Babysitter-1

102K 979 130
                                    

The Babysitter

sleeplessguy-dO_Ob

four letter word. Alam ng lahat. Walang pinipiling tao, edad at pagkakataon at ang sabi pa nila...

it is the most powerful thing in the world.

LOVE.

Minsan ko na rin itong naramdaman. At ang pagkakaalam ko, hindi sa iisang tao lamang.

_______________________

"AAAAAAAAHHHHHH!!! Arianne!!! Tawagin mo ang daddy mo!! Manganganak na ata ako!!" narinig kong sumisigaw si mommy sa loob ng kanyang kwarto.

Natataranta na ko. Wala si Daddy sa bahay. Pano na to?? Wala din ung kotse sa garage. Mukhang ako pa ata ang magdadala kay Mama sa hospital! San ba kasi pumunta si Daddy??

"AAAAHH! Di ko na kaya!!! Manganganak na talaga ako!!" sigaw ulit ni Mommy

"Teka lang Mommy! Tatawag lang ako ng taxi.."

Hindi na ako mapakali. Dali dali agad akong lumabas ng bahay. Muntikan pa kong madulas sa sobrang pagmamadali ko. Buti nalang talaga at muntikan lang.

5 mins.

10 mins.

15 mins.

Sa wakas may dumaan na ring taxi. Inakay ko si Mommy pasakay ng taxi. kitang kita ko sa mukha nya na masakit na talaga ang tiyan na at mukhang lalabas na nga si baby.

Pero. hindi kaya na-ccr lang siya?

Wahahaha. LOL

PERO. Seryoso. Lord please!! Sana naman makaabot pa kami sa hospital. Waahh! Kinakabahan ako!!! Pag kinakabahan pa naman nakararamdam ako ng sobrang kagutuman. Tsaka kumakain ako ng baby. wahaha

*******************************

Dumating na kami sa ospital. Inasikaso naman agad si Mommy ng mga tao dun. At ngayon, nasa delivery room na siya. Alam na din ni Daddy na manganganak na si Mommy at nandito narin sya sa hospital. Nasa loob din siya kasama si Mommy.

Ang tagal naman!! 3 oras na ata akong naghihintay dito pero di parin sila nalabas! Wah! Sana girl para masaya. Pero pwede rin naman sakin na boy para may baby brother ako. Haha. Parang akin ung baby eh. Basta. Kahit ano nalang siguro. Pero di naman siguro magiging bakla ang kapatid ko no. Naiimagine ko tuloy.

*Arianne's Imagination*

(lumabas na ang baby)

Doctor: congratulations. Bakla ang baby niyo!!

Mommy: wow! Bakla ang baby naten!!

Hmmm.. Pwede ba un? Bakla since birth? Hahaha. Parang ewan lang eh. Kung ano ano na naiisip ko. Kasi naman eh. Nakakabagot kaya. Kaninang kanina pa ko nagiintay. Di ba pwede na basta nalang hugutin ung baby sa tiyan ni Mommy? Ang tagal naman kasi eh!

The Babysitter (updated.  41-A or D?)Where stories live. Discover now