Chapter 1: Euro

22 8 1
                                    

Sa lahat po ng napadpad dito para basahin ang aking libro, ngayon palang po ay nagpapasalamat na po ako sa inyong lahaaat. Thank youuuuu so much my Chibels❤️

Sorry po kung may mga maling spelling, kulang na salita o wrong grammar. Pag pasensyahan niyo na po ako dahil hindi ho ako perpektong tao HEHEHEHEHHEHE. Ieedit ko nalang po sila soon.

Suportahan ninyo po sana ang aking kauna-unahang storya na ako mismo ang may gawa.

(SOME CONTENTS ARE BASED ON A TRUE STORY)

So, here's my Chapter 1. ENJOOOYYYY CHIBELS!!!


--------

Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa gymnasium ng mga kaklase ko para sa PE subject namin. Masyado pang maaga para matapos itong subject namin. May activity kami ngayon about sa badminton at hinihintay kong matapos yung unang pair para isa na ako sa mga susunod na maglalaro.

"Okay, very good Kino. Nakitaan ko yung liksi mo sa paglalaro haa! Magaling!" sabi ni Mrs. Cunanan ng matapos na sila maglaro.

"Thank you po mam" sagot naman ng kaibigan kong si Kino.

"Next pair naman tayo" sabi ni Mrs. Cunanan at tinignan ang hawak niyang list of names kung sino ang susunod na pares ang maglalaban. "Sa girls naman tayo" pagkasabi niya ay naghanda na ako dahil binigay pa nung isang araw ang pagkakasunod ng mga maglalaban kaya't alam ko na.

"Europe Arrietty Dominguez, it's your turn." at hindi nga ako nagkamali na ako iyon.

"I'm here po mam." tugon ko naman kay Mrs. Cunanan.

"Go, Euro!" pagchi-cheer sakin ni Kino. "Hawakan mo ng mahigpit yung raketa haa? Weak ka pa nman HAHAHAHA" pambubwisit niya sa akin.

"Yes, bakla. Ipupush natin tong hindot ka. HAHAHAHAHA." tawang tawa kong pagkasabi sakanya.

"Anak, please huwag mong masyadong biglain yung katawan mo ha? Kung pagod ka na sabihin mo lang sakin at ipapa stop ko yung game niyo." alam din ni mam na hindi ako pweding mapagod kaya't sinabihan niya ako agad.

"Okay po mam, I will. Salamat po." pagkasabi ko naman sa kanya ay agad niya din sinabihan ang kalaban ko na magdahan-dahan sa bawat pagtira niya.

Natapos na ang laro at siyempre talo ako HAHAHAHAHA magaling kasi yung kalaban ko ee. Hindi naman kasi pwedeng mag-adjust pa siya sa game namin ee nag-adjust na nga siya sa paggalaw niya dahil nga sakitin yung kalaban niya.

----

Ako si Europe Arrietty Edjan Dominguez. I'm a Gr. 8 student dito sa Tarlac National High School. Simpleng estudyante lang ako at may mga kaibigan din na masayang kasama. Sina Kino Lloyd Ochoa na kaklase ko na may pagka binabaeng puso at si Yuri Sunday Lapuz na sa ibang section, maganda, matangkad at matalino. Madalas ang lagi kong kasama ay si Kino dahil nga siya yung kaklase ko pero nagkikita-kita naman kami ni Yuri pag may vacant time o kaya nagkakataon na sabay yung lunch break namin.

Hindi kami mayaman ng pamilya ko at simple lang buhay namin. Hindi malaki ang bahay namin pero masaya kami dahil kompleto kami at walang nagkakasakit sa kanila pwera nalang ako. Anemic na ako simula palang nung bata ako. Mabilis akong mapagod dahil nga low blood o kulang ako sa iron. Laging sumasakit ang ulo ko at madalas akong nahihilo kung kaya't minsan hindi ko kinakaya at nahihimatay na lang ako bigla. Paborito ko ang gulay at lagi akong kumakain non pero hindi ko alam kung bakit ganun parin at walang improvement sa katawan ko. Kaya nga inaasar ako ni Kino na weak ee dahil nga isang pitik lang maglalaho na agad ako HAHAHAHAHA. Lagi akong pinapahiram ni Yuri ng mga damit niya tuwing may event sa school pero dahil nga payatot ako walang nagkakasya sa mga yun nagmumukha lang akong hanger hayyssh!

Reconnecting Hearts (On-going)Where stories live. Discover now