CHAPTER 8

548 30 2
                                    

Enjoy Reading!!!!

***

Tumatakbo ako palabas ng school kahit alam kong malakas ang ulan sa labas.May mangilan-ngilan ding mga students na nandito pa sa loob dahil hinihintay pa nila ang mga sundo nila.Wala akong pakealam kong makita man nila akong umiiyak basta nasaktan lang talaga ako ng sobra.

Habang tumatakbo ako ay may isang kamay ang pumigil sakin kaya napaharap ako dito.

"What happened?" May pag-aalalang tanong ni Cedric sakin.

Nandito pa pala siya.

Pinunasan ko yung luha ko bago siya sagutin.

"W-wala 'to." Pagsisinungaling ko.

"Stop lying." Dahil sa sinabi niya ay di ko na mapigilang mapaiyak ng sobra.

Agad akong niyakap ni Cedric.Wala akong pakealam kong anong sasabihin ng mga tao dito.I told Cedric everything at tanging pagpapatahan lang ang ginawa niya dahil sa walang kataposan kong iyak.

He told me na 'it'll be okay at makakalimutan mo din siya' pero mahirap para sakin ang itapon nalang ng ganun-ganun.Pero gayunpaman,susubukan kong kalimutan siya.Pangako,makakalimutan ko siya.

Nang dumating ang sundo ni Cedric ay pinasakay niya na din ako para ihatid samin.Pinaalam niya na din sa tatlo kong kaibigan ang nangyare at galit na galit sila,hindi lang sakin kundi pati kay Nathan.

Dumating ang mga araw ay unti-unti ko nang nakakalimutan si Nathan.Dahil na rin sa tulong ni Cedric at mga kaibigan ko.Akalain mo?Halos isang buwan lang ay parang okay na ako ulit.Pero di ko pa din maiiwasan ang ma-recall ang nangyare sa amin kahit  sa konting panahon lang iyon.

Sakin nila ginugol ang oras nila nong Christmas Break namin.Lagi nila akong pinapasyal kong saan-saan at binibilhan ng kahit ano para daw makalimutan ko na siya ng tuluyan.Buti nalang isang buwan kaming walang pasok dahil napaaga ang break namin kaya sakin sila nakapokus.

Mas lalong pang naging sweet sakin si  Cedric at lagi niyang sinasabing siya nalang daw ang papalit kay Nathan.Siya nalang daw ang gagamot sa nasugatan kong puso.

Matapos mangyare ang pangba-busted sakin ni Nathan ay doon din nagawang mag-explain si Cedric about sa handkerchief ko.Hindi naman pala siya yung nagpadala ng sulat ng yun.Nakuha niya daw iyon sa  locker ko na nakabukas at natuwa ako dahil nilinis pa niya yung nagkalat kong gamit doon.Medyo ako pala ang may kasalanan dahil sa kaburaraan ko.Ngayon ayos na kami.Pasalamat ako sa kanya dahil hindi niya ako iniwan at pati sina Michelle,Alexa at Rose.Kong hindi dahil sa kanila ay di ako makaka-move on kay Nathan.




      *After ng Christmas Break*

Nagising ako dahil sa tunog ng alarm ko.Kinapa ko yun para patayin pero diko makapa.Natatamad pa akong bumangon dahil nag-bar kami kagabi  ng mga kaibigan ko at ngayon nga ay inaantok pa ako.

Oo,natuto na akong mag-inom dahil sa kanila.Pero don't get me wrong umiinom lang ako moderate.Isa pa ang baba ng tolerance ko sa alak kaya hindi ako pweding uminom ng madami dahil baka bumulagta lang ako sa sahig dahil sa kalasingan.

Kahit masakit ulo ko bumangon nalang ako para maligo at mag-ayos.Naalala ko na ngayon na pala ang simula ng klase.

Sino kaya naghatid sakin dito?

Medyo di ko na maalala yung nangyare kagabi dahil napasarap sa inuman kaming apat.

Nagtuloy-tuloy ako papuntang banyo nang biglang kumatok si mama sa pinto.

TRAPPED WITH HIM FOREVER(BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon