Kabanata 28

213 7 0
                                    

Date

I'm now his girlfriend.

What the hell is going on? Did it really just happen?

Kumalat ang pamumula sa pisngi ko nang ipagsandok ako ni Luci ng kanin at nilagyan pa ang plato ko ng maraming ulam. Ang lahat ng nasa hapag ay nakatingin sa amin ng may pagtataka.

Tumikhim si Ellia 'saka nagpasyang balingan na ang pagkain niya.

Si Mandy naman ay nagkibit-balikat na't piniling hindi na kami pansinin habang si Loreen ay pasulyap-sulyap pa rin sa amin.

I bit my lip, feeling so awkward pero si Luci ay parang wala namang pakialam sa mga taong kasama namin sa hapag at nagawa pa talagang ipagsalin ako ng juice.

"Ako na," agap ko at halos agawin na sa kanya ang baso ko.

Nang napagtantong handa akong makipag-away sa kanya para makapagsalin lang ng juice para sa sarili ay natatawa niya na akong hinayaan.

Tumikhim ulit si Ellia. Kulang na lang ay imudmod ko na ang mukha ko sa plato, hindi lang nila makita ang pamumula ng mukha ko. Mas lumala pa ang nararamdaman ko nang nanatili ulit sa amin ni Luci ang kuryusong tingin ni Loreen, pati na ni Mandy.

But Luci seems to be oblivious about the stares on us. Nang sumulyap siya sa akin ay pinandilatan ko siya ng mata. But he just raised his brow at me na para bang wala talagang alam sa nangyayari sa paligid.

"Si Gael pala? Won't he be coming home for lunch?" Gawa-gawa ko ng topic para maibaling ang atensyon nila sa ibang bagay.

Si Luci na ang tumikhim ngayon at binalingan ako ng tingin ng nakataas na naman ang kilay. What?

"He doesn't go home almost every lunch, probably with his girl," he drawled.

"Oh, I heard about his girlfriend, Khiva. She's a family friend," mahinhin na sabat ni Loreen.

"Akala ko ba si Arcy?" Kumunot ang noo ni Mandy.

Saglit na umawang ang labi ko. Oh, Andy, I just hope Gael is only one of your many crushes.

Ellia laughed and massaged the bridge of his nose habang si Luci naman ay seryosong nakamasid sa naging reaksyon ko.

"Lucius, you shoud still text him every lunch, every meal, actually. Baka ma-overdose na sa babae ang batang 'yon." Umiling si Ellia, probably worrying about their youngest brother.

"Hayaan mo na Kuya, he'll get tired with playing eventually," sagot ni Luci.

Imbes na magpatuloy ulit sa pagkain ay nabaling ang atensyon ko sa braso ni Luci na halos nakaakbay na sa backrest ng upuan ko.

His older brother's eyes dropped on where his arm is. Tumikhim si Ellia 'saka nag-angat ng tingin sa amin. May naglalaro nang ngiti sa labi niya.

"Coming from experience, huh? Why?You already got tired of playing Lucius?" Ellia smirked.

Napanguso ako. See? He was a playboy! Confirmed by none other than his older brother! Ni hindi na nga siya umimik pa dahil alam siguro sa sarili na tama nga ang Kuya niya.

Umismid ako 'saka bahagyang inilayo ang upuan kay Luci na katabi ko lang. Not because I got mad about him being a playboy. It's okay, hindi pa naman kami magkakilala noon. It's just that he's being too obvious that there's something between us, it will only shock people and I'm not yet ready for any questions or confrontations.

Buong lunch namin ay hindi na ako inasikaso pa ni Luci, which is good, kasi pagsalin lang naman ng juice sa baso at dahil na rin nakamasid lang sa amin sina Loreen, Mandy, at Ellia.

Hurricane (Disaster Series #1) Where stories live. Discover now