Chapter 15: Bubbles

11K 225 0
                                    


"NATE WAAAAG!!"

Narinig ko rin ang malakas na iyak ni Nate. Parang tumigil ang puso ko sa pagtibok. Halos talunin ko na yung sofa sa pagtakbo papunta sa c.r.


"Ian!! Anong nangyari?!!" panay ang katok ko sa pinto pero walang sumasagot.


Mabilis kong kinuha ang spare key ng c.r. para buksan ang pintuan. Nang mabuksan ko ang pintuan napatakip ako sa bibig ko.


"Oh my God! Anong nangyari dito?"


Nadatnan ko na nakahiga patihaya si Ian habang nasa ibabaw nya si Nate na patuloy pa rin sa pag-iyak. Mukhang nasira ang divider na naghaharang sa may bath tub at shower room. Siguro yun yung narinig kong bumagsak kanina. 


Tiningnan ko ang kalagayan ni Ian na nakahiga parin sa tiled floor. Agad kong kinuha si Nate na nasa ibabaw nya. Dahan-dahan namang bumangon si Ian.


"Nate..baby, okay ka lang?" tanong ko sa bata habang niyayakap.


"Ano bang nangyari dito!? Nasaktan ba sya? Shhh...Babyyy"


"Kasi si Nate, naghuhubad pa lang ako tapos nakita ko syang sumalta sa may bath tub at balak yatang magdive. Buti naabutan ko kaso nadulas naman ako at napakapit sa divider kaya nasira" paliwang nya.


Unti-unti ng tumahan si Nate mukhang hindi naman sya nasaktan at nabigla lang siguro sa nangyari. I let out a sigh of relief. Akala ko talaga kung ano na ang nangyari kay Nate. Natakot talaga ko.


"Haay! Akala ko kung ano na nangyari kay Nate. Kinabahan ako dun. Buti hindi sya nasaktan" sabi ko habang nakahawak sa dibdib.


"Kay Nate nag-alala ka pero sakin hindi" sabi ni Ian na may himig pagtatampo.


Saka ako napatingin sakanya. Feeling ko nanlaki ang ulo ko ng makita ko sya. Sa sobrang pagkataranta ko kasi kanina wala na akong ibang naisip kundi ang  pasukin sila ditto. He's damn naked. Nakasuot lang sya ng brief  at kitang kita ang malapandesal nyang abs. I know this isn't the first time. Nakita ko na nga syang hubad dati eh.

Napalunok ako ng ng tatlong beses. Nagkakasala ang mga mata ko dahil sakanya. Napansin yata nya ang pagpapantasya ko sa katawan nya dahil nakita kosyang nakangisi sakin. Iniiwas ko na lang ang tingin ko sakanya at nilapitan si Nate.


"A..ako na lang magpapaligo kay Nate" sabi ko na wala sa sarili.


Ramdam kong tinitingnan nya ako dahil parang nakukuryente ang likod ko. Narinig ko ang paglock ng pinto at agad akong napalingon sakanya.


"What are you doing?!" ninenerbyos kong sabi.


Hindi nya ako pinansin at tuloy-tuloy syang lumubog sa bath tub. Malaki ang size ng bathtub at para itong isang maliit na jacuzzi pool. Kasyang kasya ang limang tao sa loob. Hindi ko mapigilang mapatingin sakanya habang inaalalayan kong lumubog si Nate sa bath tub. Halatang excited na excited sya.

The Casanova Jerk is a Daddy!? (Completed) Where stories live. Discover now