Chapter 7. "Warning"

398 37 5
                                    

Chapter 7

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 7. "Warning"

"I tell you, in that night there will be two in one bed. One will be taken and the other left."
Luke 17:34

Day 2

Date: December 17, 2030

Time: 9:49 AM

Place: Makati City

Nakatingin kaming lahat sa monitor kung saan may ilang zombies na naglalakad. Tiningnan ko sila Julian, Philip at si Chaste, kita ko ang pagtataka at takot sa kanilang mga mukha. Bigla namang dumating si Braxon.

"Chaste, guys wear your earpiece sabi ni Flare." Tarantang sabi ni Braxon pagpasok niya sa loob ng footage room. Agad namang sinuot ni Chaste, Philip at Julian ang earpiece nila, si Braxon ay suot na ang sa kanya. Napatingin naman sa akin si Chaste at saka may kinuha sa drawer sa tapat ni Julian.

"Here, wear it." Sabi niya sa akin. Agad kong kinuha ang earpiece at sinuot sa tainga ko.

"Flare," tawag ni Chaste kay Flare at muling tinuon ang tingin sa monitor, tiningnan ko rin ang iba pang monitor at may ilan pa akong nakikitang zombies na naglalakad sa ibang parte ng kalsada.

"Anong gagawin ko? Should I continue shooting them?" Sabi ni Flare sa linya.

"No, hold your fire. If you keep on shooting them, they will hear your shot." Chaste ordered.

"Copy, but how are we going to eliminate these damn dead people?" Inis na tanong ni Flare. Hindi sumagot si Chaste sa tanong ni Flare. Pinagmasdan ko ang mukha ni Chaste, seryoso niyang tinitingnan ang mga monitor.

"How did they get here?" inis na tanong ni Braxon habang nakatingin din sa monitor.

"There!" sigaw ni Chaste na umagaw sa atensyon naming lahat. "Julian, paki-zoom sa cam 86." Utos niya kay Julian na agad naman niyang ginawa.

Pagka-zoom ni Julian ng camera ay nagulat kami sa nakita namin.

"Bata?" hindi makapaniwalang sabi ko nang may makita akong batang tumatakbo sa kalsada.

"Tang ina anong ginagawa ng bata diyan? Dito?" bulalas ni Braxon na hindi rin makapaniwala sa nakita. Pinagmasdan ko ang bata sa monitor na tumatakbo. At tiningnan si Chaste na pinapanuod din ang bata sa may monitor.

"Chaste." Tawag ko sa kanya pero hindi niya ako tinitingnan. "Chaste, we need to save that kid!" sigaw ko sa kanya pero nanatili siyang nakatingin sa monitor at pinapanuod ang bat ana tila malalim na nag-iisip.

"No, Chaste." Napatingin naman ako sa nagsalita, it was Philip. "Think of risk that kid will give to us if we open the gate. There are bunch of dead outside the area."

RapturedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon