CHAPTER 3

478 36 5
                                    

Enjoy Reading!!!

Maghapon lang ako nakakulong sa kwarto at hindi pumasok dahil masakit pa din yung nararamdaman  ko sa nangyare kahapon.

Akala nga nila mama may sakit ako dahil kaninang umaga pa daw ako hindi lumalabas at kahit sa pagkain ay hindi ko pa nagagawa.

Buong gabi akong umiyak dahil sobra akong nasaktan sa sinabi ni Nathan sakin.Yung unang halik ko na nasayang lang dahil napunta lang sa wala at yung sinabi niyang wala daw ibang meaning yung paghalik niya sakin,sobrang sakit.

Kailan ba ako matututo?Yung masasaktan pa ba ako ng sobra-sobra?

Self tama na.Umaasa ka pa kasi kahit alam mo ng walang patutunguhan 'yang kabaliwan mo eh tapos ang masaklap pa dun hindi ka niya mahal.

Pero pano naman yung mga pinapakita niyang sweetness sakin?Or ako lang talaga yung nag a-assume na may ibang meaning yun?

Hindi ko na alam kong ano ang gagawin ko sa nararamdaman ko kay Nathan.Susuko na ba ako?

Maya-maya pa ay narinig ko nalang na tinawag ako ni kuya at sinabing kakain na.Di ko na namalayan yung oras--gabi na pala.

Bumangon na ako sa kama saka inayos yung sarili ko bago bumaba.Namumugto yung mga mata ko sa kakaiyak at pagnakita nila 'to ay magtatanong na naman ng kong ano-ano.

Agad akong umupo sa katabing upuan ni Kuya at nagsimula ng kumain kahit di pa nagdadasal kaya nakataggap ako ng batok mula sa katabi.

"Ano ba?!Ang sakit nun ah?!" Sigaw ko sa kanya kaya tinignan niya ako ng nakakatakot na tingin.Tumahimik nalang ako baka masuntok pa ako nito.

"Kita mong hindi pa nagdadasal nilalantakan mo na agad yung pagkain." Sabi ni Kuya kaya tumingin ako sa magulang ko na halatang dissapointed sa nakita nila.

Tumungo nalang ako.

"S-sorry." Tanging nasabi ko nalang.

Hindi naman talaga ako ganito eh.Nawala lang yung ugali ko dati dahil sa kabaliwan ko kay Nathan kahit pa noon kaya ito ang impact sakin ngayon.

"Kailan ka ba titigil sa kabaliwan mo sa Nathan na 'yan anak?Malaki na ang epekto at pagbabago sa'yo dahil sa kahibangang mong 'yan.Malaki na din ang ipinagbago mo simula nong nakilala mo 'yan lalake na 'yan.Pati grades mo naapektuhan mo na din.God anak,sana naman magtira ka para sa sarili mo.Hindi yung lahat nalang nilalaan mo sa walang kwentang nararamdamang mong 'yan." Sabi ni mama na kahit kalmado pero alam kong naiinis sakin.

Hindi ako nakasagot.Totoo naman lahat ng sinabi niya eh.Ang laki na ng pinagbago ko simula nong nakilala ko si Nathan.

Ganun na ba kalala yung impact sakin ni Nathan?

Pero sa t'wing kakalimutan ko siya ay gumagawa siya ng mga bagay na ikababaliw ko.

Pinagpangako ko sa sarili ko na kakalimutan ko na siya,kunting tiis nalang.

Dalawang sign pa yung kailangan ko bago ko siya kalimutan.

Pero hanggat hindi pa nangyayare 'yun,ay susulitin ko nalang muna yung oras na kahit lang nasa malayo basta makita ko siya ay masaya na ako.

Pero sana din hindi na siya gumawa ng bagay,dahilan para matapon lang sa wala ang lahat ng plano ko.Planong kalimutan ka---Nathan.

Kasi sa t'wing nasasaktan ako,mas nasasaktan yung mga taong mas may pahalaga pa sakin na hindi ko alam.

Agad naman na akong umakyat sa kwarto para magpahinga na.Maghapon din akong hindi humawak sa cellphone ko kaya siguro madami ng text at missed calls  yung mga kaibigan ko.Hindi kasi nila alam na umuwi na ako kahapon dahil ayaw ko din namang makita nila akong luhaan.

TRAPPED WITH HIM FOREVER(BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon