Chapter 10: Can't Leave

12.3K 273 1
                                    

It's been few weeks and I'm getting the hang of it, living with those two lovable boys.

"Nate, baby from now on we'll call mommy. Ate Yeni ok?"

"Anie??" ulit ng batang si Nate.

"Ate Yeni. Call her Ate"

"Ian, what are you doing?" tanong ko sakanya.

"Ah! tinuturuan ko lang si Nate"

"ANIE!!" sigaw ni Nate habang yumayakap sa binti ko.

Nagtataka naman akong napatingin kay Ian. He gave me one of his heart-melting smile.

"Actually tinuturuan ko syang tawagin kang ate. Will that be comfortable for you? Kasi diba sabi mo, you feel guilty everytime he calls you mommy?"

Tumango ako at napangiti sa sinabi nya. I just realized how Ian can be so understanding. Sa araw-araw na kasama ko sya, unti-unti kong naiintindihan ang ugali nya. Actually he's very sweet, very kind and caring.

He also have childish side of him. Yun nga lang hindi pa rin nawawala ang pagiging manyak nya.

Masyado yata syang nasanay na lahat ng babaeng nasa paligid nya ay pumapatol sakanya.

Nang araw na yun, maagang nagpaalam si Ian samin ni Nate dahil may praktis daw ang banda. Hindi ako naiinip kapag si Nate ang kasama ko. Nakakahawa ang pagiging hyper nya.

Dumating rin si Manang Florita para maglinis ng bahay. All around pala sya, kapag may nag-aalaga kay Nate sya ang naglilinis. Saglit akong nakipagkwentuhan skanya habang absorb na absorb si Nate sa panunuod ng toy story.

"Ah, Manang, matagal na po ba kayo dito? Naabutan nyo po ba yung nanay ni Nate?"

"Ah, naku hindi Mam babago lang po ako dito"

"Naku manang wag mo na akong tawaging mam, baby sitter lang naman ako dito"

"Ah, ganun ba. Akala ko kasi girlfriend ka ni sir Ian. Ngayon lang kasi sya nagdala ng magandang babae dito sa bahay"

"Ah..hehe..hindi naman po nya ako girlfriend. Nandito lang po ako para kay Nate. Mukhang masigla na si Nate ngayon,"

"Ay sinabi mo pa. simula't sapul naman masigla yang batang yan, madaldal pa. Tanong lagi ng tanong kung nasan daw ang mommy nya, pero ngayon mukhang hindi na sya masyadong nagtatanong simula nung dumating ka"

"Simulat' sapul? Ibig nyo po bang sabihin hindi dumaan sa pagiging matamlay si Nate? I mean yung tipong hindi sya naglalakad mag-isa at hindi nagsasalita?"

"Huh? Hindi naman. Makulit nga yang batang yan eh, sobrang talino pa. Pero
nang dumating ka napansin ko na hindi na sya masyadong umiiyak. Mas naging masigla sya ngayon"

Ibig sabihin nagsinungaling sakin si Ian? Sabi nya ako lang daw ang makakapagpabalik sa dating sigla ni Nate. 

Ginamit pa nya si Nate. Niloko lang nya ako. Mukhang magiging maayos naman si Nate kahit wala ako.

Nagkwentuhan pa kami ng kaunti ni Manang Florita pero nagpaalam na rin sya. Iniisip ko pa rin ang ginawang pang-uuto sakin ni Ian.

Hindi na talaga ako magtatagal dito. Lagot sya sakin pagbalik nya.

Eksaktong 7 pm umuwi si Ian.  Busy naman sa paglalaro si Nate pero nang makita ito ni Nate ay agad itong sumalubong ng yakap.

Bumalik na ulit sa paglalaro si Nate sa carpeted floor sa may sala.

The Casanova Jerk is a Daddy!? (Completed) Where stories live. Discover now