The Babysitter- 5

20.9K 438 23
                                    

Chapter 5

"DM!!" sigaw ko habang hinahabol ko si DM.

"oh arianne..good morning!!" ngumiti si DM.

Haayy! Ayan naman naman yung ngiti niya. Parang dati naman di niya ko nginingitian ah?

"ahhh..pwedeng magtanong??"

"nagtatanong ka na nga eh..hahahaha.." sabi ni DM.

Bwisit to ah.. >.

"HMP!! Anong ginagawa mo sa jollibee kahapon?"

"nagtatrabaho.."

"what i mean is..bat ka nagtatrabaho don??"

sasagot na sana si DM kaso may tumawag sa kanya pinapasabi na hinahanap siya nung principal.

"ahh..ehh..mamaya nalang tayo magusap ah..bye arianne.." pagkasabi niya nun. Ginulo niya yung buhok ko. Basta. Parang pinat niya yung ulo ko. Aarrggh! Aso ba ako?? Pero.. Nung ginawa niya yun. May naramdaman akong kakaiba.. >///

haaayy! Mamaya ko na nga lang siya kakausapin tungkol dun. Mahaba pa naman ang araw eh..

Recess, lunchbreak, lumipas na ang oras di ko parin nakakausap si DM. Haaayy! Kung kelan ka may kailangan sa tao tsaka di mo makita. Teka. Bat nga ba wala yun? Kanina ko pa di nakikita eh..

Recess na ngayon sa hapon , nasa canteen kami nina august at jael.

"oi alam niyo ba kung nasan si...ahh..wala" di ko na tinuloy. Teka. Baka kung ano pang isipin nitong mga to.

"sino??" -august

"si DM no??" tanong ni jael tapos tumawa.

Paano niya nalaman??

"paano ko nalaman? Haha.. Eh siya lang naman ang wala sa klase eh. " -jael

ang galing naman nito. Nababasa yung nasa isip ko. Haaayy. Siguro may lahi tong witch..

"hindi ako witch! Hahaha.." -jael

hala!

"natatakot na ko sayo! Nababasa mo yung nasa isip ko!" -arianne

"weh? Haha. Ganun! Haha alam ko na takbo ng isip mo eh. Para san pa at naging bestfriend mo ko di ba?" -jael

"teka.bat mo nga pala hinahanap si Dm?" -august

"ehem.selos.ehem..haha" -jael

tiningnan ng masama ni august si jael. Sinong nagseselos? At saka kanino naman?? O_o

"eh kasi may itatanong lang ako sa kanya eh.."

"itatanong mo kung pwede ka nang manligaw? GAAAH! Ngayon ko lang nalaman. Napakadesperada ka na pala na magka-bf" -jael

"sira..hindi yun no. Loka loka ka talaga!"

" eh ano?? itatanong mo sa kanya kung pwede syang maging ama ng mga anak mo?? Waaahh! OH NO! Buntis ka?? At kambal?? " sabi ni jael na gulat na gulat.

"Huh? Ulol. Ang weird ng imagination mo ba!!"

"eh kasi naman no. Kung sinasabi mo na kung ano yung itatanong mo sa kanya edi hindi na kung ano ano yung naiisip ko. Hmp.." -jael

"oo nga. Ano nga ba yung itatanong mo?" -august.

Sasabihin ko ba? Sige na nga! Wala naman sigurong masama kung ikwento ko sa kanila diba. Tsaka wala namang sinabi sakin si DM na secret yung tungkol sa pagtatrabaho niya eh..

"lapit kayo.." at ayun lumapit nga sakin yung dalawa. Kwinento ko na sakanila yung nangyari kagabi sa jollibee.

"hmmm..baka naman di si papa DM ang nakita mo?" -jael.

Teka. Kelan pa niya naging papa si DM? Haha. Ang kire ha.

"Sigurado ako nuh. Nginitian pa nga niya ako eh.."

"eh bat ba napaka big deal sayo nung pagtatrabaho ni DM ha?" tanong ni August.

"huh..ahh..ehh..nacurious lang naman ako eh..kasi para namang hindi siya yung tipo ng tao na makikita mong nagtatrabaho sa isang fast food chain. Ahh. Basta.. Yun lang yun.."

"Ayyiiiee... Siguro may gusto ka na kay DM no??" pangaasar ni Jael.

" luka! Wala no!"

adik talaga si jael. Ako? Magkakagusto kay DM? Nevah!

"Ge. Alis na ko. May pupuntahan pa ko eh.." -august.

"huh? San ka naman pupunta?" tanong ko kaso umalis nalang siyang bigla. Baka di niya narinig yung tanong ko? Oh baka naman di niya lang talaga sinagot?

"anong problema nun?" tanong ko kay jael.

"ganyan lang talaga yan pag nagseselos. Gusto mapagisa.." -jael

"huh?? Bakit? Nakita niya na may kasamang iba yung crush niya?"

"hah? Ahh.. Ewan ko sayo! Kaya nagagalit sayo si DM eh. Ang manhid mo!" -jael.

"huh? Di ako manhid no!!"

ano ba yung sinasabi ni jael? Di ko sya maintindihan. I mean. Oo nagets ko naman yung sinabi niya. Kahit papano may alam naman ako dyan sa "love love" na yan pero. Si august?? Parang di ko maimagine na may gusto siya sakin. Ahh.. Basta. Para namang napakaimposibleng mangyari nun kasi nga diba BESTFRIENDS kami.. Tsaka ang pagkakaalam ko sa mga magbestfriends na babae at lalaki, they're not suppose to fall in love with each other.. Kasi.. Teka. Bakit nga ba?? Ahh..basta! Imposible yun.

The Babysitter (updated.  41-A or D?)Where stories live. Discover now