Chapter 6: Magandang Umaga, Euphoria

8 3 0
                                    


Inuunat-unat ko ang katawan ko paggising ko at sadyang napaka ganda nga naman ng umaga ko. Malamig dito sa lugar ni lola kaya naman nakasuot ako ng terno silk panjama na kulay violet. Tumayo ako para buksan ang bintana. Hayyyy napaka gandang pag masdan nga naman! Kaya gustong-gusto ko dito dahil sa view na nakikita ko at bonus pa ang mga kapitbahay na mababait.

Nakatayo lang ako sa bintana nang makita ko ang mama ni Levi na si Tita Jena na nagwawalis sa harap ng bahay nila. Close na close kami ni tita Jena dahil magkasama sila lagi ni lola at kung minsan ay pumupunta din siya dito para lang magkwentuhan sila. Kaya ayun napalapit din ako sa kanya.

Ilang segundo lang nang makita ko siya ay nagtagpo ang mga mata namin at kumaway naman si tita sa akin. Kumaway naman ako pabalik at sinenyasan ko siya ng 'wait lang po'.

Dali-dali akong bumaba para magtoothbrush at nagtimpla na din ako ng milo. Kumuha na din ako ng 50pesos sa wallet ko at nilagay ito sa bulsa ko sa may bandang dibdib baka sakaling may dumaan na magtataho HEHEHEHE.

Lumabas ako sa bahay at dala-dala ko ang dalawang tasa ng milo, ang isa ay para sa kanya. Nakita ko siyang patapos na sa pagwawalis. Lumapit ako sa kanya at umupo sa may bato pero may buhangin sa gitna tapos may nakatanim na gumamela.

"Good morning Tita! Mag milo muna tayo, oh." offer ko sa kanya.

"Salamat, Euro. Kailan pa kayo dumating?" tanong ni tita Jena sa akin na nakangiti.

"Ah kahapon po tita. Parang mas lalong dumami yung mga babies niyo." sambit ko sa kanya while pointing to her new plants.

"Nainip na kasi sa buhay kaya nag-alaga nalang ako ng halaman HAHAHAHAHA. At heto pa ang pinaka baby ko..."

Habang binoblow ko ang milo na hawak ko ay nakita kong may lumabas na puppy aspin sa gate nila. Nabigla at nasiyahan naman ako sa nakita ko dahil lumapit siya sa akin.

"Wow tita! Kanino to? Anong pangalan niya? Ang cute mo naman!" sabi ko kay tita habang hinahaplos ko ang belly ng aso nila

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Wow tita! Kanino to? Anong pangalan niya? Ang cute mo naman!" sabi ko kay tita habang hinahaplos ko ang belly ng aso nila. " Oh dito ka lang huwag kang lalayo." sabi ko kay botchog HAHAHAHAHAH nakakagiliw siya dahil napaka kulit niya at umikot-ikot pa sa paanan ko!

"Botchog ang pangalan niya dahil naku napaka takaw HAHAHAHA!" tawang-tawa na sabi ni tita Jena sa akin.

Giliw na giliw ako kay botchog dahil nga naman nakakatuwa siya. 

"Nandito ka pala ate Euro." hindi ko napansin na lumabas pala ng gate si Levi. Nasobrahan ata ang paglalaro ko kay Botchog HAHAHAHAHA! Mukhang magba-basketball ata siya dahil may dala siyang bola.

"Oo, anak. Gustong-gusto niya ang aso mo. Tignan mo si Botchog HAHAHAHA." si tita Jena na tuwang-tuwa habang tinitignan kami ng aso nila.

Biglang nanlaki ang mga mata ko. "Sayo pala to, Levi?" tanong ko sa kanya dahil hindi ko akalain na ang tahimik na si Levi nag-aalaga na ng aso.

Reconnecting Hearts (On-going)Where stories live. Discover now