Chapter 6. "Escape"

435 37 9
                                    

Chapter 6

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 6. "Escape"

"You also must be ready, for the Son of Man is coming at an hour you do not expect."
Luke 12:40

Day 2

Date: December 17, 2030

Time: 8:36 AM

Place: Makati City

            Marahan kong minulat ang aking mga mata. Agad kong nakita ang sinag ng araw mula sa bintana. Habang nakatingin sa bintana ay muli kong naalala ang mga nangyari kahapon. Sa loob lamang ng isang araw, nangyari ang lahat ng 'yon. Hindi mawala sa isip ko simula pa kagabi ang mukha ni Froilan, ang mga mata niyang puno ng takot na nakatingin sa akin. Madumi ang kanyang mukha, pawisan at parang pagod na pagod. He survived it; he is alive.

            Bumangon ako at tiningnan ang buong paligid ko, hindi ko na rin kung paano ako nakapunta dito sa kwartong ito. Maluwag ang kwarto, malinis at mabango.

            "Nasaan ako?" tanong ko sa sarili ko at saka bumaba ng kama at nagtungo sa tapat ng bintana. Sinilip ko ang labas ng bintana, kumpara sa may village namin at sa Quezon City, mas magulo ang lugar na ito. Madumi ang labas at ang mga gusali. Tumingin ako sa ibaba at kung susukatin ay nasa mataas na palapag ako.

            Napalingon ako nang narinig kong bumukas ang pinto at doon ay nakita ko si Chaste na gulat nang makita ako.

"Gising ka na pala." Aniya. Tumango lang ako. "Come outside, kain ka muna ng breakfast."

            Sumunod ako kay Chaste paglabas niya. "Nasan tayo?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami sa pasilyo.

            "We're here in Makati, we are staying here." He answered. Napaisip naman ako sa sinabi niya.

            We...he has companion.

            Pumasok na kami sa elevator at nagtungo ito pababa sa 5th floor, galing kami ng 15th floor at kung titingnan ang numero sa elevator, this building has 20 floors.

            Pagbukas ng elevator ay naglakad pa kami ni Chaste at pumasok sa isang kwarto. Pagpasok namin ay namangha ako sa laki ng buong kwarto. Napatingin ako sa babaeng nakatingin sa akin na parang nabigla pa nang makita ako.

            "Oh, she's awake." Nakangiting sabi nito at saka lumapit sa akin. "How's your stay here?" tanong niya. Walang gana lang akong ngumiti.

            "Mabuti naman." Sagot ko.

            "Hoy! Nandito na bebe ni Chaste!" sigaw ng babae sa buong kwarto. Napatingin naman ako sa katabi kong si Chaste na nakangisi lang at umiiling-iling.

RapturedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon