prologue

2K 23 0
                                    

Ada! Ada! Sigaw ni nana rosa sa bakuran ng kanilang bahay.

Nasaan na ba ang batang iyon. At mag hahapon na ay wala pa. Palinga linga sya sa paligid at baka biglang sumulpot sa kung saan ang alaga nya.

Labin dalawang taong gulang ang batang kanyang inaalagaan. Iniwan ng ina nito na si selma sa kanya ang pangangalaga sa bata.

Sa two storey house sa bulacan sila nakatira. Malaki ang bahay para sa kanilang dalawa ni ada kung tutuusin.

Malimit dumalaw ang ina ni ada sa dahilang busy ito sa trabaho.ngunit alam nyang may ibang pamilya ito sa maynila.

Ang ama ni ada ay hindi nya alam kung nasaan at wala namang nababangit sa kanya si selma.at ayaw nya din pa mag tanong.

Sa kadahilanang palagi syang sinasabihan ni selma na wag na lang daw syang masyadong maraming tanong.

Maganda si selma sopistikada maputi ang kulay katulad ng sa kanyang alaga. Edad kwarenta ito at mahahalata sa kilos at gawi na maalwan ang buhay.

"Nana rosa" napalingon sya sa tumawag sa kanyang pangalan.

Sa labas ng bakuran ay nalingunan nya si hilda.

"Nana rosa, nandyan po ba si axel?" Tanong nito.

"Ma'am hilda , Abay, magpupunta na nga sana ako sa bahay nyo at ang alaga kong si ada ay hindi pa din umuuwi."

"Baka po nasa bukid ang magka laro nana rosa." Tugon nito.

"Kamusta po kayo?" tanong ni hilda sa matanda.

"Pasok po muna kayo ma'am hilda." Binuksan ng matanda ang gate at pina upo ito sa upuan sa hardin.

Ikukuha ko lang ho kayo ng maiinom. Sabi nito at pumasok na sa kabahayan.

Mayamaya ay lumabas din ang matanda "Naku ma'am ako ho ay mabuti naman ganun din ang alaga ko." Hawak ang baso na may lamang juice at ibinaba sa lamesa.

dangan nga lang ay mahigit isang buwan ng hindi bumibisita si maam selma ngunit patuloy pa din ito sa pag papadala ng sustento."

"Malaking tulong po kayo kay ada maam hilda. Lalo na at ngayon ay nakaka pagsalita na si ada at nakiki pag laro na." Sabi ng matanda na na upo na rin sa katabing silya

Mahigit isang taon na ang nakakaraan ng lumipat sa bahay na iyon si ada at nana rosa.inihatid sila ni selma at agad ding umalis.nakatitig lang ang payat na bata sa kanyang ina habang nag papaalam ito na aalis na.

Kinaka usap nya ang batang ada ngunit hindi ito nagsasalita. Ang akala nya ay pipi ang bata ngunit sabi ni selma ay bigla na lang hindi nagsalita ito at ang sabi ng doctor nagkaroon ito ng trauma. Sa kung anong dahilan ay hindi niya alam.

Sinubakan nyang itanong kung naipagamot ba si ada ngunit sinabi ni selma na magsasalita din ang bata kapag gusto nito.

" Mom!" Napalingon si hilda at nana rosa sa tumatakbong si axle. Sa bakuran ito galing. May daan papunta sa farm ang bakuran na iyon.

"Mommy, ang dami naming nakuha ni ada na mangga at santol."

Nakangiti na sabi axle at inilapag ang prutas sa lamesa na nakasahod sa damit nito at isa isa ding kinuha kay ada ang prutas na nakasahod din sa damit nito.

"Mukhang nalibang kayong dalawa." Si hilda na naka ngiti sa dalawang bata na nagkatinginan.

"Pasensya na po tita hilda at muntik na kami gabihin ni axel " hinging paumanhin ni ada at nag baba ng tingin.

"It's okay, ada."hinaplos nya ang pisngi ng bata at nginitian ito.

"Kwentuhan mo ko kung ano ginawa nyo sa farm." Sabi nya at nakita nya ang kislap sa mata ni ada at kinandong ito sa hita nya.

"Alam nyo po ang daming hinog na mangga at santol sa puno."masiglang kwneto nito. " Tapos po marami din santol. "Sayang po yung bayabas ang dami lang hantik." Pumalatak pa ito. Nagkatinginan kami ni nana rosa at bahagyang natawa.

Sino mag aakala na ang batang ito ay matagal hindi naka pag salita.

She also dream of having a daughter pero isa lang ang ibinigay sa kanya ng diyos. Si axel. Gusto pa sana nyang magkaroon ng anak but her doctor said she might die if she insists.

May sakit sya sa puso. Axel is a miracle baby. God is really good to her because she survived giving birth to her precious son.

Is it too much to asked if I want her to be my daughter-in-law? Naidasal ni hilda na sana ay maging anak nya ito.

"Naku, mom." Alam nyo bang may crush na yan. " Si axel na nagbubukas ng santol.

"Really?" Sabi ni hilda sa anak.

"Yung anak nung isang tauhan mom. Nakita ko nginingitian nya e." Sabi nito na patuloy na kumakain ng santol.

"H-hindi po totoo yun tita." Tanggi ni ada na masama ang tingin kay axel.

"Eh, bakit mo sya binigyan ng mangga?" Tanong ni axel.

"K-kase gusto ko lang." Tipid na sagot nito.

"Kasi gusto mo sya." Nang aasar pa lalo na sagot ni axel sa kaibigan.

"O sya, tama na yang asaran." Si hilda na inawat ang mga bata. " Baka mamaya ay umiyak na naman itong kaibigan mo axel."

"Kami ay tutuloy na din nana rosa."

"Sige,maam. At nang makapag handa na din ako ng hapunan." Tumayo si nana rosa at naglakad patungo sa gate

"Huwag na kayo magluto nana rosa.sa bahay na kayo kumain." Sabi ni hilda na malapit na sa labas ng gate.

"Ada hija, maligo ka muna at sa bahay na kayo mag hapunan.dadating si tito lance mo ngayon" dugtong ni hilda na ang tinutukoy ay ang asawa.

"Sige po tita." Isang tipid na ngiti at mabilis na pumasok ng bahay si ada.excited sa kanyang susuotin.

"Nana rosa." Napahinto si ada sa pagtakbo at nilingon ang matanda." Pwede ko po ba isuot yung binigay na bagong dress ni mommy sa akin?"

"Syempre naman hija,sige na maligo ka at ihahanda ko ang susuotin mo." Masiglang ngiti ng matanda.

Sa hapag kainan ay masayang nag kwento si axel sa kanyang daddy tungkol sa mga prutas na napitas nila kanina ni ada sa farm.

Si lance na katabi ang asawang si hilda sa lamesa ay masayang nakikinig sa anak..

"Baka naman ikaw hijo ay nagpapasaway dito sa mommy mo?" Si lance na nakangiti sa anak.

"Hindi po dad.mabait po ako." Sabi nito at napatingin kay ada.

" Yan nga po si ada ay may crush na dad."biglang sabi nito na ikinabigla ni ada.

"Hindi po yan totoo tito." Si ada ay nakatingin ng masama sa kaibigan.

"Axel, anak.hindi ba't sinabi ko na sayo na wag mo asarin si ada" si hilda na bahagyang natawa at napatingin sa naka simangot na si ada.

Maganda si ada.maputi at medyo matangkad base sa edad nito.ang bestida nitong suot na kulay pula na bulaklakin ay bumagay lalo sa kulay nito.

Ang kanya mang anak ay pogi rin. Namana nito ang kulay ng ama. Moreno.matangkad sa edad nito matangos ang ilong. Maging ang mga mata nito ay nakuha sa ama. Hazel eyes. A stunning mixture of green and brown. Palibhasa ay may lahing espanyol ang ama.

"Naku, at baka naman ikaw ang may crush dito kay ada, anak?" Si lance sa nanunuksong tinig.

Malakas na natawa si ada.at dinilaan si axel na katabi nito sa upuan.

"No way!" Malakas na sabi ni axel.
"Hindi ko magiging crush ang payatot na yan." Sabi nito na napatingin ulit sa kaibigan.

" Ano namang malay mo anak. Bata pa kayo. You dont know what the future holds." Sabi ni hilda na tinatanya ang reaksyon ng anak.

"No, mom and dad. I will decide who will I want." Mariing sabi nito na nakatingin kay ada.

Ang mag asawa naman ay nagka tinginan na lang at nag pasyang wag na dugtungan pa ang usapan.

Ngunit ang batang puso ni ada ay mukhang nasaktan dahil hanggang sa matapos ang hapunan ay hindi na ito kumibo.





























PRISONER OF YOUR LOVE Onde histórias criam vida. Descubra agora