Chapter 5: Yuri's Reason

4 3 0
                                    

Yayyyy!! It's vacation time! Heto na nga marahil ang matagal ko ng hinihiling. Lahat ng requirements na ipinasa ko sa checking of clearance are approved and all of my 4th grading periodical test are passed. Masasabi ko na makakapag relax na ang isip ko and no need to meditate. Charr. 

Mapaparami na din ang oras ko sa pagbabasa ng wattpad. Actually may binabasa akong libro ngayon ee yung Reconnecting Hearts, super ganda niya pero hindi ko kayo ii-spoil guys. Basahin niyo nalang at your own risk mga dzaiiii HEHEHEHEHE

Tahimik lang akong nagbabasa ng wattpad habang naghahanda naman ang kapatid kong si Euphoria para sa pagbisita namin kay Lola Fely sa San Jose. Malapit lang naman yun ee siguro mga sampung barangay lang ang layo niya sa amin. Tuwing bakasyon ay talagang pinupuntahan namin siya dahil para sa akin, si lola ang pahinga ko. I can't wait to see her and spoil us again.

"Ate, makikita ko na naman ang crush ko HIHIHI. Excited na ako bukas!" sabi ni Eufo na kinikilig pang sinasabi niya sa akin. Nakalagay ang dalawang palad niya sa mukha niya habang nakatingin lang sa kawalan. 

"Naku naku. Baka hindi ka na makatulog sa kakaisip mo kay Levi ha?" sabi ko naman while I'm still reading watty.

"Uy ate!" pagtawag niya sa akin kaya naman napatingin na ako sa kanya. "Pag nakita mo siyang nasa labas, please! Sabihin mo lang ang name ko kakaripas agad ako ng takbo HAHAHAHA." sabi niya sa akin as she pleased at biglang namang tumawa. Napakunot naman ang noo ko. Nababaliw na ba tong kapatid ko? Seryoso para lang kay Levi? 

"Tay! Si Eufo may jowa naaaa!" pagsigaw ko. Bigla namang nanlaki ang mga mata niya at sabing..

"Hindi tay. Crush lang po ng beri beri layt. HIHIHI." sabi niya at tinakpan ang kanyang bibig pagkatapos sabihin ang mga katagang iyan.

Napailing nalang ako sa mga pinaggagawa ng kapatid kong ito. Parang mas gusto ko nalang siya na makitang lumalamon kesa sa pumapag-ibig. Ayy naku naman.

Lumabas na kami sa kwarto at hininto muna ang mga ginagawa namin dahil tinawag na kami ni mama para kumain na ng hapunan. Habang naghahanda si mama para sa kakainin namin ay tinulungan ko naman siya sa paglalagay ng mga plato sa mesa.

"Huwag mong kakalimutan yung gamot mo Euro ha? Nilagay mo na ba sa bag mo?" pagtanong sa akin ni mama at patuloy sa pagsandok niya sa ulam naming sinigang. Ang paborito ko.

"Opo, ma. Naka ready na din po lahat ng gamit ko." sabi ko at umupo na para kumain.

Sumunod na din umupo sina tatay at Eufo para kumain. Habang kumakain ay nagku-kwentuhan lang kami kung anong balak namin gawin kina lola Fely.

"Ah basta ako, gusto kong makita si Levi! Ma! Tay! HUHUHUHU." sabi niya na parang nagdadabog pa. Halatang miss na miss na ang crush niya.

Nagtatawanan naman sila habang sinasabi ni Eufo ang mga iyon. Alam naman nila mama at tatay ang tungkol sa pagkahanga ni Eufo kay Levi simula pa nung mga bata pa sila. Sa una ay inaasar lang non ni tatay si Levi kay Eufo bwisit na bwisit pa nga siya non ee hanggang sa hindi nagtagal ay nagustuhan na nga ni Eufo si Levi.

"Bast ako, matutulog lang. Tagal kong hinintay to para makapag pahinga no." sabat ko habang may kanin pa sa bibig.

"Wala naman bago dun ate ee." sagot naman ni Eufo.

Nang matapos na kaming kumain ay uminom na ako ng gamot ko. Nilagay ko na agad ito sa bag para hindi ko siya makalimutan bukas sa pag-alis namin.

--

Mamayang alas singko palang ang alis namin ni Eufo kaya pinapunta ko muna si Kino dito sa bahay para… wala lang, siguro para lumamon lang. Wala kasi si Yuri kaya hindi siya makakapunta sa amin, nag-out of town sila ng family niya. Sana all lang diba? Alas otso palang ay nandito na si bakla at siya pa nga ang gumising sa akin. I texted him last night na magdala siya ng pizza at donuts babayaran ko nalang pagdating niya sa amin. 

Reconnecting Hearts (On-going)Where stories live. Discover now