Babysitter- 12

16.4K 344 28
                                    

Binaba ko na yung phone kahit na nagsasalita pa ata si August.

"DM, magtago ka!!"

"huh?bakit?" takang taka yung mukha nya

"basta.." pinagtulakan ko sya papuntang cr..

"dyan ka lang..wag lalabas hangga't di ko sinasabi ah!" utos ko.

"bakit ba kasi?"

"basta! Dyan ka lang!!"

hindi na sya umimik. Good! Dali dali akong tumakbo papunta sa may pinto. Okay. Arianne. Kaya mo yan! >_____

binuksan ko na yung pinto at nandun nga si August.

"oh bestfriend.." sabi ko habang nakangiti.ung pilit. tae! sino ba namang makakangiti kung ikaw ang nasa kalagayan ko ngayon. >________

"wag mo kong tatawagin ng ganon!!" sabi nya.

"aba! Ang arte mo na ngayon ah. Bakit, ano bang gusto mong itawag ko sayo?"

"boyfriend.." sabi nya.

"Eto gusto mo?!" pinakita ko sa kanya yung fist ko.

"oo.lahat ng sayo gusto ko."

>/////

"august, alam mo.." pagsisimula ko

"ano, sasagutin mo na ko?" nakangiti nyang sabi.

"hindi.."

"eh ano?"

"ANG CORNY MO!!!!" sigaw ko.

"aaww..tenga ko.. "

"buti nga sayo.."

"ahh..nga pala may dala ako.."

"wow!!salamat August!! Ang bait mo talaga!!" ^_____^ kukunin ko na sana yung pagkaing dala nya kaso nilayo nya.

"o, bakit mo kukunin? Binibigay ko ba sayo??"

"ahh..ganon??"

"haha..joke lang.. Para sayo talaga to.. I mean.. Para SATIN. Hindi lang sayo.." sabi nya.

"oo na! Para namang kaya kong ubusin lahat yan no! Ano ako patay gutom?!"

tumawa lang si August.

Hinampas ko nga!

"ang sama mo talaga!!" >_____

"o bakit, anong ginawa ko? Masama bang tumawa?? Hahaha!"

"tsk..ewan ko sayo..pumasok ka na nga..gutom na ko.." sabi ko.

"san ako papasok?" tanong nya.

"duh! Syempre sa pinto. San pa ba?? Bakit gusto mo sa bintana??"

"hindi..sa puso mo..gusto kong pumasok.."

>/////

"baliw ka! Kumocorny ka na talaga bestfriend!"

"wag mo nga kong tatawaging bestfriend! Nasasaktan ako!" sabi nya tapos naarte na masakit.

"haayy, ewan ko sayo..o ano, pasok na sa loob!"

"sa loob ng puso mo??"

tiningnan ko sya ng masama.

"isa pa..sige.."

"haha..hindi na.."

pumasok na nga kami sa loob. Nag-iba na talaga si August ngayon. Di na sya yung dating August na Bestfriend ko kasi ngayon, ang bestfriend ko, manliligaw ko na. Well, gusto ko din naman si August. Ang bait kasi nyan eh. Tsaka laging maaasahan. Wait, Gusto lang ha! Iba pa yun sa mahal.. Hmmm.. Gwapo naman si August at madaming naghahabol na babae sa kanya, hindi ko lang talaga alam kung bakit ako pa ang nagustuhan nya. Pero, good thing na rin siguro na sakin sya nagkagusto kasi, kung sa iba sya nagkagusto,mawawalan na sya masyado ng time para sakin. Eh naging parte na rin kasi ng buhay ko yang si August eh..

Napatingin ako kay August. Tumingin din sya sakin at ngumiti

>/////

Iniwas ko nalang yung tingin sa kanya. Tinutok ko nalang yung atensyon ko sa pagkain. Nung natapos na ako, nakatingin sakin si August.

"o, bakit?" tanong ko. Gosh! Namumula na naman ata ako. >____

"wala lang..gusto lang kitang tingnan.."

Speechless ako! Ngayon lang ako nawalan ng sasabihin.. >____

"arianne.." tawag nya.

Syempre tumingin ako.

"may promblema ba?" tanong nya na yung mukha eh parang nag-aalala.

"huh?wala..okay lang ako.."

"naiilang ka ba sa kinikilos ko?"

"huh?ehh..medyo.."

"tsk.kasalanan ko to eh..kung hindi sana kita niligawan, masaya tayo ngayon..sige, sabihin mo lang kung ititigil ko na panliligaw sayo. Matatanggap ko din naman siguro na hanggang bestfriends lang talaga tayo eh.." malungkot nyang sabi.

"teka..hindi naman yun eh.. I mean, naninibago lang ako. Hindi lang ako sanay sa kinikilos mo.. Pati, masaya naman ako ngayon eh.Hindi lang halata pero masaya ako" >/////

"so, masaya ka pag kasama ako??"

tumango nalang ako..

*ten tenen tenten..*

(tunog ng nalaglag na bagay sa sahig..haha..talaga naman diba! ASTIG!!xD)

"ano yon?" sabi ni August. Tumayo sya.

Patay. Mukhang nanggaling sa banyo yung tunog..

Si DM!!!

"ahh..wala lang yon..baka nalaglag yung laruan ni Dylan..teka titingnan ko lang sa kwarto.."

"sigurado ka?eh parang sa banyo galing eh.." sabi nya. Papunta ng banyo..

"huh! Hindi! Sa kwarto yon! Titingnan ko lang.. "

"samahan na kita.."

"hindi..wag na no..nakakahiya..bisita kita..dun ka nalang muna sa living room.."

" o sige.." sabi nya pero parang nagsususpetsya na sya na may hindi ako sinasabi sa kanya.

Tumayo na din ako tapos dali-daling pumunta ng banyo. Ayaw kong makita siya ni August.. Nung pagkabukas ko ng pinto, syempre sino pa bang makikita ko? Edi si, DM.

"hoy, ano ba wag kang maingay.."

"sorry..may nadali lang ako.." sabi nya tapos parang natatawa sya.

**

bakit kaya natatawa si DM?HAHA! Abangan sa next part..pag nag page 2 to sa what's hot maguupdate ulit ako mamaya.. Nasa page 3 na ngayon. Lapit na. XD vote and comment!:)

The Babysitter (updated.  41-A or D?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon