CHAPTER 20

562 25 11
                                    

Third Person's POV.

Kasalukuyang tinatahak ng kanilang kotse ang daan papuntang lugar kong nasaan ang pamilya ni Kristopher at ang kambal nito na ngayon ay hindi masukat ang labis na kasiyahan dahil sa wakas ay makikita niya na ang taong noon pa man ay gustong-gusto niyang makasama.

Kong hindi lang dahil sa isang trahedya noong mga bata palang sila ay matagal na sana nito nakasama ang binata.Ngunit kahit alam niya na ang taong nasa likod ng lahat ng iyon ay ang mismong kakambal niya ay wala siyang nagawa kundi ang hayaan na lamang ito.

Para sa kanya—oo,labis na kinamuhian niya noon ang kambal dahil kung hindi sa kanya ay sana hindi ito nalumpo,pero gayunpaman ay hinayaan nalang niya ito at binaon sa limot dahil kadugo't kapatid niya ito.Ayaw niyang magtanim ng galit para sa nakababatang kapatid niya kaya naman ay nagpaubaya nalang siya kahit na masakit para sa kanya na sundin nito ang gustong mapunta sa piling ni Kristopher si Chris.

Sa kabilang banda ay mahimbing pa rin na natutulog si Chris habang busy naman sa pagmamaneho si Kristopher ngunit minsan naman niyang ninanakawan ng pansin ang binatang kasalukuyang tulog.Napangiti naman ng labis si Kristopher dahil sa hindi pa rin siyang makapaniwalang nasa tabi niya na ang taong tanging pangarap niya lang noon.Pansin din niyang mas lalo itong gumaganda sa paningin niya habang tumatagal—mula sa mahahabang pilik,pababa sa ilong,sa lalong kumikinis at pumuputi nitong pisnge hanggang sa mapupulang labi ay lalo lang itong nagiging perpekto para sa kanya.

At dahil iyon sa isang dahilan.

Halos limang oras ang byahe nila mula maynila hanggang Bagyo dahil na rin sa masikip na traffic sa edsa.Kung hindi lang dahil sa katabi nito ay nagawang niyang magmura at bumusina ng sobrang lakas pero ayaw niya itong makita ni Chris kaya hindi niya nalang  ginawa.

Nang malapit na sila sa gate ng mansyon ay agad siyang bumusina dahilan para buksan ng dalawang guard ang sobrang laki at taas na gate na kulay gold.Agad niyang pinasok ang sasakyan at nag-park sa mini parking lot ng mansyon.Hinintay niya munang dumaan ang ilang segundo para tingnan ang mukha ng tulog paring si Chris.Seryoso lamang ito at halo-halong imosyon at imahe ang tumatakbo sa utak nito.Nandoon na din kong paano ang magiging reaksyon nito kapag nakita nito ang kambal niya at kong paano pag nalaman niya na ang buong katotohanan at nakaraan niya at kong paano kapag mas lalo lang itong lumayo sa kanya at piliing ang kambal niya kesa sa kanya.Labis na ikina-galit at ikinakuyom ng kamao niya.

I won't let that happen.Ako lang dapat.Ako lang.Sabi niya sa isip niya.

Agad niyang tinapik ang mukha ni Chris para gisingin."Hey,wake up.We're here."Sabi niya na ngayon ay nakangiti dshil sa ka-cute-tan ng hitsura ngayon ng binata at nagawa pa nitong maglaway habang natutulog.

Nagising naman si Chris nang maramdaman niya ang basang bagay sa labi at pisnge niya.Unti-unti niyang minulat ang mata habang nakakunot pero agad na nawala ang antok niya nang makita ang nakangising mukha ni Nathan.

"I thought you're not going to wake up.That's why i did it again." Nakataas kilay habang nakangising sabi nito.

Tinutukoy niya ang paghalik sa labi at pagdila niya sa leeg ni Chris para magising  at epektibo naman iyon dahil nagising nga iyon.

Lumayo ng konti si Chris at hinayaan nalang niya ang ginawa ito.Hindi niya din sinagot pa ito dahil na-pokus ang atensyon niya sa labas.Labis na lamang ang paglaki ng mata niya nang makita ang paligid na pinaradahan ng sasakyan nila.Kaharap lang naman nito ang isang matayog,malaki,at gold na kulay ng mansyon na tila isa itong palasyo kong saan naninirahan ang modernong hari't reyna.

Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya nakakita ng kanitong kagandang bahay o mas bagay na tawaging mansyon.

"Did you like what you are seeing now?" Biglang tanong ng katabi niya kaya napatingin siya dito at manghang tumango."It will be your house soon after we get married." Pahabol nito kong kaya't nawala nalang bigla ang sayang nararamdaman niya ngayon lang dahil sa sinabi ni Nathan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 17, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TRAPPED WITH HIM FOREVER(BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon