iyon ni mommy. Naramdaman ko din ang pag hawak ni Permian sa hita ko na parang inaalalayan ako at parang nag sasabi na andito lang sya.

"U-uh...hindi ko po maalala." sagot ko. Hindia ko makatingin sa mga mata nila dahil takot akong makita kung ano ang tingin nila saakin. 

"She'll remember soon, don't pressure her, Tita" seryosong sabi ni Permian. Hindi ko alam pero napapansin ko na malamig ang turing ni Permian kina mommy at Tito Lucho, may nangyari ba noon?

Pumunta kami sa garden dahil gusto daw mag swimming ng tatlo. Nauna na silang pumunta doon kasam ang ibang yaya habang ako anaman ay naiwan sa dati ko daw na kwarto. Malinis ang buong paligid at halatang laging nililinisan. Bago din ang kobre kama at mga punda ng unan. 

Binuksan ko ang cabinet doon at nakita ko ang mga magagandang damit na nakasabit. Nag halungkat pa ako nang maisusuot para samahan ang tatlo sa pag langoy. Pumasok ako sa cr para mag palit ng isang black two piece. Nilagay ko din ang buhok ko sa messy bun. Napatingin ako sa pinto nang marinig kong bumukas iyon.

Occupation Series #4: The EngineerWhere stories live. Discover now