Chapter 36- Tuition Fee

20 5 0
                                    

Habang nasa byahe kami sakay ang motor ni Isagani. Katulong namin si Juan para ituro ang daan kong saan namin makikita ang kapatid kong si Sushmita. Ilang minuto ng byahe ay nahinto kami malapit sa isang ilaw ng poste kung saan sa gilid nito ay may nakatayong videokehan.

“Nandito na tayo,” sabi ni Juan.

Bumababa na ako sa motor. Ganoon din sina Isagani at Juan. Hindi na kami nag-aksaya ng oras pumasok na kami sa loob ng videokehan. Pagdating namin doon ay wala ng taong kumakanta roon.

“Wala sila dito Kristina,” sabi ni Isagani.

Mas lalo akong kinabahan para sa kapatid ko. Sumasakit ang ulo ko dahil hindi ko na alam kung saan na siya hahanapin. Nagtanong kami sa may ari ng videokehan. Base sa picture sa phone ko na pinakita sa kanya ay tugma ito kay Sushmita.

Tama si Juan dahil pumunta nga roon ang kapatid ko kasama ng mga lalaki na uminom din sa lugar na iyon.

“Makakatikim talaga itong si Sushmita sa akin!” inis na sabi ko.

Nakuha ko pang i-dial ang number niyang muli. Dismayado akong hindi pa rin ito ma-contact. Wala kaming nagawa kundi ang lumabas sa loob ng videokehan. Labis na akong nag-aalala kay Sushmita. 

“Diba si Sushmita ‘yon!” turo ni Juan sa isang itim na van na naka-park hindi masyadong kalayuan sa amin.


Sa likuran ng van ay may tatlong lalaki kasama ang isang babae na pinalilibutan ito. Kahit medyo malayo kami ay kitang-kita ko na ang kapatid kong si Sushmita iyon. Nakatayong nakasandal sa likod ng van. Nakadungo ang ulo at baksak ang balikat.

Sa kinatatayuan namin ay inakbayan na si Sushmita ng isang lalaki. Habang yung dalawang lalaking kasama niya ay binubuksan na ang likod ng van. Unti-unti nang namuo ang takot ko para kay Mitang. Balak nilang ipasok ang kapatid ko sa likod ng van.

“Hoy! itigil ninyo ‘yan!” matapang na sigaw ni Isagani.

Namamadali tumakbo agad si Juan palapit doon. Sumunod din kaming dalawa ni Isagani. Nang nakarating kami roon ay napalingon at natigilan ang tatlong lalaki. Bakas sa mukha nila ang gulat sa paglapit namin.

“Ano’ng gagawin ninyo sa kapatid ko?” galit na tanong ko.

Hindi na ako nag-atibiling hinawakan ang braso ni Sushmita at hinila palayo sa kanila. Napatingala si Sushmita sa akin. Kalahati ng mata niya ay bukas at halatang lasing ito.

“Ate…” nahihilong boses ni Mitang.

“Sa bahay na tayo, mag-usap!” sabi ko.

Hinawakan ni Juan ang balikat ni Sushmita para alalayan na hindi ito matumba sa sobrang kalasingan.  “Ako na bahala sa kanya. Ate Tina,” sabi niya.

Dinala ni Juan si Sushmita sa gilid ng kalsada kung saan may upuan na pwedeng makaupo sandali ang kapatid ko na walang lakas ngayon. Sa mukha ni Sushmita ay hilong-hilo ito sa kalasingan at nanghihina.

“Teka! Sino ba kayo? Girlfriend ko ‘yang inagaw ninyo sa akin!” sabi ng lalaki na naka-akbay kay Sushmita kanina. Ito siguro ang Oliver na sinasabi ni Juan na boyfriend ng kapatid ko.

Matapang ko silang hinarap. “Eh ano naman kung girlfriend mo siya? Ako ang ate niya!” matapang na sabi ko.

“Ano’ng balak ninyo kay Sushmita? Bakit balak ninyong isakay sa van?” strictong tanong ni Isagani

“Halatang may balak kayong masama sa kapatid ko ‘nuh?!” naningkit ang mata ko sa kanilang tatlo.


Bahagyang namutla ang mukha nila at napaatras ng isang beses palayo sa amin. Mabilis nilang sinara agad ang pintuan sa likod ng van.

Be My BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon