Chapter 13. "Rescued"

337 33 7
                                    

Chapter 13

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 13. "Rescued"

"And said, "Men of Galilee, why do you stand looking into heaven? This Jesus, who was taken up from you into heaven, will come in the same way as you saw him go into heaven."
Acts 1:11

Day 4

Date: December 19, 2030

Time: 3:21 PM

Place: Makati City

            "Froilan..." nananangis kong tawag sa kanya. Matalim ang titig ng kanyang mga mata sa akin.

            "I sacrifice myself to save you, K. I baited myself to those bunch of zombies just to save you." He said with his blazing eyes. Nanatili akong nakatingin sa kanya habang kita ko at ramdam ko ang galit sa kanyang mga mata. Hindi ako sanay na makita siyang ganito.

            "I tried to go back and look after you, sinubukan ko Froilan." Sabi ko pero isang ngisi lang ang sinagot niya sa akin.

            "Opps, but you killed his sister." Napatingin ako sa nagsalita, si Chris. Ang Ate ni Froilan, naalala ko ang gabing umalis kami sa village. Pero nakita niya akong umalis noon at nakasakay sa motor ni Chaste.

            "Froilan, let me explain what happened. Pero hindi ba nakita mo akong umalis sa village?" tanong ko sa kanya. He seems tried to recall it.

            "It was you? Pero hindi kita namukaan. Kaya nang bumalik ako sa village, and everything wasbin chaos with all the zombie attacks. Kaya hinanap ko si Ate, pero wala siya sa bahay. And that is why I went to your house, and I saw there, her body..." seryosong kwento ni Froilan habang masama pa ring nakatingin sa akin pero pagtapos niyang magsalita ay nakita ko ang pagbuhos ng kanyang luha.

            "Sinubukan akong saktan ng Ate mo, Froilan. She attempted to kill me!" paliwanag ko.

            "Liar..." muli ay napatingin ako sa naglita, si Chris na naman with his teasingly smile.

            "Nobody asks for your opinion." Mariin kong sabi sa kanya pero tumawa lang siya.

            "But still, you killed her." Binalik ko ang tingin kay Froilan at nanlaki ang mga mata ko nang pagharap ko sa kanya ay nakaharap na sa mukha ko ang hawak niyang baril.

            Dumaloy ang kaba at takot sa buo kong katawan habang nakatingin sa hawak na baril ni Froilan at nakatutok sa akin. Nangangatog ang tuhod ko at nanghihina dahil sa takot. Narinig ko naman ang tawa ni Chris sa tabi ko.

            "An eye for an eye, a tooth for a tooth. Blood must have blood." Chris said, persuading Froilan to pull the trigger.

            I froze and I feel my tears shed down into my cheeks, staring at him.

RapturedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon