Chapter 9. "Risks"

375 34 5
                                    

Chapter 9

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 9. "Risks"

"I do not ask that you take them out of the world, but that you keep them from the evil one."
John 17:15

Day 3

Date: December 18, 2030

Time: 7:09 AM

Place: Makati City

            I woke up early and went straight to the kitchen to cook breakfast. Pero pag-check ko sa pantry nila at refrigerator ay kaunti na lang ang stocks nila ng pagkain. Gising na rin si Julian pagbaba ko dito kanina ay nakasalubong ko siya at kumuha ng tubig habang si Flare naman ay nasa sala at nag-yoyoga doon. Pagkagising ko kanina ay tulog na tulog pa si Chaste. And speaking of Chaste, I remember what we have talked last night about that message sent to him.

            "It was my half-brother who sent that message. And he wants to kill me." Seryosong sabi niya. Bakas naman ang pagkabigla sa mukha ko dahil sa narinig ko.

            "Bakit niya gagawin 'yon sayo?" tanong ko. Parang nagulat naman siya sa tanong ko at tiningnan lang ako, isang tingin na parang nababahala. Did I push my limit? Did I just ask him something personal and offended him?

            "I'm sorry, hindi mo ko kailangan sagutin kung hindi ka palagay." Pagbawi ko. Bigla naman siyang ngumisi.

            "Okay lang, may mali din naman talaga ako and I understand why he is so mad at me." Sabi niya at saka huminga ng malalim at tumingin sa may bintana sa likod ko. "It happened 3 months ago, when I killed his mother." Pagsisimula niya. Nabigla ako sa huli niyang sinabi.

            "But correction, she was infected that time." Pagtatama niya na kinaluwag ng dibdib ko.

            Sandaling nabalot ng katahimikan ang buong silid. Nakatingin lang siya sa maliwanag na bintana dahil sa liwanag ng buwan sa labas.

            "Chaste," tawag ko sa kanya kaya siya tumingin. Natulala ako sa mukha niyang naghihintay ng sunod kong sasabihin. Iniisip ko kung dapat ko bang itanong sa kanya ang nasa isip ko.

            Huminga ako ng malalim habang nakapako ang tingin sa kanyang mukha. "Bakit ka naiwan dito?" tanong ko.

            "Wow!" nagising ako sa malalim na pag gunita ko kagabi nang dumating si Braxon at namangha sa mga nakita niya mesa. "Makakakain na rin ako ng tunay na pagkain." Natatawa niyang sabi.

            Napangisi naman ako at sunod-sunod na silang dumating, si Tom, si Erickson at si Philip na tahimik lang. Bigla namang dumating si Flare na nagpupunas ng pawis gamit ang puting towel.

RapturedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon