Chapter 4: Replacement?

15.7K 318 9
                                    

Nagulat ako ng isinakay nya ako sa kotse nya. Wa..wa..wait!!! Iniiwasan ko nga pala sya at sigurado ako na kapag nalaman na naman to ng mga baliw nyang fans. Kawawa na naman ako. Haaaay!! pagod na pagod na ako!



"Yeni...are you avoiding me?"



Gusto kong mapasigaw sa inis. Di pa ba obvious? Mamatay matay na nga ako pagtatago sakanya at sa mga baliw nyang fans. Sinabi ko na nga sakanyang wag syang lumapit. Di makaintindi? Tsk!



Pero baka nga natatakot sya na ipagkalat ko yung sikreto nya kaya hindi nya ako tinitigilan. Wala na rin sigurong epekto kung magpanggap akong hindi ko sya kilala dahil di rin naman sya nakikinig sakin.



"PLEASE PAKIUSAP, PARANG AWA MO NA! WALA NAMAN AKONG BALAK IPAGKALAT YUNG NALAMAN KO! WAG MO NA AKONG SUNDAN! WAG MO NA AKONG IPASALVAGE SA MGA FANS MO!! GUSTO KO LANG NG TAHIMIK NA BUHAY PLEASE NAMAN!!!" pakiusap ko sakanya habang magkadaop ang mga palad na akala mo nagdadasal.



Kung kaya ko nga lang lumuhod dito sa harap nya gagawin ko pa, kaso imposible nasa loob ako ng sasakyan nya. Gustong-gusto ko na talagang lumayo sa taong ito, nagkanda malas malas ako simula ng makilala ko sya.



"Yun ba ang dahilan kaya ka umiiwas? I'm sorry hindi ko alam na nahaharrass ka pala ng dahil sakin. Sorry"



Why does he sound so concern?



"Kung gusto mo pagsasabihan ko sila na tigilan ka na, Sorry ng dahil pala sa paglapit ko sayo, hindi ko alam na nahihirapan ka na. Promise sasabihan ko sila na tigilan ka na"



Dapat kung concern sya dapat ang sabihin nya ay iiwasan na nya ako. Bakit parang wala syang balak layuan ako? If he told them to stay away from me, it's like adding fuel to the fire. Lalo lang magkakandagulo-gulo ang buhay ko. Iisipin nilang nagsumbong ako sakanya. Lalo lang nila akong pag-iinitan.



"Teka!! wag mo na silang pagsabihan. Baka lalo lang silang magalit sakin. Layuan mo na lang ako pwede? Wag mo na akong habulin. Kung tungkol lang naman sa baby mo, promise talaga wala akong pagsasabihan. Hindi ko sisirain ang kasikatan mo. Hindi ako magsasalita. Kakalimutan kong may alam ako, cross my heart! Sige na...PLEASE LANG LUBAYAN MO NA AKO!!" talagang hindi ko na napigilang mapasigaw.



"Teka, teka..hindi naman dahil dun kaya kita hinahabol eh..I just wanted to talk to you kaya lang lagi mo akong tinatakbuhan. 

Nagtaka ako at parang hindi pa magprocess sa utak ko ang sinabi nya. May point naman sya hindi ko sya binigyan ng pagkakataon na makausap ako o alamin man lang ang dahilan ng pagsunod nya sakin.



"Eh, tungkol ba saan?"



"Can you just come with me?"



Pagod na rin ako katatago at kakaiwas, kung gusto lang naman nya akong makausap pagbibigyan ko na sya. Matapos lang ito. Kaya naman tumango na lang ako. Sinimulan na nyang patakbuhin ang kanyang kotse.



"Ibang-iba ang hitsura mo kumpara ng makita kita ng gabing yun." sabi nya habang nagdadrive.



"Disguise ito, para iwas attention pero I guess it's no use now since wanted na ako sa mga supporters mo!" sagot ko habang inaayos ang nagulo kong buhok at salamin kong nanlalabo na.



"I'm sorry" he smiled apologetically.



Lalo naman ako nainis dahil naalala ko na sya ang dahilan ng paghihirap ko nitong mga huling araw. Hindi ko malapitan kahit si Cindy at hindi ako magkaroon ng pagkakataon para maistalk si Kevin. 



The Casanova Jerk is a Daddy!? (Completed) Where stories live. Discover now