Babysitter- 21

14.7K 299 15
                                    

Part 1

Malapit na ang monthly exam namin kaya wala masyadong umaattend na teacher. busy sa paggagawa ng exam. Okay lang na lumabas ng classroom. Kaya kaming mga kaklase ko ay parang mga nakawalang ibon. Nararamdaman na namin ngayon ang salitang freedom.

Nandito ako ngayon sa bench. Mag-isang nakaupo. Si DM wala. Si August wala. Si Jael wala din. Balita ko may nililigawan atang lalake. Oo. Sya daw ang nanliligaw. Ang adik talaga non! Kung magkagusto ay todo todo. Kulang nalang ay kidnapin na nya yung lalaki para lang sagutin siya. -__-

Actually. May kasama naman talaga ako dito kanina. Eh kaso yang bwisit na phone yan! Nang dahil dyan iniwan ako ni August. Si DM din. Haisst!

****Flashback

Lumapit ako kay August ng madatnan ko siyang nakaupo sa isang sulok ng room. Nagbabasa sya ng libro at tutok na tutok ang atensyon nya rito. Weee. Ang cute. Nakasalamin pa talaga sya. Ang sarap picturan.

"Tara labas tayo ang init dito sa loob eh.. Dali August!" ang pagyaya ko sa kanya ng makalapit ako sa kanyang pwesto.

Di ko na inintay na sumagot si August. Hinila ko na agad sya palabas. At habang hila hila ko naman siya ay para lang siyang tuod. Tuloy pa rin sya sa kanyang pagbabasa na tipong mayroon syang sariling mundo.

Umupo namjn kami ni August. Dala dala pa rin nya ung libro nya at nagbabasa. Nagrereview kasi sya. Hmp! Nagseselos ako sa libro. Buti pa yung libro tinitingnan ni August samantalang ako hinde. >_____

"Sa inyo ka na magreview, august.. "

"hindi pwede.." diretso pa rin sya sa pagbabasa. Ni hindi man lang lumingon sakin.

"hmp! Bakit naman?! Dali na! Sa inyo ka nalang magreview!" hinihigit ko yung libro nya. Hehe bad influence ba?

"tsk wag ka magulo.." mukang naiirita na sya kasi medyo tumaas na yung tono ng boses nya.

"dali na kasi.." pinaikot ikot ko yung daliri ko sa tenga nya. Hilig ko talagang gawin sa kanya yun. Simula nung naging magbestfriends kami. Pag may gusto akong hingin sa kanya, ayun, kukulitin ko lang yung tenga nya hanggang sa mairita na sya at pumayag sa gusto ko. Hahaha

"ano ba! Nakikiliti ako!" medyo namumula na yung mukha nya. Hindi mo maintindihan sa itsura nya kung natatawa sya o nagagalit. Okay. Tumatalab na. XD

"Eh kashi naman eh..tsaka ka na magreview." sumimangot ako.

Bakit ko nga ba sya pinipigilan magreview? Nyahaha. Wala ko magawa eh. Trip ko kulitin si August ngayon.

"Look.." sinara nya yung libro nya.. "Kung hindi ako magrereview ngayon baka bumagsak ako sa exam. Pag nangyari yun, hindi ako makakapagcollege. That means, hindi ako makakahanap ng magandang trabaho. Paano kita mabibigyan ng magandang buhay sa future kung hindi ako magsisikap?" seryosong seryoso sya habang nagsasalita..

Nakatulala lang ako habang nagsasalita sya.

Okay. Alam mo yung speechless? Hindi na ako makasalita at dinamdam nalang ang kilig na aking naramdaman. Isasarili ko nalang ito. Ayokong magpakita pa ng hint ng nararamdaman ko sa kanya.

Pero. Teka. Hindi c masyado namang advance mag-isip tong si August? Ni hindi pa nga kami future agad namin ang iniisip.

"e hindi pa nga tayo eh.. Kung ano ano na agad iniisip mo!" sabi ko.

"kaya nga.kelan mo ba ko sasagutin?" napansin ko na nakabukas na ulit yung libro nya. Nagbabasa ulit sya.

"Soon.."

..

..

..

..

=______=

..

..

OKAY! Deadma ako! Hmp! Talk to the hand Arianne! Talk to the hand!! Rawr! Kagatin kitang August ka e. -__- Oo. Sinabi ko nga na hndi ako magbibigay ng hint. Pero wala e. Parang medyo naexcite ako sa kung anong magiging reaksyon nya. Pero. Wala. Nganga. Ni hindi man lang lumingon. Ni kahit isang maliit na galaw ay wala man lang. Kahit hingahan ako, wala.

"hoy August.." niyuyugyog ko si August. Still deadma parin.

"ano nga yung sinabi mo?" tanong nya. See? Nakalimutan nya atang may kasama siya. Nakakainis. Hindi ko tuloy malaman kung narinig nya ba ako o hindi?!

"Wala! Walang ulitan sa binge! Hmp! " tumalikod ako sa kanya at humarap sa kabilang side.

"Ok.. Akala ko sabi mo soon eh.. " tapos tumawa sya.

Bigla akong humarap sa kanya at nagulat sa sinabi ni August. Narinig pala niya. Narinig pala niya. Kaso sa pagharap kong iyon ay natigilan ako. Kasi ilang inches nalang magkalapit na yung mukha namin. Nakatitig lang sya sakin. Napapalunok ako. Pulang pula na ata yung mukha ko. Waaah! Hindi ako makagalaw. Kase. Kase. Sobrang lapit ng mukha namin. At konting maling galaw ko lang ay baka may di magandang mangyari. or maybe not? >////

"so ibig sabihin mahal mo na ko?" bigla syang nagsalita.

Sa lapit ba naman ng mukha namin e amoy na amoy ko na yung hininga nya. Nasinghot ko na ata lahat. Okay sige na! SININGHOT KO TALAGA LAHAT!! Ang bango kaya! Try mo!! >/////

Nakakainis! Nakakainis! Bakit ako biglang nagkakaganito? Ang best friend ko! Pinagnanasaan ko lang naman ngayon habang kaharap ko siya! O gad! buti nalang at di nya naririnig lahat ng thoughts ko dahil sobrang nakakahiya yun.

"Arianne. Uy.."

Ano na? Teka! Ano daw sabi nya?? Hindi ko narinig dahil busy ako sa mga thoughts ko. >___

"Anong sabi mo?" nilayo ko ng konti yung mukha ko..

"ang sabi ko mahal mo na ko.." nilapit nya yung mukha nya.

"hindi ah.." lumayo ulit ako. Waah! Oh tukso layuan mo ako! Tukso means August! Tukso si August!

"Alam mo.." panimula nya.

"Hindi pa.." sagot ko. Baket talaga naman ah? Di pa naman nya sinasabi pano ko malalaman?

He rolled his eyes.

"Gusto kitang halikan.."

"ano?" nagulat naman ako dun sa sinabi nya at na out of balance ako. Malalaglag na ko sa pagkakaupo ko!! O gad. Nababasa nya ba ang laman ng isip ko?!!!

Pero bago mangyari yun, nailagay na agad ni August yung kamay niya sa likod ko. Sinalo nya agad ako kaya hindi ako nalaglag.

"Pero dont worry. Hindi kita nanakawan ng kiss ngayon" sabi nya pagkasalo sakin.

Awww. Bakit naman?? >_____

Magsasalita sana ako kaso bigla nya kong hinalikan. Joke! Haha. Nagsalita sya ulet.

"Pero pag naging tayo na. Walang sawa kitang hahalikan" binitawan na nya ko tapos nagbasa na ulet sya.

>/////

okay august!! Tayo na! Dali! Kiss me baby! Kiss me!! Joke. Joke lang!!

****

The Babysitter (updated.  41-A or D?)Where stories live. Discover now