Kabanata 5

324 15 0
                                    

The Brother

It is Saturday, I could finally rest after a long tiring week and I could wake up so late if I want to.

Or so I thought, there were knocks on my door and Tita Helen's voice is calling me from outside my room.

Tita Helen? May kailangan ba siya? Kadalasan kasi kung pinapatawag niya ako ay may inuutusan lang siyang kasambahay para pumunta rito.

At nang napasulyap ako sa alarm clock na nasa bedside table, six thirty AM ang nakatatak doon at maaga pa naman.

"Cara, may bisita ka," Tita said, her voice laced with excitement.

Nagkukusot pa ako sa mata nang bumangon at suot pa rin ang neglige ko para pagbuksan si Tita Helen na nakangiting nakaabang na sa tapat ng pintuan.

"Good morning Tita," I greeted, my voice groggy.

"Good morning." She smiled.

"Sino pong bisita?"

To have her come here and tell me this, someone important must be waiting for me downstairs.

"Iyong anak ng kasosyo ni Tito Gilbert mo sa pinapatayo niyang pharmaceutical company. Hindi ko alam na nanliligaw pala sa 'yo ang anak nila Doctor Altamirano." Tita looked at me maliciously.

Napakunot ang noo ko.

May kaibigan ba akong Altamirano? Wait– Kade? He's here? Anong ginagawa niya rito?

"Hindi ko po 'yon manliligaw Tita. Uhmm... mag-aayos pa po ako," nalilito kong sambit.

Sino ba kasing hindi matataranta kung bigla ka na lang gigisingin at ipapaalam sa 'yong bumisita ang kaibigan mong hindi ka naman sinabihang bibisita siya?

Nang i-check ko ang phone na nakapatong sa bedside table ay may mga messages palang galing kay Andy kagabi pa na nakaligtaan ko lang dahil sa maaga akong natulog.

Andy:

Cara, may outing bukas na in-organize nila Anissa at Emi, ini-invite nila tayong dalawa. Sinabihan ko na si Kade na sunduin ka, wala ka nang magagawa kaya huwag ka nang tumanggi pa.

Andy:

Please, pumunta ka. Palagi ka na lang wala tuwing may mga outing.

Tama nga si Andy, wala na akong magagawa dahil nandoon na nga si Kade sa baba. Nang i-check ko pa ang ibang messages ay mayroon ding galing kay Anissa.

Anissa:

May beach outing bukas, sa Arena Fina, 9:00 AM. Pumunta kayong dalawa ni Andy ha? Lalo na ikaw, palagi kang wala tuwing may ganito.

At ang last message na nakita ko ay galing kay Kade na bago pa lang.

Kade:

Papunta na ako riyan sa inyo para sunduin ka.

As I took a quick bath, I remember Tita's already dressed in her business suit when she called me here, making me think about the family business, an auto parts manufacturing company which is Herrera International Inc.

Kaya nga lang, si Tita muna ang nag-ha-handle hangga't hindi pa umuuwi si Dad.

Well, tumutulong naman si Dad through online conferences pero hindi ko alam kung bakit hindi siya umuuwi rito sa Pilipinas lalo na't may kompanya naman siyang dapat na pangalagaan. Pero pinili niya pa ring manatili abroad.

He went there when he and Mom broke up but I think he should be handling the company first-hand right now, most especially that Tita's still having a hard time handling it.

Hurricane (Disaster Series #1) Where stories live. Discover now