Chapter 32: Her decision

8K 143 3
                                    


"Maayos naman ang lagay nya, pero iwasan na lang natin na biglain sya at mastress." Sabi ng doktor na kausap ni Kuya.

Dinala namin sa hospital si Mama matapos syang mahimatay. Naiinis ako kay Ian at kay Kuya, kasalanan nila tong lahat. Alam naman ni Kuya mahina ang puso ni Mama. But at some point I feel guilty too. Kung hindi naman dahil sa matigas ang ulo ko hindi naman magkakagulo ng ganito. The blame should be put on me as well.

Sabi ng doctor, maayos naman ang lagay ni Mama pero bakit kaya hindi pa rin sya gumigising? Lumapit ako sa may kama nya. Hinawakan ang mga kamay nya.

"Ma, namiss kita. Sorry po kung matigas ang ulo ko at palaging hindi sumusunod sa inyo." Unti-unti nang tumulo ang luha ko.

When i didn't notice that my mom is getting white hairs and wrinkles? Hindi na ko bata para alagaan nya pero ano bang ginagawa ko kundi pasamain ang loob nya.

I admit I was never a good child.

"Ma, im sorry... I just so love Ian that I could stop listening to everyone. Alam ko namang hindi biro yung papasukin namin. "

Mahal ko si Ian pero siguro naman maiintindihan nya kung ano man ang magiging desisyon ko dahil mahal nya rin ako.

Hindi kaya ng konsensya ko may mangyaring masama sa pamilya ko dahil sakin. Mahal ko si Ian pero mahal ko rin ang pamilya ko.

"Promise ma, simula ngayon susundin na kita, kung ano man ang ikasisiya mo at ni Papa gagawin ko. Pero sana matanggap nyo rin na si Ian ang mahal ko."

Naramdaman kong unti-unting humigpit ang kapit ng kamay ni mama sa kamay ko. Pagtingin ko sakanya, nakamulat na ang mga mata nya at nagniningning sa luha ang mga mata.

"Ma.....sorry.."

"Anak....."

"Hindi naman po talaga ako buntis eh, hindi ko alam kung bakit sinabi yun ni Ian. Wala naman pong nangyari samin."

"Alam ko..... naiintindihan ko, Mama mo ko, naniniwala ako sayo." Napanatag ang loob ko sa sinabi nya.

"Kung ganun bakit po nawalan kayo ng malay kanina.?" Nagtataka kong tanong.

Tumingin sya sakin na parang nag-iisip. Saka ngumiti.

"Tingin ko anak, ako yata ang buntis. Hahahaha"

"Ma! Naman!!"

Lalong lumakas ang tawa nya ng makita ang hindi ko maipintang reaksyon. Hindi ko talaga maimagine ang sinasabi ni Mama. Grabe talaga syang mag-isip.

"Hahaha. Bakit? Ayaw mo bang magkaroon ng little sister or brother.?"

"Ma! Naiisip mo pa ang mga ganyang bagay?!"

"Why not? Active pa naman ang sexlife namin ng Papa mo!? Hahahaha" lalo pa syang tumawa ng malakas

"Wala akong naririnig, hindi kita naririnig Ma!" Sabay takip ng dalawang tenga ko.

Nang mapansin ko na tumahimik n sya, saka ko inalis ang takip ng tenga ko at tumingin sakanya. Hinawakan nya ang kamay ko ng mahigpit.

"Namiss kita anak."

Dahil sa kagustuhan kong maging independent, lumayo ako sa pamilya ko. Kelan ba nung huli ko silang binista? Hindi ko na matandaan. Bihira rin ako kung tumawag sakanila. Hindi ko man lang naisip si Mama at Papa. Tumatanda na rin sila.

Ako na nga lang naiwan sakanila dahil kinailangan ni Kuya magtrabaho sa ibang bansa pero ano, mas pinili ko pang iwan sila. Ngayon ko lang narealized kung gaano ako kaselfish.

The Casanova Jerk is a Daddy!? (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon