Chapter 1 : desicion making

1.7K 22 0
                                    

"Ada, may dalaw ka." Dahan dahang nag angat ng ulo si ada sa gwardya ng selda na kinalalagyan nya.

Wala sa sariling tumayo at hinintay na mabuksan ang selda.

Sa nag hihintay na lamesa ay naluluha na naka tingin sa kanya si tita hilda at katabi nito si axel na matalim ang tingin sa kanya.

"Hija,how are you?" Tumayo ito at niyakap sya. "Pasensya ka na at ngayon lang ulet ako naka dalaw. Mayroon kasing problema sa site sa manila."

"Im fine po tita." She smiled at her genuinely.

"Dont worry hija, naniniwala akong wala kang kasalanan." She said thoughtfully while cupping her face.

Nilingon nya si axel. Naka titig lang ito sa kanya na kita ang poot sa mga mata. Here is the man that she loves. Looking at her as if she is the most evil person on earth. At kung mauulit man ang nangyaring dahilan kung bakit siya nakakulong ay wala syang pag sisisihan.

"Tell the truth to the court that you killed celine!" Pagalit na sabi ni axel.

"I-im pregnant! Ikaw ang ama axel" Sigaw nya dito.at napaiyak syang lalo.

"Crazy bitch!" Malakas na sigaw nito na napatayo sa kina uupuan at sinuntok ang lamesa. halos mag labasan ang ugat sa leeg.

Kung Hindi lang napigil ng ina sa braso ang anak ay malamang nasugod na siya ni axel sa kanyang kinatatayuan.

"A-ada please." Isang nagsusumamong tinig ni hilda. Na patuloy na umiiyak. Hindi niya alam kung para saan ang paki usap nito pero sa tantiya niya ay upang tumahimik na sya.

Walang lingon na biglang umalis si axel at lumabas.Nanlalambot ang tuhod na naupo sa upuan si ada. Patuloy na umiiyak.

She wishes right at this moment that she could die.wala ng natira sa kanya. Ang kaisa isang pamilya na tinuring syang pamilya ay itinatatwa na din sya.

Her mother died 2 years ago. colon cancer. Ang kanyang ama ay patuloy pa din nyang hinahanap ngunit mas malabo na yatang magkaroon pa sya ng pagkakataon na mahanap ito ngayon.

"Hija," naramdaman ni ada ang kamay ni hilda sa kanyang balikat.

"I-im sorry tita." Sukat doon ay niyakap sya ni hilda."I-im sorry i can't make him love me tita." "I am so sorry I can't get his heart." Patuloy sya sa pag iyak.

"Oh, god. Don't be sorry ada, it's not your fault." Hinarap ni hilda si ada at pinahid ang luha nito.

Pumagitna sa kanila ang gwardiya at sinabing kailangan na niyang bumalik sa loob ng selda.

"I-im pregnant tita." Sabi nya sa nag aalalang tinig.

"Everything will be fine hija, we will talk about it." Pinisil nito ang kamay ni ada at ngumiti ng mapait.

Wala mang magawa si ada ay tumango na lang sya at umasam na sana ay maintindihan ng kanyang tita ang kanyang pinag daraanan.

Sa kanyang naka paradang sasakyan sa labas ng presinto ibinuhos ni axel ang galit nya.he kicked the tyre thrice.

"Damn her!" He let the sigh out of frustration. Kulang ang salitang galit sa nararamdaman nya.

At kung may idea lamang sya kung ano ang iniisip ni ada kapag naka titig sya sa mga mata nito "Damn those eyes!" Those deep-set eyes. Unfathomable.

"And now she's claiming that she's pregnant?" his lips twisted mockingly "What an awful bitch!" Sinipa nya ulit ang gulong ng sasakyan.

"What now son?" Narinig ni axel ang boses ng ina na papalapit sa kotse.

Binuksan ni axel ang pinto ng kotse at pinapasok ang ina."Why mom, do you want me to marry her?" Sagot nya at pumasok ng kotse at sinimulan itong paandarin.Hindi nya nililingon ang ina.

"Then, why you bed her?!" Pagalit ngunit mariin na sabi nito."I can't believe you do that to her axel kade!"Sa puntong ito alam nyang galit na ang kanyang ina. Hayun nga at tinawag na ang kumpleto nyang pangalan.

"Why? Arent you happy mom? Eto naman ang plano nyo diba. Ang maging daughter-in-law si ada." The bitterness in his voice echoes inside the car.

"I want you all to be happy son, but not like this." Sabi nito sa Mahinang tono at itinuon na lang ang paningin sa labas.

"And look where we all now?" It is far from the happiness that you were saying." Sambit ni axel sa mahinahon ding tinig."Stop manipulating us mom, we are not kids anymore." Patuloy nya at nilingon ang ina.

"Do you ever love her axel?" Sinalubong ng ina ang kanyang tingin. Ngunit sya din ang unang nag iwas.

"I told you, mom, I will choose who will I want or who will i love." Mariing sagot nya na itinuon ang tingin sa pagmamaneho.

Hindi na din nagsalita pa si hilda.at hinayaan na ang anak.

Sa loob ng selda ay nag balik si ada. Naupo sya sandali sa kama dahil bahagya syang nahilo.

Nilapitan sya ng dalawang kasama nyang preso si carla at maria. Trenta anyos pareho ito samantalang sya ay dalawampung taong gulang pa lamang. Staffa ang kaso ng mga ito.

"O, hindi ba at sabi ko sayo ay buntis ka." Nag aalala ang tono ni carla at naka sunod din si maria dito.

May isang buwan na syang naka kulong at hinihintay kung ano ang magiging pasya ng korte.

"Naku,nadagdagan pa ang problema mo ada." Sabi ulit ni carla sa kanya at pinahiga sya sa kama. "Ang kabataan talaga ngayon ay padalos dalos." Napapa iling na sabi nito.

"Hindi naman po problema sa akin ang batang ito ate carla." Matipid na ngiti nya at marahang hinimas ang maliit na umbok ng tyan.

"Alam mo bang iniisip ko minsan ada kung talaga bang naka patay ka?" Si maria na napapa isip."Oo nga, e mas mukha pang ako ang pwedeng makapatay." Sagot ni carla na natatawa.

Palibhasa ay matabang babae si carla at matapang ang anyo nito.

"Paanong ang isang tahimik na dalagita na kagaya mo at sobrang hinhin kumilos ay makapapatay?"si maria ulit."Baka naman natatakot ka lang magsalita ha, ada." Sabi ni carla at hinawakan ang kamay nya.

Sinuri nito ang magiging reaksyon nya.alam nyang nag aalala ang dalawang ito sa kanya.

"Gusto ko po munang mag pahinga." Malumanay na sabi ni ada.

"O,sya kami ay nandito lang kung may kailangan ka." Tumayo si carla at sinenyasan si maria na tumayo na din. Marahang tinapik ni maria ang braso ni ada.

Nang mapag isa na ay umunat sya ng higa. Banayad nyang hinawakan ang kanyang tyan." Baby, I'm doing this for your father's sake." Nag babantang bumagsak ang kanyang luha ngunit pinigil nya iyon.

Pinikit nya ang kanyang mata at inalala ang kaganapan isang buwan ang makalipas bago sya makulong.























if you like my story please like, share, comment, and follow me.

Thanks! ^_^

PRISONER OF YOUR LOVE Onde histórias criam vida. Descubra agora