CHAPTER 14

516 24 3
                                    

Enjoy Reading!!!

                                                                      

Chris' POV.

Sabado ngayon at ito ang araw na napagkasunduan namin para mag-Mall.Ngayon din kami mamimili ng mga gamit na kakailanganin namin sa retreat tulad ng Tent at mga Snacks para makapagtipid naman kami doon.

Pagkagising ko ay agad akong pumasok sa CR para maligo.Mga kalahating oras ako bago natapos sa pag-aayos at bumama na para mag-umagahan.Nandun na sila mama sa hapag at mukhang ako nalang ang hinihintay.

"Good Morning ma- pa." Bati ko sa kanila at hinalikan sila sa pisnge.

"Good Morning anak." Sagot naman nila.

Bago ako maka-upo ay narinig kong tumikhim si kuya.Napatingin kaming tatlo sa kanya.

"Ako ba hindi mo man lang babatiin at hahalikan bunso?How many times do i have to remind you about that?" Medyo madiin na sabi ni kuya.

"S-sorry po kuya." Paghinge ko ng paumanhin sa kanya at dahan-dahang lumapit sa pwesto niya.

Hinalikan ko siya sa pisnge na ikinangiti niya at nagpawala ng tensyon sa paligid.Sa tinagal-tagal na naming magkasama ni kuya ay ngayon ko lang napagtanto na kakaiba pala siya magalit or should i say- magtampo.Parang ibang tao siya.

Bumalik na ako sa upuan ko at nagsimula na kaming kumain.

Pagkatapos kong kumain ay nanatili muna kami sa hapag kaya naglakas-loob akong magpaaalam sa kanila.

"Ma- pa,kuya lalabas po pala ako ngayon dahil bibili kami ng mga kaibigan ko ng mga kakailanganin namin sa retreat." Sabi ko sa kanila.Tumango naman sila mama't papa pero si kuya ay nangunot ang noo.

Nakapagpaalam na pala ako sa kanila pagka-uwi ko galing sa mansion nina Nathan at buti naman na pumayag sila.Dahil na rin sa pangungumbinsi ni Nathan sa magulang ko.

"Ma- pa,bakit niyo siya papayagang sumama sa walang kwentang retreat na yan?Baka ikapahamak niya pa yun.Alam niyo naman pong sakitin si Chris pero pinayagan niyo pa din." Sabi ni kuya.

Hindi niya pa pala alam na magkakaroon kami ng retreat.At nauunawaan ko si Kuya na ganun nalang siya kumontra kina mama dahil sa nangyare dati.

"We don't have  to worry Kevin dahil may mga kaibigan naman siyang makakasama doon lalo na't nandun din si Nathan." Sabi ni Mama kaya lalo lang nangunot ang noo ni kuya sa sinabi ni mama.

"Fuck that man!" Mura ni kuya kaya doon na sumabat si papa.

"Watch your mouth Young man!Nasa hapag ka."Sabi papa.

Hindi ko lubos maisip kong bakit nagkakaganyan si kuya At kong bakit ganun nalang siya magalit tuwing naririnig o pinag-uusapan namin si Nathan.

Tumango nalang ako dahil nagbabadya na namang tumulo ang luha ko.

"It's okay anak pwede ka ng umalis at wag mo ng pansinin yung kuya mo.Masyado lang siyang nag-aalala sayo." Sabi ni mama kaya napatango ako dito at ngumiti.

"Salamat ma.Promise mag-iingat ako doon." Sabi ko at tumingin kay kuya na nakatingin sakin ng seryoso." Kuya iingatan ko ang sarili ko doon ipinapangako ko."

Di siya sumagot sakin bagkus ay tumayo siya at umalis sa hapag.Napabuntong-hininga nalang kaming tatlo sa inasal ni kuya.Minsan naisip ko,marahil may problemang dinadala lang si kuya kaya ganun siya.

Narinig kong may bumusina sa labas kaya agad akong tumayo.

"Ma- pa,i have to go now baka sila na yun.I love you both." Sabi ko sa kanila sabay yakap at halik sa kanila bago lumabas.

TRAPPED WITH HIM FOREVER(BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon