Chapter 17- Subject

32 6 2
                                    

Habang nakaupo ako sa aking armchair ay hawak ko ang ballpen habang naka-alumbabang pinagmamasdan si Isagani na nagbubura ng sulat sa blackboard. 

Nang matapos na siya ay lumapit na siya sa table at hinawakan ang mga papel na nakapatong doon.

“Kindly distribute this test paper class.” inabot ni Isagani kay Hubert ang mga papel.

Nang matanggap ni Hubert ang mga test paper ay naglibot na ito para ipamigay ito sa amin. Si Isagani ay abala na rin pagligpit ng laptop niya dahil end of class na rin namin. 

“Han, congrats! 95 over 100 ang nakuha mo sa prelim.” sabay bigay ni Hubert ng test paper kay Hannah.

Nang matanggap ni Hannah ang papel ay tinignan niya agad ito. Lumaki ang ngiti sa labi niya nang makita ang malaking marka na nakuha nito.

“Salamat Huberta, nakapasa ako.” mabait na wika nito.

“Wow, sana all.” nakangiting wika ni Hubert.

Masaya akong malaman na nakapasa sa exam si Hannah sa Prelim. Nakaka-inspire si Hannah na maging classmate. Akalain mo kahit na parent na siya at may anak na inaasikaso pagdating sa bahay nila.

Napagsasabay pa rin niya ang maging magulang at pag-aaral. Kung ako nasa kalagayan niya ay siguro hindi kakayanin iyon. Lalo na hindi naman ako katalinuhan.

Si Hubert naman ang bumaling sa akin hawak ang test paper. Unti-unting lumungkot ang mukha niya na nakaharap sa akin.

“Sad to say, Miss K… 70 over 100 lang ang nakuha mo sa exam.” sabay bigay sa akin ni Hubert ang test paper ko.

Biglang bumilis ang kaba sa dibdib ko sa sinabi ni Hubert. Nang matanggap ko ang aking papel ay dali ko agad itong binasa. Nakita ko ang score na 70 over 100 sa Prelim.

Shit! Nakakahiya naman ang nakuha kong score sa exam. Ang masaklap pa ay kapitbahay ko pa ang nagcheck nito. Lumingon ako kay Isagani sa may harapan.

Nadatnan kong bahagyang naningkit ang mata niya na nakatingin siya sa akin. Kahit tikom ang kanyang bibig ay tila ang titig niya sa akin ay may kasamang pagbabanta. Napadungo ang ulo ko at napahawak sa noo dahil sa naramdaman kong kahihiyan.

Isipin ko na lang nasa outer space ako at kalimutan na isa akong tao. Ang bobo ko talaga!

“Bawi ka nalang Kristina next exam.” bulong ni Hannah.

“Ano pa nga ba.” desmayadong wika ko.

Wala akong magagawa. Natapos na ang exam at bagsak na ako. Babawi na lang ako sa midterm. Si Hubert ay napabuntong hininga na nakatingin sa akin. Tila naawa rin siya sa bagsak kong exam.

KINABUKASAN, wala akong pasok. Sa dahilang nabagsak ako sa prelim sa subject kong PolScie ay palihim akong pumasok sa faculty office para puntahan si Isagani para kausapin ito. Nang makapasok na ako sa loob ay hinanap ko agad kung saan ang cubicle ni Isagani.

Sa ilang minuto nang paglibot ko sa loob ay natigil ako sa isang cubicle na may isang picture frame na nakangiting Isagani kung saan nakalitaw ang dimple niya. Nakapatong ito sa isang desk.

Walang duda. Dito ang cubicle ni Isagani. Ang problema ay wala siya dito ngayon. Nagpatingin-tingin pa ako sa paligid sa pag-asang makita siya. Ngunit walang Isagani akong nakita. Nasaan na kaya ang baby boy ko?

May nakita akong schedule na nakadikit sa cubicle niya. Sa pagbasa ko ay may clase pa siya sa ibang time slot. Wrong timing pa ang pagpunta ko dito hindi ko rin pala siya makikita.

Kinuha ko na lang ang cellphone ko sa bag at kinunan ng picture ang schedule ni Isagani. Nang makuha ko na ang schedule niya ay mabilis kong tinago ang phone ko sa bag.

Be My BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon