CHAPTER 13

524 24 2
                                    

Enjoy Reading!!!

***

Chris' POV.


Nagising ako sa sinag ng araw na nanggagaling sa kong saan.Unti-unti kong minulat yung mata ko.Blurry pa sa una pero kalaunan ay bumalik na sa normal ang paningin ko.

Dahan-dahan akong bumangon pero napa-sandal ako sa headboard ng kama dahil sa sakit ng ulo ko sabayan pa ng pagkirot sa parte ng leeg ko.

Inikot ko ang paningin ko sa kabuohan ng kwarto at saka ko lang napagtanto na nasa di ko kilalang kwarto ako.

Nasa'n ako?Pano ako napunta dito?Sino nagdala sakin dito?

Yan yung mga katanungan sa isip ko.Sa pagkakatanda ko ay nasa school ako at hanggang dun nalang ang natatandaan ko- alam kong meron pa pero tanging yun lang ang natatandaan ko.

Bat wala akong matandaan?Anong nangyare sakin?

Pinilit kong alalahin yung nangyare pero lalo lang sumasakit yung ulo ko.Hindi naman ako nabagok sa kong saan dahil wala naman akong binda sa ulo o kahit ano pero wala akong maalala.

Malaki ang kwarto,malawak at maraming gamit na nakalagay sa kong saan sila dapat.Malinis at naka-organized ang mga libro sa gilid ng kwarto.

Kahit di ko na tanongin ay alam kong lalake ang nagmamay-ari dahil na rin sa mga collection ng laruan na panglalake.Yung bedsheet ay kulay black na tenirnuhan pa ng unan,duvet at kurtinan na itim din ang kulay.

Alam ko sa mga oras na 'to ay dapat iniisip ko kong pano makaalis dito at kong pano ako napunta dito pero sa halip,ay ini-enjoy ko pa ang ganda ng kwarto na 'to.

Nabalik ako sa katinuan ko ng marinig ko ang ang katok mula sa labas ng pinto at may pumasok na apat na maid na may dalang maraming pagkain.

Nagulat ako dahil di ko alam kong para kanino yun at sa dami na din ng pagkain.

"Napag-utusan kami ni Young Master na dalhan ka ng pang-umagahan dahil kagabi ka pa daw hindi kumakain." Sabi ng isang maid na sa pagkakaalam ko ay nasa 30 na.

Kumunot naman ang noo ko dahil di ko alam kong sinong Young Master ang tinutukoy niya.

"Sino po ba yung Young Master na 'yan?" Tanong ko at tumingin sa dami ng pagkain sa harap ko."At parang ang dami naman pong pagkain niyan?" Tanong na may halong inis pero may galang.

"Pasensya na po pero mahigpit po na ipinagbabawal ni Young Master ipagsabi kong sino siya.Nataasan lamang po kami na ihatid itong pagkain na 'to." Magalang na sabi niya.

Isa-isa nilang binuksan ang mga pagkain na dala nila at naamoy ko ang masarap na pagkain na nakaahin sa harap ko.

Ang dami naman nito.Sakin lang ba talaga ito lahat?

"Alin po ba ang gusto niyo munang kainin dito?" Biglang tanong niya na nagpalaki ng mata ko.

Don't tell me,inutusan din silang subuan ako or bantayan sa pagkain hanggang sa matapos ako?

"A-ah,hindi po- kaya ko na pong kumain mag-isa.Pwede naman na po kayong bumalik sa mga trabaho niyo." Sabi ko sa kanila pero parang wala silang naririnig at nakatingin lang sakin kaya naman nakaramdam ako ng hiya.

"Sumusunod lamang po kami sa utos ni Young Master.At isa pa po ay may mga nakatuka naman po sa gawain sa baba kaya wala po kayong dapat ipagalala." Wika niya kaya hindi na ako nagsalita.

Pinili ko nalang yung bacon at fried rice.Gusto pa nga nila akong subuan pero hindi ko na hinayaan pa na gawin iyon.Nasa gilid lang sila at nakatayo habang kumakain ako.Nakaramdam naman ako ng awa para sa kanila dahil sa gantong trabaho.

TRAPPED WITH HIM FOREVER(BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon