Chapter 22- Exes

28 6 0
                                    

Nang nagdismiss na si Isagani sa klase ay kanya-kanyang tayuan ang mga classmate ko para magligpit ng mga gamit nila para makalabas na dito sa room. Ako ay pasimple ring nagligpit ng gamit ko pero ang mata ko nanatiling nakamasid kay Isagani na nagliligpit din ng gamit niya sa may harapan. Lumapit si Hubert at Hannah sa akin dala ang kanilang bag.

"Kristina, tara na," yaya ni Hannah.

Lumingon ako sa kanilang dalawa. "Mauna na kayo, makikipag-usap pa kasi ako kay Sir Isagani."

"Huh? Ano'ng pag-uusapan ninyo Miss K?" tanong ni Hubert.

Napasulyap pa ako kay Isagani na tahimik pa rin na nagliligpit ng laptop niya pero nakita ko rin na sumulyap din ito sa akin. Lumingon ako sa kanila.

"Medyo may kasalanan ako kagabi, mamaya ko na lang ipapaliwanag," mahinang na sagot ko.

Nagkatinginan silang dalawa sa isat-isa at tila napaisip. Ilang sandali ay lumingon din sila sa akin.

"Okay. Hintayin ka lang namin sa labas," sabi ni Hannah.

"Sige. Una na kayo, susunod ako."

Nang mailagay ko na ang notebook ko sa bag ay dahan-dahan ko na silang tinulak para lumabas ng room. Wala rin silang nagawa kundi ang sundin ako. Hindi nagtagal ay tuluyan na silang umalis. Nang kami na lang ni Isagani ang naiwan sa room ay tahimik akong lumapit sa kanya.

Kinakabahan ako pero nilakasan ko ang loob na harapin siya. Nahihiya ako dahil binabaan ko siya ng tawag kagabi pero hindi ko iyon pinagsisihan. Wala rin akong choice ng gabing iyon. Nanatili akong nakatayo sa harap niya hanggang natapos siyang magligpit ng laptop niya.

Ilang sandali ay lumingon siya sa akin kasabay ng seryoso ekspresyon sa mukha. Habang tinitignan siya ay napansin kong maitim ang ibabang bahagi ng mata niya. Naninibago ako sa itsura ng mukha niya. Matagal na kaming magkapitbahay ni Isagani pero ngayon ko lang siya nakita na nagkaroon ng eyebags.

"Ano'ng kailangan mo?" seryoso niyang tanong.

"Ahmp... diba gusto mo akong makausap, ngayon muna ako kausapin," malumanay kong sagot.

Huminga siya nang malalim. Seryoso siyang napatingin sa aking mga mata. Napatimkom ako ng bibig.

"I have schedule after this. Sa Santiago nalang tayo mag-usap," walang emosyong niyang wika.

Mula sa harapan ko ay umalis na siya. Dala-dala ang itim na computer bag nito. Naiwan akong tulala sa sagot niyang iyon. Bigla akong nakaramdam na parang galit siya o tampo sa akin. Hindi ako sanay na ganitohin na kausapin ni Isagani. Sinundan ko siya nang tingin na papalabas ng room.

"Teka lang! Sir Isagani," malakas na tawag ko.

Tumakbo ako at humarang sa harapan niya bago siya makalabas ng pintuan. Natigilan siya sa paglakad. Napaawang bahagya ang bibig niya sa pagharang ko sa kanya.

"Ano bang kailangan mo Kristina? namamadali ako," iritadong boses nito.

Mabilis siyang napasilip-silip sa labas ng room na mukhang nag-aalalang ito na may makakita sa ginawa ko.

"Wag mo nga akong lokohin, Isagani. Wala kang schedule after ng class namin."

"What?" napakunot-noo siya.

Kinuha ko ang phone sa bag. Ginamit ko ang phone at pinakita ang schedule na kinunan ko sa cubicle niya ng minsan na pumunta ako sa faculty office. Pinakita ko sa kanya ang litrato. Napaawang muli ang bibig niya na mabasa iyon.

"See? Mamayang 1:30 pm ang next schedule mo," kompyansang sabi ko.

Binalik ko ang phone sa bag. Huminga pa ako nang malalim bago bumalik ang paningin ko sa kanya.

Be My BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon