CHAPTER 16

518 25 3
                                    

Enjoy Reading!!!

                                                                        

Chris' POV.

Tinatahak namin ngayon ang daan papuntang venue at dahil na rin sa kagustuhan ni Nathan na sumabay ako sa kanya.Wala akong nagawa kundi ang sundin siya lalo na't wala naman akong magagawang tumanggi sa alok niya dahil iniwan naman na ako ng mga kaibigan ko.

Nawala ang kaisa-isang pag-asa ko ng makita kong pati si Cedric ay iniwan din ako.

Nakakainis lang dahil kanina pa nakangiti itong lalake na 'to na akala mo nanalo ng lotto.Kong hindi niya lang hawak ang alas ay dapat matagal na akong umiwas sa kanya.

Nawala ang pagmumuni-muni ko nang magsalita siya.

"Are you hungry?" Tanong niya  kaya  napatingin ako sa kanya.

"Ahm,naiihi lang ako." Sagot ko.

"Hanap lang ako ng Convenience Store para bumili ng pagkain natin at para makapag-cr ka na rin." Sabi niya habang palinga-linga sa paligid kong may madaanan ba kaming store.

I nod at him saka binalik ang tingin ko sa labas.

Medyo natagalan kaming makahanap  dahil nasa gitna kami ng kawalan at tanging makikita mo lang ay mga malalagong puno.Sampung minuto bago namin madaanan ang Gas Station na katabi naman ang Convenience Store.

"We're here." Sabi niya kaya agad akong bumaba.Tinakbo ko ang sa loob ang store sabay tanong sa cashier kong saan ang cr.

"This way po ma'am." Sabi ni Ate.Sa sobrang pagkapuno ng panubigan ko ay hinayaan ko nalang ang sinabi niya at agad na pumasok sa cr.

Matapos kong ilabas lahat ay lumabas na ako.Nakita kong namimili ng Junkfood si Nathan.Napansin ko din na pinagtitinginan siya ng mga babaing namimili at si Ate cashier.Siguro hindi napansin ni Nathan na pinagtitinginan siya dahil busy sa pagpili ng Junkfood.

Lalapitan ko ba siya o hintayin ko nalang siya sa kotse?

Baka kasi anong isipin ng mga tao dito eh.

Sige na nga,sa kotse ko nalang siya hihintayin mukhang matatagalan pa naman ata siya.

Lalabas na sana ako ng marinig ko ang pagtawag niya sakin.At sa dami ng pwedi niyang itawag sakin ay yun pa yung pinaka-ayaw ko.

"Babe!!" Tawag niya sakin kaya napahinto ako at nahiya na din dahil biglang nagsitinginan ang mga babae sakin.

Kahit sobrang nakakahiya ay tumingin ako sa pwesto niya at pilit na ngumiti dahil baka magalit pa sakin at maparusahan pa ako.

"Are you just gonna stand there?" Tanong niya habang nakangiti.

Lumapit ako sa kanya at hindi ko inaasahan nang bigla niya akong kabigin at halikan sa labi.Literal na nanlaki ang mata ko sa ginawa niya.I even heard the girls gasped.

He move his lips at inabot kami ng ilang segundo bago niya ako pakawalan.Napatungo nalang ako sa hiya.

"What do you want?You choose or even buy all you want." Sabi niya.

I look at him at agad na ibinaling sa mga pagkain na nasa gilid namin dahil kakaiba ang ngiting nakikita ko sa mukha niya.

Kumuha nalang ako ng kahit anong nakikita ko nang hindi tinitingnan kong magkano o ano ang flavor.Basta nalang ako humugot doon.

Narinig ko namang tumawa siya ng mahina pero di ko nalang pinansin.

Matapos kaming bumili ay lumapit kami sa counter para magbayad.Siya na ang nagbayad dahil di rin naman niya ako pinayagan.Nasa gilid lang niya ako.Pansin ko ang tingin ni Ate sa kanya pero parang walang pakialamm itong lalaking 'to.

TRAPPED WITH HIM FOREVER(BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon