Chapter 7: Nappy and Hoodie

5 2 0
                                    

1 month and 15 days past.

Mabilis na lumipas ang mga araw at bukas ay uuwi na kami pabalik sa Concepcion dahil nga magpapasukan na ulit at kailangan na naming mag-enroll ni Eufo. Bago kami bumalik ay ipapasyal daw muna kami ni Lola Fely sa isang restaurant na malapit lang din sa amin, kumbaga ay madadaanan namin ang Concepcion.

Nakabihis na ako ngayon at hinihintay ko sala sina Lola at Eufo na hindi pa tapos sa pagpapaganda, while I'm with Tita Becca. Simple lang nman din ang suot ko ngayon at sinabihan ko si Eufo na mag tennis skirt kami pareho dahil ako po'y mahilig sa couplings thingy HEHEHE kaya gusto ko ganon din ang isuot niya. Pinili niyang isuot ang kulay pink na skirt at saakin naman ay kulay white.

Nang sa wakas ay makalabas na siya ay inaya ko muna siyang magselfie.

"Tita Becca papicture naman po kami ni Eufo." request ko kay tita at inabot sa kanya ang cellphone ko.

"Oh, saan yung pipindutin ko dito?" tanong niya saakin habang nanliliit ang mga mata niya at titig sa cellphone ko.

"Heto po tita, itong gitna" tinuro ko naman sa kanya ang click button ng camera ko.

At naghanda na kami.

"Osya! 1,2,3!"


CLICK!!!

"Thank you po tita

К сожалению, это изображение не соответствует нашим правилам. Чтобы продолжить публикацию, пожалуйста, удалите изображение или загрузите другое.

"Thank you po tita." sabi ko kay Tita Becca.

"Oh ayan na pala si Mama! Ma, tara na." si tita nang makita si Lola na tapos na magbihis. "Naku! Magsasara na yung pupuntahan natin ee ngayon ka palang matatapos." dagdag niya at nagtawanan naman kami. 

Sinimulan na naming lumabas at sakto naman din ang paglabas ng van nina Tita Jena. Kasama namin siya ngayon dahil marunong siyang magmaneho kaya naman inaya din siya ni lola at ayos lang naman daw kay tita yon. What are friends for? Lagi naman daw silang lumalabas para mamasyal kaya hindi na bago ang ngayon. Ang cool lang ni Tita Jena ee, alam mo yung wala sa hitsura niya na 60 na siya? Parang ang bagets pa din!

Nang makasakay na ako ay nakita ko naman itong kapatid kong aligaga na para bang may hinahanap at parang alam ko na kung ano iyon! I mean, sino pala.

Hmmm. Nanliit naman ang mga mata ko habang tinitignan siya. Lumapit ako kay Tita Jena at binulungan ko ito. "Tita? Sasama din po ba si Levi?" 

"Ah, oo. Nagsasapatos na nga siya ee. Bat ba napaka tagal ng batang yun?" sagot naman ni Tita sa akin.

Nang makita kong palabas na si Levi ay lumabas ulit ako sa sasakyan at iniwan si Eufo. Sinalubong ko naman siya at pinaunahan na pumasok para magkatabi sila ni Eufo. Agik. Kilig tong babaeng to for sure! 

Nakaupo na siya at katabi si Eufo ngayon. Bale ang pwesto namin ngayon ay Tita Jena, nagda-drive, Lola sa passenger seat, tapos sa likod naman ay Tita Becca, Eufo, Levi at ako. Tinutulak-tulak ko ng konti itong si Levi para makalapit pa kay Eufo. Naku! Bawing-bawi itong babaitang ito aa.

Reconnecting Hearts (On-going)Место, где живут истории. Откройте их для себя