Chapter 3: Pink Teddy Bear

14 6 1
                                    

Lunes na naman at dumating na ang 4th grading periodical test. Hayyy! Medyo haggardo versosa ako simula kahapon dahil pagkauwi namin ni Kino galing mall ay agad ko namang ginawa yung mga requirements para sa checking of clearance. 

"Ang mahuli kong nangongopya ay awtomatikong zero score" sabi ni Mr. Mallari saamin. "Kuha ba class?" pagtatanong niya. Magti-take na kami ng unang pagsusulit namin ngayon. Hiwa-hiwalay din ang mga upuan para walang cheating na maganap. Karamihan naman sa mga kaklase ko ay matatalino at lahat naman panigurado ay nakapag review.

"Yes, sir" sagot naming lahat.

50 items ang nasa papel at nasa identification part na ako. Medyo nahihirapan ako sa mga questions kaya kahit nakapagreview ako kagabi medyo dasal dasal muna ngayon. 

Nang lumipas ang isa at kalahating oras ay pinasa ko na yung test paper ko kay sir at lahat ng natatapos ay pinapalabas sa room para walang cheating na maganap.

Sumunod naman na lumabas si Kino.

"Hayy salamat at natapos din." pamamalita niya saakin. "Hindi naman ako gaanong nahirapan dun aa." dagdag pa niya.

"Ganun ba bakla? Buti kapa." sabi ko sa kanya. "Ako nga nahirapan sa identification dahil nakalimutan ko yung ibang spelling hayys." sabi ko ulit sakanya na may halong pandadabog pa ng mga paa ko.

Biglang kumunot ang kilay niya pagka sabi ko sa kanya about sa identification. "Haa? Diba multiple choice naman lahat?" tanong niya.

"Sira! May identification pa sa likod!" sabi ko at bigla siyang nagpanic.

"Bes! Hala! Hindi ko nasagutan yung part na yon!" inis na sabi niya. "Pwede pa kayang humabol?" tanong niya sa akin ngunit ako man din ay walang kasiguraduhan kung papayagan ba siya ni sir Mallari. Siya na ata marahil yung pinaka terror na teacher dito sa school.

"Hindi pa naman tapos yung iba nating kaklase ee. Bat di mo pasukan?" tanong ko sa kanya.

"Wait. Ano yon baks? Parang ang laswa ata ng napakinggan ko. Ano ulit yon?" sabi niya habang tinututok yung tenga niya sakin. "Kino naman HAHAHAHAH!" pagtawa ko sa kanya. "Ala nganin na nga yung buhay mo ngayon nakuha mo pa magbiro." natatawang sabi ko sa kanya.

Hindi na nga siya nagsayang pa ng oras at pumasok ulit siya sa classroom at pasalamat talaga siya kay Lord dahil pinayagan ulit siya magtake ng test sa terror teacher namin. 

Habang hinihintay ko siya matapos ay nakipag kwentuhan muna ako sa mga kaklase ko na katulad ko ay nakaraos din. Nakita ko naman si Yuri na napadaan sa harap ng classroom namin dahil lilipat sila sa ibang classroom para doon naman mag take ng test sa iba pang subject nila.

Nakita ko na may yakap-yakap siyang teddy bear na kulay pink at may red ribbon sa leeg. Nag "hi" lang kami sa isa't isa dahil hindi ito yung oras para sa chikahan. 

"Saan galing yung teddy bear?" tanong ko sa sarili ko habang nanliliit naman ang mga mata ko dala ng kuryosidad.

Pilit kong iniisip kung saan nanggaling yun dahil napaka familiar niya at sigurado akong nakita ko na yun somewhere.

Hindi kasi ako mahilig tumingin ng teddy bears sa mall dahil wala akong hilig sa mga ganon.. pero…….. tama! Parang nakita ko yun na bitbit ng isang lalaking nakabangga sa akin kahapon sa mall!

---

Lunch break na namin ngayon at kasama ko na si Yuri dahil pareho yung schedule namin sa periodical test. Kitang-kita ko yung teddy bear na yakap niya kanina dahil nasa tabi niya ito ngayon.

"Ahhmm. Yuri? Saan galing yung teddy bear mo?" tanong ko sa kanya.

"ah heto ba? Bigay sa akin ng manliligaw ko. Oo nga pala! Nakalimutan kong ikwento yung about sa kanya." sabi niya sa akin at sinimulan na niyang kumain.

"Sino ba yon? Kilala ba namin?" tanong ni Kino at tinuloy ang pagkain niya.

"Siguro? Actually kaklase ko siya ee. Ewan ko kung kilala niyo siya or nakikita, layo kasi ng classroom ko sa inyo ee." sabi niya at uminom ng tubig.

"Mabait ba?" tanong ulit ni Kino.

"Oo, mabait naman. Ang tahimik niya nga ee pero sa umpisa lang yun, ngayon na medyo nakakasama ko siya, nagjojoke naman siya kahit minsan medyo corni HAHAHAHAHA." pagtawa ni Yuri at ako naman ay nakikinig lang sakanila. "Pero ang gwapo niya." yung tawa niya ay biglang napunta sa ngiti na para bang pinapantasyahan niya ito. "Isearch niyo nalang siya sa FB." dagdag pa niya.

"Sige ba, anong name niya sa FB?" tanong ni Kino at hinanda ang kanyang cellphone.

"Manuel Angelo Santiago talaga yung name niya pero isearch mo yung Gelo Santiago. Siya yun baks ganun kasi ginagamit niyang name sa FB." sagot ni Yuri.

Nakita niya ang taong hinahanap niya sa social media ngunit binitawan ni Kino ang cellphone niya at bumalik sa pagkain.

"Oh napano baks?" tanong ko sa kanya at dahil gusto kong makita kung ano ang resulta ng paghahanap niya, tinignan ko yung cellphone niya. Hindi niya ito ma-istalk dahil naka locked yung profile niya. (Hindi mo ma-iistalk unless inadd mo siya at inaccept ka niya. Lahat hindi mo makikita about dun sa person na sinearch mo) Hindi ko rin talaga siya mamukhaan dahil yung profile picture niya ay naka face mask siya.

"Sayang naman. Naiwan ko kasi yung cellphone ko kanina sa pagmamadali." pag-explain niya samin. "Hindi din kasi siya madalas dito sa canteen nagla-lunch ee doon sa kabilang building pa sila kumakain. Isasama ko nalang kayo pag nagyaya siya ulit guys, okay?" naka ngiting sabi niya sa amin ni Kino.

"Okay sige pero parang nakita ko kasi yan kahapon sa mall." sabi ko kay Yuri habang tinuturo yung teddy bear na katabi niya. "Bitbit ng isang lalaki na medyo matangkad. Hindi ko napansin ang mukha niya kasi naka face mask siya at naka cap chaka parang nagmamadali siya ee." sabi ko kay Yuri.

"Baka siya nga yon kasi kahapon guys, alam nyo? Sinamahan niya pa ako sa church namin. Buti nga umabot sa time ee" sabi niya sa amin. "Doon na niya binigay itong teddy bear, sweet diba!" sabi niya na may halong kilig.

So, kung totoong siya nga yun wala siyang manners at aaminin ko, ngayon palang ligwak na siya sa akin hmmp. Kay Yuri lang siya mabait? Ni hindi nga marunong mag sorry. NAKAKATAWA.

"Ayy sana all. Gusto ko din maranasan yan bakla huhuhuhu." sabi naman ni Kino kay Yuri at kinikilig silang pareho.

"Tss" sabi ko at napa-smirked nalang.

Manuel Angelo Santiago pala haa?

Reconnecting Hearts (On-going)Where stories live. Discover now