The Babysitter - 38

10.2K 176 14
                                    

"Wag mo na silang pansinin. Magdedate tayo mamaya. "

Date?

>////

"Kahit wag na no. Tsaka. Tsaka. Di ko naman sila pinapansin e. "

"Okay." sabi nya.

"Okay!!"

Hah!!

******

Natapos na ang misa. Hinila ko na agad si DM palabas ng simbahan dahil ayoko na maabutan at makita pa kami nina Aly at August.

Oo. Silang dalawa ang nakita ko kanina. Kung bakit sila magkasama ay hindi ko alam.

WALA AKONG ALAM AT WALA AKONG BALAK ALAMIN IN THE NEAR FUTURE! K FINE!

"Tara na DM! Tara na!" hila hila ko pa rin si DM. Si DM na parang tuod. =___=

"Wag mo nga akong kapitan." Pagalit nyang sabi.

Tumigil kaming dalawa sa paglalakad. Syempre. Binitawan ko na rin agad siya. Ewan ko. Pero natakot ako sa tono ng pananalita nya.

Ano na naman bang nagawa kong mali? >.

Ano na naman bang problema ng lalaking to?

"Tsss.Akin na ang kamay mo." pagalit pa rin ang tono ng pananalita nya.

"B-b-akit?"

He rolled his eyes. Kinuha nya bigla yung kamay ko.

"Mas sanay kasi ako na humahawak kaysa hinahawakan." at naglakad na ulit kami.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Eh bat ka galit?!!"

Argh. DM!! Nakakainis ka talaga kahit kailan!! >_____

"Sinong may sabing galit ako?" At nginitian nya ako ng nakakaloko.

Ayoko ng magsalita! Oo na! Sino nga namang nagsabi na galit siya! Ako lang naman! >_____

******* "San mo gustong pumunta?"

"Uwi na tayo."

Napansin ko naman na nakatitig sya sakin.

"Oh? bakit?"

"Wala. Hahaha. Ang laki pala ng tenga mo!" at ayun, tuwang tuwa na naman ang loko.

"Har har. Parang yung iyo hindi malaki.." This time. Ako naman ang tumawa.

Bigla naman nyang kinapitan yung tenga nya.

"Seryoso, malaki nga?" Sabay kapit niya sa tenga nya.

Lalong lumakas ang pagtawa ko.a Hanggang sa nakauwi na kami, Hindi pa rin tumitigil sa kakatanong si DM kung malaki ba talaga ang tenga nya. At sa tuwing nagtatanong sya. Tumatawa lang ako. Hahaha :D

"Gutom na ko DM." nilapitan ko si DM na ngayon ay nakahiga sa kama nya.

Oo. Ako na ang bigla biglang pumapasok sa may kwarto ng may kwarto. XD

"Uy. Gutom na ko"

OKAY? Dedma! -.-

"Oi! Di mo ba ako naririnig. Pero teka. Mukhang imposible naman yun kasi sa laki ba naman ng tenga mo!" At tumawa na naman ako. Ang sarap mangasar, lalo na kung di lumalaban yung inaasar mo. ^_______^

"Anong gusto mong gawin ko?" tiningnan nya ako.

okay. Sya na ba ngayon si Lady Gaga. Poker Face e. -.-

"Magluto ka!" sabay ngiti. Syempre. Para malakas ang hatak. hahaha ^_____^

"Tinatamad ako. Ikaw na lang magluto."

O sya na ba si Bruno Mars. Kulang nalang ang tugtog na Lazy Song e. -.-

"Susumbong kita kay Mama!"

"Edi isumbong mo. Andyan lang yung telephone. Sa side table" At humarap na sya sa kabilang side. May balak pa ata akong tulugan neto! =_____=

"Galit ka ba?" Okay. Arianne. Ano na namang sumapi sayo at naisip mo na galit sya sayo?

E kasi naman. Inaasar ko sya kanina e. Ayun. Baka naasar ng tuluyan. >____

"Hindi ako galit" sagot nya pero di sya tumingin sakin.

"Okay." ang nasabi ko nalang.

"Okay din."

"Okay-er" -____-

"Okay-est"

"Lalabas lang ako ah. Yayain ko si August na bumili ng lunch. Siguro naman nakauwi na yun sa kanila."

Bigla nalang humarap sakin si DM. "Eh bat kasi gusto mo agad umuwi kanina, edi sana kumain pala muna tayo kung nagugutom ka pala."

Tumayo naman siya bigla.

"Magluluto na ako. Saglit lang." at lumabas na sya ng kwarto nya.

Okay? Ano na namang ginawa ko? Bakit pakiramdam ko galit sya?>_____

Hayy. Nahiga ako sa kama nya.

Teka. Bat parang mas malambot to sa kama ko?

MADAYA!!!

Tama ba naman na mas malambot ang kama ng nakikitira kaysa sa totoong may-ari! >_____

Tumayo na ako sa pagkakahiga sa kama nya. Napansin ko na nagulo ko yung kama nya kaya inayos ko. Pati yung unan.

Ayan. Okay na! ^____^

Tiningnan ko yung buong kwarto nya. bigla nalang napako ang atensyon ko sa isang frame na nakataob sa side table nya, katabi ng phone.

Natumba siguro. Nung itatayo ko na yung frame, bigla nalang nagbukas yung pintuan sa kwarto ni DM.

"anong ginagawa sa labas nung pangit na yun? Pinapunta mo--- ba?." napatigil sya sa pagsasalita.

Bigla akong napatingin sa kanya.

"Huh? sino?"

"Kilala mo na yun! Basta! Lumabas ka na! Kanina pa yun nandun sa labas!"

Bakit galit na naman ulit sya? =______=

"eto na! eto na! Lalabas na! Tss. High blood lagi. "

"At saka wag ka na ulit papasok sa kwarto ko ng walang pahintulot."

Bago ako lumabas ng kwarto nya. Nakita ko na nilagay nya yung frame sa cabinet nya. Take note. Hindi lang basta paglalagay. binato pa nya na parang walang pakialam kung mabasag man yun o ano.

"O BAKIT NANDYAN KA PA?!"

"eto na nga! paalis na!"

******

vote and comment po! salamat!

The Babysitter (updated.  41-A or D?)Where stories live. Discover now