International Airport
Manila, PhilippinesAfter 4 years nakabalik na rin ako sa sarili kong bayan. Nakakalungkot na makalipas ang ilang taon wala man lang sasalubong
sakin sa pag-uwi ko. Paano ba naman alangan namang papuntahin ko pa dito sina Mama at Papa alam ko namang
busy sila sa business sa Cebu. Magi-istay na lang muna ako sa Manila at saka na ako uuwi sa Cebu.
Haaaay. Pakiramdam ko dayuhan ulit ako sa sarili kong bayan.
"YENI" napalingon ako sa tumawag sakin
"Oh. My. Gosh. Cindy... KYAAAAHHH... CINDY" agad kong sinalubong ng yakap si Cindy
Grabe hindi ko expected na sasalubungin nya ako. Wala naman kasi akong sinasabi sakanya.
"Cindy bakit nandito ka? Paano mo nalaman na uuwi ako ngayon?" tanong ko sakanya habang hindi ko na mapigilan ang mapaiyak
"Siraulo ka kasi. Bakit hindi mo man lang pinaalam na uuwi ka pala?"
"Bakit naman kelangan ko pa iaanounce hindi naman ako VIP. Hahaha"
"Walanghiya ka, apat na taon ka hindi umuwi tapos pati ba naman paguwi mo ililihim mo pa. Ikaw na ang sikat" pagbibiro nito
"Sorry na, bestfriend. Namiss kita" at para kaming siraulo dun na nagyakap
Pagkalabas namin ng airport dinala nya ako sa paborito naming kainan nung mga estudyante palang kami.
"So ano na plano mo ngayon?" tanong sakin ni Cindy.
"Hindi ko pa rin alam eh"
Pinayagan ako ni Cindy tumuloy muna sa apartment nya. Sya lang naman daw mag-isa. I guess marami
na nagbago sa maikling panahon na nawala ako,.
Nagtatrabaho si Cindy sa isang publishing company. Tulad ko hindi pa rin sya kinakasal pero pinaplano na nya.
Wala na akong balita sa iba. Kamusta na kaya sila. Si Ian? Ano na kayang buhay nya ngayon? Nakalimutan na kaya nya
ako? Marami sana akong gustong itanong kay Cindy pero sa ngayon gusto ko muna magpahinga.
Kinabukasan, niyaya ako ni Cindy na lumabas kailangan ko daw sya ilibre. Nagbihis lang ako ng isang pair ng faded jeans at
isang white v-neck na shirt. Pinapunta ako ni Cindy sa isang bar malapit sa apartment nya, nag-aalala sya baka daw maligaw ako
since manggagaling pa sya sa trabaho.
15 mins ride lang halos mula sa apartment ni Cindy, sa loob na lang kami magtatagpo. Medyo nagpahuli ako dahil ayoko
namang maghintay mag-isa.
Pagdating ko sa bar wala pa rin si Cindy. Agad ko syang tinext.
[Huy, asan ka na Cindy? Andito na ko sa bar]
.
Makalipas ang ilang minuto nagreply din sya.
[Malapit na ko mga, 20 mins na lang. Mag-enjoy ka na lang muna dyan]
What? 20 mins pa bago sya makarating dito. Sobra namang late nya. Medyo marami na rin tao dito
sa bar palibhasa Friday. Haaaay. Dumiretso na lang ako sa may counter bar at umorder ng isang margarita.
Maghihintay pa ako ng matagal kay Cindy, hindi ako dapat uminom ng marami. Ocassionally kinakausap-kausap naman
ako ng cute na bartender. Cute sya kaya ready ako makipagbiruan at kahit papano may sense of humor syang kausap.
![](https://img.wattpad.com/cover/4806730-288-k288477.jpg)
BINABASA MO ANG
The Casanova Jerk is a Daddy!? (Completed)
RomanceShe doesn't particularly like him. She promised never to fall for that same type of guy. Just like any other human, she easily judged him the way he lives his life as the most notorious playboy in campus. . He's a player, never took any serious rel...