Kabanata 6

341 15 0
                                    

Erotic

Because of this outing, I met new people. It was fun. We played games and even though I didn't swim, I also had a good time just watching them.

"Cara, come join us!" Tanya, one of Anissa's friends called me as they were giggling and splashing water.

Nangingiting umiling ako at sinikop ang buhok na bahagyang isinasayaw na ng maalat na simoy ng hangin.

Nakatanaw lang ako sa kanilang nagkakatuwaan mula rito sa ilalim ng lilim ng puno ng niyog.

This is something new. As I wriggled my bare toes underneath the fine sands, I realized that I should have tried this a little earlier. I should have met new friends and explored.

Sabi kasi nila, highschool is the best part where you find friends and have fun together. Junior Highschool ended and I didn't experience that. I mean, I have a few friends but I've never been in a circle like this.

Pakiramdam ko tuloy, puro aral lang ang inatupag ko at ang boring-boring noon kung iisipin. I should have balanced fun and studying.

I suddenly regret I've let go and wasted my young years just because I was in the middle of Mom and Dad's broken marriage.

But I think, it's never been too late right? I can still have fun even if I'm already in Senior Highschool right now. I can still compensate for those wasted years.

My eyes fell on the silver bangle, the only thing Mom and Dad left me before they broke up.

Tenth birthday ko noon nang tuwang-tuwa ako sa regalong ibinagay nila, isang bangled bracelet na may nakaukit na pangalan ko sa ilalim nito.

At hanggang ngayon ay suot ko pa rin 'to, pabalik-balik pa nga ako noon sa jewelry shop para ipa-adjust ang clasp nito dahil sumisikip na sa palapulsuhan ko.

"Cara, Let's go! We'll use the boats they rented!" Chels pulled me up, chuckling.

Nagpatianod ako sa hila niya. Siguro ay nasa mga labing-lima katao ang nasa grupo namin. Nagtungo kami malapit doon sa may rock formations na nasa pinakadulo na ng mga cottages. Doon kasi nakatali ang hile-hilerang mga bangkang pinaparentahan ng Arena Fina.

Limang bangka ang nirentahan nila Anissa kaya tig-tatatlo ang umuukopa sa isang bangka. Kasama ko si Andy at si Kade sa bangka namin. Hindi naman masyadong mainit sa balat ang sikat ng araw na mainam lang sa pamamangka.

Habang si Kade ang nagsasagwan ng bangka ay panay kuha ng mga pictures si Andy.

I let my hands down as I traced the pristine waters. Nangingiti kong pinagmasdan ang pumaparteng tubig-dagat sa tuwing nadadaanan ng kumpas ng kamay ko.

"Cara, tabi ka kay Kade dali, kukunan ko kayo ng picture."

Tumabi naman ako kay Kade na saglit na binitawan pa ang sagwan sa may gilid at inakbayan ako.

Ngumiti ako sa camera.

"Bagay kayo." Nangingiting tiningnan ni Andy ang screen ng camera.

"Talaga? Narinig mo 'yon? Cara?" Malapad na ang ngisi sa akin ni Kade.

Sinuklian ko siya ng malakas na halakhak at irap na sinimangutan niya.

"Pero hindi kita gusto para sa kaibigan ko. Ang dami mong babae, hindi puwede!" Pinanliitan siya ng mata ni Andy.

Kade mocked Andy's girly voice.

Nangingiti na lang ako sa pagbabangayan nilang dalawa hanggang sa lumayo-layo na kami sa kinaroroonan ng Arena Fina.

Hurricane (Disaster Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon