The Babysitter- 30

12.3K 255 26
                                    

PASENSYA NA KUNG NGAYON LANG PO ANG UPDATE :)

***

August's Pov

Nagsisimula na rin ang klase. Tinawagan ako ni Aly na kailangan na raw nyang umuwi. Hindi ako pinapansin ni Arianne. Hindi ko alam kung bakit. Wala naman akong ginawa ah? =_______=

Nilapitan ko sya nung naabutan ko syang naglalakad. She just passed through me. Para akong multo. Parang hindi nya ko nakita o kung ano pa man. Ang bilis pa nyang maglakad. Ano bang problema nung babaeng yun?? >_____

Nung hinarangan ko din sya sa pinto nung papasok na sya. Tiningnan lang nya ko ng masama. Sobrang nanlilisik ang mata nya. Galit na galit. Tinutusok tusok ako nung bawat tingin nya sakin.

Hala. Ano ba talagang ginawa ko at nagalit si Arianne sakin?

Wala naman ahh..

Haaaaayy. Kakausapin ko nalang sya mamaya. Sana nga lang buhay pa ko pagkatapos nun. =________=

Arianne's Pov

Aaaaarrgggh! Naiinis ako ng sobra! Kasi naman eh. Ang hirap hirap magtapat tapos hindi din naman pala maririnig. Haaaays. Nababadtrip ako!!! Gusto kong manaket ng tao! Nagugutom na din tuloy ako. TT^TT

Hindi ko muna pinapansin si August. Galit ako sa kanya. Kase. Ano. Hindi nya narinig yung sinabi ko. Pati kahit na yung school bell naman talaga ang may kasalanan. Basta. Kasalanan nya rin yun kase bingi sya!

At saka. Nahihiya ako sa kanya. Kase malay mo narinig pala talaga nya. Dinedeny lang nya.

>/////

WAAAAAAAAHH! Mababaliw ako!!

FAST FORWARD

Uwian..

Nakaupo pa rin ako sa upuan ko. Hindi ko alam kung pano ako uuwi. Kase sabay kami di ba lage ni August. Hinahatid nya ko. Eh ngayon, pano na nya ko ihahatid eh nahihiya ako sa kanya. >_____

Siguro dito nalang ako matutulog. Waaaaah! Ayoko! Baka may mumu pa dito! TT^TT

Haaaayy. Hiniga ko yung ulo ko sa desk. Pano na to ngayon?? Kasi naman. Dapat hindi nalang talaga ako nagtapat! Ayan tuloy!

"Arianne.."

Inangat ko yung ulo ko para tingnan kung sino yung tao na tumawag sakin. Teka. Tao nga ba? WEEEEEE. Tinatakot ko sarili ko! TT^TT

"Oh.." sabi ko habang nakatingin sa.. *ehem* gwapong mukha ni DM..

*drools*

eeeww.. ano ba tong nangyayari sakin at pinagpapantasyahan ko tong si DM! >____

*shakes head*

May atraso pa nga pala sakin si DM. Pinaglaruan nya ko!! TT^TT

WEEEH! Haha. Pinaglaruan nya yung kamay ko!!

"Tara. ." sabi nya.

Hala. Tara daw. Teka. Niyaya nya ba kong...

MAGPAKASAL??

Naaaaah! Imposible. Nababaliw ka na! =_______=

Baka niyayaya nya kong makipagdate.

>/////

Yiieeee. Kilig naman ako dun! Ano ba! Hahaha. Wag ka nga! Yieee.. Awiiiee. Your so funny talaga!! ^_______^

"ano kasi eh..may gagawin pa ako.." pakipot kong sagot..

Teka. Parang lumalandi ata ako ngayon ahh? >______

"I mean. Sorry.. I cant go with you.."

Ok. Much better.

"Huh? Ok.. Una na kong umuwi sayo.. Magluluto na din ako ng kakainin natin.."

tumango nalang ako..

"ge bye! ingat ka ha! " sabi ko.

"oi..wag kang papagabi.. Ge uwi na ko.." at tuluyan ng umalis si DM. Tumingin muna sya sakin bago sya lumabas ng room.

Yiiee. Concern. Wag daw akong magpagabi.. >/////

"Arianne.."

may tumawag na naman sakin.

This time. Hindi na si DM. Si August na ang taong nasa harap ko ngayon.

Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Masasabi ko na talagang mahal ko tong si August. Ibang iba tong nararamdaman ko ngayon kesa kanina nung kaharap ko si DM.

Kinakabahan ako ngayon. Yung puso ko parang malalaglag na. Waaah! Ayoko na dito! TT^TT

Tumayo na ko sa upuan ko at kinuha na yung bag ko. Kailangan munang umiwas. Ewan ko. Di ko pa kayang makipagusap sa kanya. Nahihiya talaga ako. >/////

Maglalakad na sana ko kaso bigla nyang kinapitan yung kamay ko. May naramdaman naman ako na parang may nagspark. Hala. Si Volta ba tong si August?? O baka naman si Pikachu?? Weeee. Ang cute!! Pika pika!! Pikachu!! ^_______^

"Ano bang problema Arianne..?" tanong ni August. Kita sa mukha nya na malungkot sya.

Anong sasabihin ko?? Wala namang problema eh. Well, sa kanya wala. Pero sakin meron siguro.. Ewan ko. Bakit nga ba hindi ko sya pinapansin? Napakababaw naman ng dahilan kung nahihiya nga lang ako sa kanya!

"Wala.." sabi ko.. Wala naman talaga eh..

"Eh bat hindi mo ako pinapansin?"

nakatingin lang ako sa kanya.

kase mahal kita!!!!

AUGUST!

MAHAL NA MAHAL KITA!

KUHA MO????

"Uuwi na ko.." ang sabi ko sa kanya.

Naglakad na ko.. Wala na palang tao sa room. Medyo madilim narin pala. Kailangan ko ng umuwi.

Napatigil ako ng may maramdaman akong yumakap sakin from behind.

"Arianne.. I love you.. Please.. Wag mo naman akong iwasan. Kung ano man yang problema mo at hindi mo ko pinapansin sabihin mo naman sakin. "

Napakabilis ng tibok ng puso ko. Ganun din tong si August. Ramdam ko yung pagtibok ng puso nya mula sa likod ko. Ang bilis.. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko mabuka yung bibig ko. Wala naman pati akong sasabihin. Waaaah! Bakit ba kasi naging madrama tong si August! May payakap yakap pang nalalaman! Naspeechless tuloy ako!

***

vote/comment .XD

The Babysitter (updated.  41-A or D?)Where stories live. Discover now