Chapter 2: Mall

15 8 1
                                    

"Ate, dalawang order nga po ng combo sisig and afritada with 10pesos rice." sabi ni Kino kay ateng nagtitinda. Nandito kami ngayon sa canteen at lunch break na namin. Kasama ko si Kino at pinasabay ko na yung order ko sakanya para isahan nalang. Nang makuha na namin yung mga order namin, umupo na kami sa may bakanteng upuan sa may ikalawang dulo.
"Hindi pa siguro tapos si Yuri sa klase nila. Sayang naman at hindi natin siya kasabay ulit." sabi ko kay Kino at inumpisahan ko ng kumain.

"Matatapos na kasi yung 4th grading kaya maging siya nagiging busy na din tulad natin." tugon niya sakin habang ngumunguya.

"Sabagay. Uy bakla! Pwede mo ba akong samahan sa linggo mag mall?" tanong ko sa kanya.

"Bakit? Amboring ata ng life mo. Maglilibre ka ba?" tanong niya at sumubo ulit.

"Nabasag kasi yung tempered glass ng cellphone ko ee. Bibili sana ako ng bago." sabi ko sa kanya habang kinukuha ko yung cellphone sa bag ko. "Heto baks, tignan mo." at pinakita ko sa kanya yung nagkanda basag-basag kong cellphone sa harap niya.

"Hala sis? Grabe naman pala yung pagka basag niyan. Naku! Mag pray ka na hindi din nabasag yung loob niyan mismo." pagtatanong niya na may halong pagka bigla pa dahil sa nakita niya.

"Uy huwag naman sana. Gumagana pa naman ee naaasiwa kasi ako pag nakikita yung basag niya." sabi ko sa kanya at nilagay ko ulit yung cellphone ko sa bag ko at tinuloy yung pagkain ko.

"Paano naman nabasag yan? Ikaw talaga napaka burara mong chaka ka!" panenermon niya sakin habang dinudutdot-dutdot yung tinidor sa leeg ko.

"Kaninang umaga palang nabasag to baks. Ewan ko ba kung sino yung lalaking yun." sabi ko at sumubo ulit. "Di man lang nag sorry at humarap ee siya nga itong nakabangga sakin." pagtutuloy ko pa.

"Gwapo ba?" tanong niya.

"Hindi ko nga nakita bakla diba? Ikaw talaga ang hilig mo sa ganyan ee pare-pareho lang naman kayong may lawit. HAHAHAHHAHA." sabi ko sa kanya at nagtawanan kaming dalawa. "Bilisan mo na diyan baka malate pa tayo sa next subject natin." dagdag ko pa kanya.

Nagpahinga kami saglit para matunaw sa tiyan namin yung kinain naming lunch. 1:00pm yung next subject namin kaya nag handa na kami para bumalik sa classroom namin. Dalawa lang yung subject namin ngayong biyernes.

---

Halos pointers to review lang yung mga pinag-aralan namin ngayon both subject dahil na din sa paghahanda namin sa 4th grading periodical test. Nung matapos na yung dalawang klase namin ni Kino, nilista ko na rin yung mga dapat kong tapusin na requirements dahil sigurado yun yung hahanapin ng mga teachers sa checking of clearance.

Hinihintay namin na mag alas kwatro dito sa bench at nakaupo dahil ito yung oras na magbubukas yung main gate ng school. Kasama namin yung iba naming kaklase at nagtatanungan ng mga sagot na posibleng lalabas sa periodical test namin.

Natanaw ko si Yuri na papalapit sa amin at tinawag ko siya. "Uy Yuri? Tapos na klase niyo?" tanong ko sa kanya.

"Oo, beshy. Grabe si sir Mallari magbigay ng quiz, parang nag periodical test na kami maghapon sa dami ng items na binigay niya huhuhuhu." pagsusumbong niya sa amin ni Kino.

"Buti nalang siya yung first subject namin kanina kaya nag-advance siya ng time. Sa inyo last subject siya hahahahaha kawawa ka naman sis." sabi ni Kino na tumatawa.

"Oo nga ee sa kakamadali kong pumasok kanina nabasag pa cellphone ko oh!" at pinakita ko yung cellphone ko kay Yuri.

"Bibili siya ng bagong tempered glass sa Mall ngayong linggo. Sama ka!" sabi ni Kino kay Yuri.

"Naku baks! Sa linggo ba? Mag-aattend ako sa church namin non ee." sagot ni Yuri kay Kino.

"Oo nga pala no? Sayang naman hindi ka makakasama. Linggo lang kasi yung free time natin ee. Sa sabado kasi magrereview na tayo para sa periodical test natin next week, isisingit ko lang yung konting oras sa linggo para makabili ng bagong tempered glass." sabi ko sa kanila.

"Oo ee gustuhin ko man sumama, hindi pwede. Alam mo naman na panata ko yun." tugon ni Yuri. Born again kasi yung relihiyon ni Yuri kaya naiiintindihan ko kung ganon yung tradisyon nila.

"Ayos lang yun besh. After ng test natin at magbabakasyon na, madami na tayong time oh diba!" pag cheer ko sa kanila.

4:00pm na nung nagbukas na sa wakas yung main gate. Sabay-sabay kaming tatlo na lumabas at kumain muna ng street food sa labas ng school.

Nang matapos na kami mag miryenda ay nagkanya-kanya na kaming way para umuwi.

---

Hinihintay ko na si Kino ngayon dito sa mall para magpasama. Malayo palang ay tanaw ko na siya kaya naman kumaway ako sa kanya kahit malayuan. "Hi, Kino! Dito na ako!" sambit ko kahit di niya ako dinig. Kumaway naman siya pabalik. Kitang-kita ko ang suot niyang pink polo at maong na pantalon na pinartneran naman niya ng white shoes sa pang ibaba.

Dahil nga mall ang pupuntahan namin, suot ko ay black na crop top na kita yung tiyan ko sa pang itaas dahil payat naman ako at pinatungan ko ng denim jacket habang sa pang-ilalim ko ay high waist short at black shoes naman sa paanan ko.

Habang kinakawayan ko si Kino ay may isang lalaking bumangga sa likuran ko. "Aray yung balikat ko jusko poo!" Hindi ko nakita yung mukha nung lalaki dahil naka cap at face mask na kulay itim siya. Nakita ko lang na may bitbit siyang maliit na paper bag at isang teddy bear na kulay pink na may red ribbon sa leeg. "Hoy! Bastos hindi ka ba magsosorry?" tanong ko sa kanya ngunit hindi niya ako hinarapan bagkus tuloy tuloy lang siya sa paglalakad niya na para bang nag mamadali.

Hahabulin ko na sana siya kaso nandito na si Kino sa harapan ko. "Euro, napano ka? Nakita ko yon aa masakit ba?" tanong niya sakin. Maging siya ay nakita din pala. "Ayos lang naman baks. Bakit ba hindi na marunong magsorry ang mga tao ngayon? Hayys!" inis na inis kong sabi.

Hindi na namin pa inalala yung lalaking nakabangga sa akin. Pumasok na kami sa mall at dumiretso na agad sa cyberzone para sa tempered glass ko.

Napalitan na yung basag kong tempered glass at pasalamat talaga ako dahil hindi basag yung loob nito dahil kung nagkataon ayy nakuuuuu talaga sisingilin ko yung lalaking bumangga sa akin sa school. Hmmp!

Reconnecting Hearts (On-going)Where stories live. Discover now